CHAPTER 11

1648 Words
CHAPTER 11   *Nicolle POV*   Nakita ko si Hermes at ang mga kaibigan niya na busy sa inuman. Gusto ko sanang makisabay sa kanila pero wala ako sa mood ngayon. Masama talaga ang pakiramdam ko. Nakakainis dahil mula nang bumyahe kami ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Palagi akong nahihilo at nasusuka. Siguro dahil na rin sa byahe kaya hindi maganda ang pakiramdam ko. Paano ba naman kasi sobrang layo nang byinahe namin. Bigla naman ako nakaramdam nang gutom kaya tumayo ako para pumunta sa kitchen.   Papasok na sana ako sa kusina ng may napansin ako. Nakita kong nakatalikod lang si Dee sa dereksyon ko at umiinum ng alak sa baso niya. Siya lang yata mag-isa. Hindi ko muna siya nilapitan at hinintay kung anong gagawin niya. May napapansin rin naman akong kakaiba kay J at Dee pero ayokong makialam sa issue nilang dalawa.   "Hindi mo kailangan magtago dyan." sabi niya at humarap sa akin. Her face utterly boredom. But her eyes tell another story. I don't get her. Why she's acting like this? Her eyes are telling me that she's sad or maybe its the effect of the alcohol.   I just sit infront of her. I look at her as if she's an alien. She look at me blankly. I hate to admit this but she's really damn pretty. No, I mean she's gorgeous! Perfect! A wonderful masterpiece of God.   "Stop drooling." she rolled her eyes.   "You know what?! I don't get you! Bakit ka ba bumalik dito? Di naman sa hindi kita gustong bumalik, gusto ko lang malaman bakit ka bumalik at ginulo mo ‘yung isipan namin?!" sabi ko sa kaniya. Di na talaga namin siya maintihan. Kahit ako, ayaw na ayaw ko ng problem solving sa math, ito pa kaya na parang self problem na. “Don’t get me wrong. Naguguluhan lang talaga ako.”   “Ginugulo ko ba kayo? Sa pagkakaalam ko kayo ang gumugulo sa ‘kin.” Ininum niya ang alak niya at saka naman ako lumapit sa pwesto niya. Tiningnan niya ako, “My friends didn’t say that.”   "You know why?” binuksan ko ang ref at kumuha nang tubig saka ko siya sinagot, “Because for them, you have a walls. Thick and high walls that no one can invade. Even your friends." Seryoso kong sabi. Tiningnan niya lang ako. Wala paring emosyon ang mukha niya. "I'm sorry." Ito ang mga bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. "Kasalanan ko rin naman ‘yun dahil --" pinutol niya ang sasabihin ko.   "Don't blame yourself." Sabi niya saka tinitigan ang laman nang baso niya. “Kalimutan na natin ang nakaraan. May kasalanan rin naman ako.”   "No. Kasalanan ko, pinilit ko si Kenji na gawin ‘yun." napaiyak ako. Ewan ko pero parang ang dali kong maiyak ngayon. "I'm so dejected at that time. No one trully love's me. J left me and chose you instead of me. It cause so much pain. I love J, Dee. I really love him." pinahid ko ang luha sa mata ko. "Nilasing ko si Kenji nang gabing ‘yun. Inakit ko siya. Nung una hindi siya nasindak. Mas nalungkot ako ng walang epekto ang ginawa ko. I begged to him." nakita ko na nakatitig na siya sa akin.   "I forced him to do that. Then, he gave up. Hindi naman namin inaasahan na makikita mo kami. Nung una nasiyahan ako dahil nakita mo kami. Kahit papano nakaganti ako sa pag kuha mo sa akin kay J. Pero mali. Maling mali ang ginawa ko. I'm so sorry." sabi ko at umiyak sa harap niya. "Bumalik kana kay Kenj, Dolly. He's madly inlove with you. Until now, you're still the one in his heart."   "It's too late, Nicolle." ako naman ang napatingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin. "I've moved on. At kahit kailan, hindi na nun maibabalik pa ang nangyari." nakita ko na may pagbabago sa mukha niya habang sinasabi ang bagay na ‘yun. It's pain. Di ko alam kung para saan o kanino pero feeling ko dahil ‘yun sa anak niya.   "I'm so sorry, Dolly." Seryosong sabi ko sa kanya. Totoong hindi ako komporableng makipag-usap sa kanya dahil sa mga nangyari noon pero gusto ko pa rin humingi nang kapatawaran sa lahat nang mga ginawa ko noon sa kanya.   "Apology accepted." she replied. And I know walang halong kaplastikan ang sinabi niya. Ngumiti ako sa kaniya pero di siya ngumiti sa akin. Ininum niya ang laman nang baso saka siya nanatiling tahimik sa tabi ko.   "So, friends?” tanong ko. Hindi naman siya nakasagot dahil biglang sumulpot si Kenji at hinila si Dee palabas sa kitchen. Psh! Go fight for your woman, Kenj! Binuksan ko naman ang ref saka naghanap nang pwedeng makain.   ** THIRD PERSON ** Mahigpit ang pagkakahawak ni Kenji sa kamay ni Dee na parang ayaw niya itong bitawan. Kanina niya pa kasi hinahanap ang dalaga at narinig niya ang pag-uusap ng dalawang dilag sa kusina. Di niya alam pero parang sinasaksak ang puso niya sa binitawang salita ng dalaga. 'I've moved on.' Di niya kayang tanggapin ito ng ganun kadali.   Nagpahila naman si Dee sa kaniya. Alam niyang mangyayari to, sa katunayan ay inaasahan niya ng kakausapin siya ni Kenji sa marahas na paraan kaya nagtago siya sa kusina. She rolled her eyes. Sawang-sawa na siya sa kadramahan ni Kenji. Kahit narinig niya na ang dahilan at ang ma nangyari ay wala paring nagbago sa nararamdaman niya.   Napahinto sila sa isang park kung saan malapit sa bahay nila Gucci. Tahimik ang lugar at at walang taong nandun. Ang ilaw mula sa poste lang ang nagbibigay nang liwanag sa madilim na parke. Tiningnan ni Kenji si Dolly pero wala paring emosyon ang dalaga habang nakatitig sa kanya.   "I can't read you, Dolly! But—but please let me help you!!" Di sumagot ang dalaga sa kaniya.   "Bigla ka nalang nagbago,” hindi sumagot ang dalaga saka siya tumalikod, "F*CK!" sigaw ni Kenji at sinipa ang bote na nasa paanan niya. "Talk to me Dolly! I need you! Can't you see I'm f**kin' inlove with you!? Inlove with the woman who really hate me!" he groaned.   "I don't hate you Kenji." sagot ng dalaga.   "Then, why are you avoiding me as if I have a disease!? Psh! Dolly! Please. I love you, love." sabi ng binata. Halata sa mukha at mata niya ang sinsiridad sa sinasabi niya pero wala lang ito sa dalaga. Para kay Dee nanunuod lang siya ng palabas sa telebisyon at napaka corny ng main character para mag makaawa sa harap ng babaeng sinaktan niya. Walang maramdaman si Dee kahit awa man lang para sa binata. Tapos na ang lahat. Wala nang babalikan pa.   "Hindi ko na maramdaman Kenji. I had enough. Enough to let go. Di ko na maramdaman kung pano ulit magmahal. Sawa na ako." Tumalikod siya at umupo sa isang bench. “Ayoko nang magmahal. Mas marami pa akong dapat gawin kaisa atupagin ang hindi mapaliwanag nang seyensyang sakit sa ulo na relasyon.”   "Damn it! Dolly, look! You will never know what I feel for you if you only care on what you feel for me!" sagot nang binata at umupo sa harapan niya. Kung titingnan ay parang nakaluhod ito sa harap nang dalaga pero sadyang naghihintay lang siya nang sagot mula rito.   "Ano ba dapat kong maramdaman Kenji? Maging masaya? Matuwa? Bakit?" tumingala ang dalaga. "Ano bang dapat ko ikatuwa sa buhay ko ngayon?" binalik niya ang tingin niya sa binata. "I'm not happy Kenji." makikita mo sa mata ng dalaga ang labis na hinanakit nito. Hinawakan ni Kenji ang kamay ni Dee saka ito hinalikan.   "Ako din Dolly. Nawalan din ako ng anak." dun lang natauhan ang dalaga sa sinabi niya. Marahas niyang binitawan ang kamay ni Kenji saka tumayo para lumayo rito. Parang pinaliguan siya nang malamig na tubig nang binanggit ang anak nila.     "Just moved on, Kenji! Ayoko ng marinig pa ang tungkol sa bata o kahit ang tungkol sa atin! Tama na! Di to tama!" she crossed her arms, “Ayoko nang balikan ang pagkakamali ko noon.”   "May tinatago ka ba sa ‘kin?” humarap si Kenji kay Dee. “Kung may tinatago ka mas mabuti pang sabihin mo na –“   "Di mo ako maiintindihan Kenji! Kahit kailan di mo ako maiintindihan!" muling tumalikod ang dalaga saka naman siya hinila ni Kenji.   "Bakit ka ba nagkakaganiyan? F*CK! Can you explain everything to me!? Di ako manghuhula Dolly para--"   "Kenji! Please.” Nakikiusap na sigaw ni Dee saka siya tinitigan sa mata, “Move on."   "NO! F*CK! How can you say that? You're killing me Dolly! You're killing me." malungkot na wika ng binata. Napailing si Dee. Hindi siya pwedeng magpadala ngayon, hindi siya pwedeng magmahal. Tinatak niya na sa utak at sa buong pagkatao niya na hindi na siya maari pang magmahal.   "Just f**kin' move on! Let go the b*lsh*t and move on! Don't use our past as an excuse Kenji! JUST PLEASE, I’M BEGGING YOU, MOVE ON." pagmamakaawa ng dalaga.   "I said NO! Aalamin ko lahat Dolly! Kahit ayaw mo malalaman ko rin lahat." di na sumagot ang dalaga. Alam ni Dee na darating ang panahon na malalaman nila ang lahat pero di pa ngayon. Kailangan niya ng dobleng pag-iingat. Pinili niyang hindi nalang magsalita pa. Nakakapagod ring kausap ang binata lalo pa’t nauubusan ito nang pasensya.   Natigil sila sa pag uusap ng tumunog ang cellphone ng binata.   Calling Lex... "Yo.” (Dude where the hell is you?) "Park." (Okay. Dude. Emergency.) sabi sa kabilang linya. Di sumagot si Kenji. Napabuntong hininga si Lex bago nag salita ulit.   (Something happened. Just....don't freak out dude but ........)   "Spill it Lex." Tinitigan ni Kenji si Dolly na nakatingin lang sa malayo.   (Nasa hospital kami. Nakunan si Nicolle.)          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD