KABANATA 72 - A ** DOLLY POINT OF VIEW ** Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Kenji. Talagang nagtatampo siya mula nong huling pag-uusap na ‘min. Dinadalaw niya ako sa hospital pero hindi niya man lang ako kinakausap. Madalas rin silang nagkukulitan ni Ysmael pero sa tuwing kakausapin ko siya para siyang bingi na para bang hindi ako naririnig. Gusto kong matawa sa inaakto niya. Nagtatampo siya para sa walang kwentang bagay. Hindi ko naman itatangging gising ako sa mga oras na pinupuntahan at kinakausap nila ako. Naririnig ko ang bawat araw na sinasabi ng doctor. Malinaw rin sa ‘kin na kahit ang doctor mismo ang nagsabi na kung hindi kaya ng katawan na ‘min ay wala na kaming magagawa. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Tiningnan ko ang mga taong dumalo sa pagkamatay

