KABANATA 54 -B “Doc, pwedeng tawagin niyo si Jilton? Talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko.” Napahinto si Kenji nang magsalita si Dolly. Nakatalikod ito sa dereksyon niya at halatang nahihirapan dahil sa nararamdaman nito. “It’s me.” Agad niyang binukas ang kanyang mga mata pero parang hindi niya man lang maaninag ang binata dahil sa pagkahilo nito. “I told you to wait. Maselan ang pagbubuntis mo, love.” ‘yun ang narinig nang binata kanina. Iniisip niya sa mga oras na ‘to na kahit pa hindi siya ang tunay na ama ng bata ay tatanggapin niya pa rin ito dahil alam niyang mula ‘to kay Dolly. Lahat tatanggapin niya. Lahat kaya niyang tanggapin. “Kenji?” Hinawakan niya ang kamay ng binata pero hindi niya pa rin ito maaninag. Agad namang inalalayan ni Kenji si Dolly at hinawakan ang ulo

