KABANATA 57 ** DOLLY POINT OF VIEW ** Everything was black. I can’t open my eyes. Nasaan ba ako? Muli kong binalikan ang alaala bago ako nawalan ng malay. Nakarinig ako ng maraming putokan dahil sa paglusob ng kalaban. Dati pa man ay alam ko na mangyayari ang kinakatakutan ko at ngayon ay mas gugustohin ko pang hindi na lang magising kaisa harapin ang panibagong problema. Huli na ang lahat para tumakbo at bagohin ito. Parti ng plano to pero hindi namin alam kung magiging matagumpay ba ang planong ‘to. “Saan mo tinago ang mga anak ko?!” isang boses ang umalingaw-ngaw sa ‘king tenga. Gusto kong buksan ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Tila ang bigat bigat ng katawan ko at kahit paggalaw ay hindi ko man lang magawa. “Kailan man ay hindi mo magiging anak ang mga anak ko

