CHAPTER 31 - A THE CONTINUATION KENJI POV "Baliw na baliw si dad sa mommy ni Dolly kaya pati pag lipat sa ibang planeta ay pinatulan niya na. Naniniwala kasi si dad na lahat nagagawa ng drugs. Kahit na gawing posible ang mga imposible. Gusto ni dad na mapadali ang pag-alis nila kahit kapalit pa nun ay ang pag iwan niya sa atin. Sa atin na pamilya niya, sa atin na sariling dugo't laman niya." malungkot na kwento ni Kentaro. "Nang mamatay ang ina ni Dolly halos mabaliw si dad. Pero naayos naman ‘yun ni mom. Ginamit ni mom ang drugs na naimbeto ni dad." "Anong klaseng drugs ba ang ginagawa ni dad?" tanong ni Kenji. "Endless Elixir of love." Napakunot ang noo ni Kenji. ‘Kalokohan!’ sabi niya sa kanyang isipan. "Endless dahil akala ni dad wala ng katapusan ang pag-i

