KABANATA 66 - B Days had passed at magaling na si Kenji. Ngayon niya lang muling nabisita si Dolly at ang kanyang anak dahil sa mga ginawang test sa kanya. Agad rin naman siyang sinalubong ni Ysmael at narinig niya pa ang mga pagtatampo nito sa ginawa niya. Hindi man lang nito naisip ang magiging epekto sa bata dahil sa ginawa niya. Pinaliwanag niya naman agad sa anak niya na mali ang ginawa niya at nagsisisi siya sa ginawa nito. Ngunit sa kaloob looban ng binata ay tuwang tuwa ito dahil sa wakas ay magiging panatag siyang gamitin ang EEOL sa in ani Ysmael. “I’m fine, son. I’m good.” Paliwanag niya rito saka muling hinarap si Dolly na ngayon ay wala pa ring pinagbago. Bukas na susubukan sa dalaga ang EEOL 2.0 na natapos ng kanyang ama at hindi niya maiwasang mag-alala kahit

