CHAPTER 46 – B ** DOLLY POINT OF VIEW ** Pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon ay umuwi rin si daddy kasama si Kenji. Ramdam kong gusto pa akong kausapin ni Kenji pero alam kong nagpipigil siya dahil kay Jilton. Alam ko ring naghihinala sila sa naging desisyon ko pero hindi ko pa rin sasabihin sa kanila ang totoo. Kung talagang nag-aalala sila sa ‘kin ay sila mismo ang gumawa ng paraan para malaman ang mga nangyayari sa ‘kin ngayon. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila pero natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko. “Aalis muna ako.” tiningnan ko si Jilton na bihis na bihis habang ako naman ay hinahanda ang agahan namin. “Saan ka pupunta?” I asked and I invited him to eat. Agad naman siyang umupo sa upuan at nagsalin ng kanin. Umupo naman ako sa harapan

