KABANATA 64 Maagang hinanda ni Bishamo ang mga gamit na maaring magamit nila sa experiment na kanilang gagawin. Tiningnan niya ang mga kumikinang na likido na parang sapphire saka ito isasalin sa kumukulong tubig saka ito ililipat sa isang capsule. Maraming pinagdaanan ang kanilang ginawang experimento dahil gusto rin nilang maging polido ang lahat. Sinabi ni Bishamo ang petsa kung kailan nila ito gagawin at kailangan nang ihanda ng pamilya nila ang maaring mangyari sa dalawang magiging test subject ng bagong variant ng EEOL na gawa nila. “Dad,” napahinto si Bishamo sa ginagawa niya ng pumasok si Kenji na may suot na puting lab gown at mask. Agad namang tumayo si Bishamo at hinarap ang kanyang anak. “Let’s talk outside.” Sinulyapan pa ni Kenji ang mga gamit sa laboratory ng ka

