CHAPTER 1

1501 Words
CHAPTER 1 "Pag ito ay hindi na gumagana or let's just say pag nasira, tatlo lang ang ibig sabihin nito" "Ano po?" "ibibigay ko sayo ito, walang baterya na nakalagay kusang gagana ito pag nahanap mona ang nakatadhana na magmamahal sayo." Tumango naman ako. "At kapag ay ito ay gumana na ibig sabihin ang tao na nasa harap mo ay siya ang nakatakda sa iyo. But! if the time stops-. may ibig sabihin ito. Pag eto ay tumigil nang alas dose ng hating gabi may kalandian ang magiging boyfriend mo, Pag nasira ito ng alas dose ng tanghali may tinatago siya sayo at pag nasira ito ng alas dose ng hating-gabi ng linggo--" "Ano po ibig sabihin nun?" kunot noo kung tanong sa kanya. "Hindi ko alam." Teka baliw ba ata'tong Lola ko a? "Ate, gumising ka muna sumasakit na naman daw ang tiyan ni mama" Paggising sakin ni Sean ang limang taong gulang kung kapatid. "Anak!!" pagtawag sakin ni mama habang namumulupot sa sakit. "Ma!" dali-dali akong pumunta sa kaniya. "Teka, ito inumin mo." at inabutan ko siya ng medyo katamtaman ang init na tubig. Meron akong isang kapatid si Sean Rhyle anim na taong gulang at grade 1 na. Ako naman ay nasa Senior High na scholar, tatlo nalang kami ang natitira sa bahay nato. Matagal nang wala si papa at ako nalang ang nahahanap ng raket upang makakain kami. Minsan three times a day pero madala two times pero mas madalas once in a day lang kami kumain dahil sa kakulangan ng pera. Hindi kona pinapatrabaho pa si mama upang makapag-pahinga siya kakagaling niya lang kasi mula sa sakit niya at mas gusto ko na nandun lang siya sa bahay at mag pahinga. Part-timer ako sa isang sa photocopy & print shop. Hindi ko alam kung bakit ba nakakapag-aral parin ako kahit na isang kahig isang tuka nalang kami.Hindi sa scholar ako pero ganun parin malaki ang gagastusin sa pang araw-araw naming kailangan at isa nadun ang kakainin namin araw-araw. Napag desisyonan kung magtrabaho sa isang photo-copy shop at pagsa gabi naman ay nagtratrabaho ako sa isang restaurant pag ka-out ko ay dederetso ako sa isang bar kung saan dun naman ako papasok upang magtrabaho magdamagan ito. Magtatapos ang trabho ko ng 3 O'clock ng umaga at matutulog ng ilang oras at papasok na naman ulit sa klase. Rosewell Joy po at ito ang aking kwento. Isang malamig at napakasarap na hangin ang humahaplos ngayon sa aking katawan, andito ako ngayon sa bintana ng bahay at nagpapahangin sa bubong, dito ang pinakamagandang parte ng bahay sakin dahil pag may problema ako dito ako umaakyat sa bintana at umupo sa bubung at dito binubuhos lahat ng hinanakit sa buhay, sabay tingin sa mga magagandang bituin na nagni-ningning sa kalangitan. "Ate, nagugutom napo ako." Biglang salita ni Sean, nakaupo siya at nakatingin sa kawalan. Hindi kumikilos at hindi alam ang mga nangyayari sa paligid. "Teka lang, diyan ka muna ha. Bibili lang si ate ng makakain. " Sabay halik sa noo niya. At iniwan ko sila ni nanay, si nanay ay nagsasaing na ng kanin at ako nalang ang inaantay na bumili ng ulam. Minsan maswerte at nakaka-ulam kami pero madalas minamalas at kanin lamang ang kinakain namin, minsan nga nilalagyan nalang ni nanay ng toyo,asin at mantika para masarap. "Tita Meldred pabili po ng isang sardinas." "Oy! Rose hija. Ang utang mo dito nilalangawan na." Bungad niya sakin. "Pwede poba sa sunod na sweldo ko nalang po? Sa sabado pa kasi e." Paliwanag ko naman. "O sige, pasalamat ka at mahal ko kayo ni Rosa." "Salamat po Tita." -- Pagkatapos kumain ay umupo muna ako sa sala upang mag-antay ng text kay Madam Cynthia ang may ari ng convenient store at photo copy shop. Ansabi kasi niya may importanteng sasabihin daw. "Anak, matutulog na ako maaga pa kitang ipagluluto ng baon mo bukas. Ikaw?" "Susunod nalang ho ako nay, may aantayin pa akong text e." At sabay na hinalikan si nanay sa noo. Mabuti nalang at gumaling na siya sa Ulcer niya, Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa lalaking nagbigay ng pera sa amin. Hindi ko siya kilala pero tumulong siya sa amin at lalong-lalo na kay nanay. Nagulat ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko, hindi ito kagandahan tulad ng iba diyan na touchscreen keypad lang to. Pero okay narin at nakakatulong rin lalo na pagdating sa mga kontak. Binasa ko ang mga text ni madam Cynthia at nanghina ako sa mga nabasa ko. Hija. Kamusta kana, Pasensya kana dahil hindi ka nakapagtrabaho ng ilang araw. Hija kung sakali lang maghanap ka muna ng temporaryong mapapasukan mo dahil isisira kona muna ang Store dahil aalis kami ng mga anak ko. Naawa ako sayo Hija dahil ito lang ang paraan mo upang magkapera ka bibigyan kita ng pangsimula mo, maghanap ka ng mapag-a apllyan ng trabaho ito nalang ang paraan ko Hija para makatulong." Nawalan ako ng gana sa mga nabasa ko pero ok lang. "Kakayanin!" Agad akong nag-reply kay Madam Cynthia. To Ma.Cynthia: "Ay naku po! Okay lang po iyon. Maghahanap nalang ako at wag na kayong mag abala pa. Ma-mimiss kita. Ingat kayo sa byahe.." Hija "Napadala kona sa palawan ang pera isesend kolang yung number kunin mo nalang." Nagulat ako sa sinabi ni Madam, at talagang nag-abala pa siya na bumigay ng pera. At agad naman akong nagpasalamat. "Nag-abala pa po kayo, Salamat talaga Madam napakabait niyo talaga. Hihintayin ko kayo ha. Ma-mimiss ko kayo.." -- Back to normal......... Walang trabaho......... Walang kikitain...... Gutom na naman........ Pero hindi ako nawalan ng pag-asa may papasukan pa naman akong bar e, magsisikap ako dun. Kinabukasan ay nagising ako ng malakas ang usok, nagluluto ata si nanay.. Tekaaa--....... Ba't ang bango? Kinusot ko muna ang mga mata ko bago tumayo. "Wow! Ang bango nang niluluto ni nanay! Salamat ate!" Masiglang sigaw ni Sean. "Ha?" Tumayo ako at pumunta kay nanay, nagulat ako ng maraming nakapatong na noddles,sardinas,shampoo, sabon, at marami pa. "Nay? Saan to galing? San galing yang tocino?" Kunot noo kung tanong. "Nay naman, wag mong sabihi--" natigilan ako ng magsalita si nanay. "May nagpadala anak, hindi ko alam pero ibinigay na lamang ito ni Meldred kanina sakin, Ang sabi niya nakasakay daw sa sasakyan ang bumigay at mukhang mayaman daw.." paliwanag pa niya. May nagpadala? Sino kaya? Pagkatapos kung mag-almusal ay dali-dali konang binit-bit ang brown emvelope ko na naglalaman ng mga documento ko, Birth,I.D at marami pa. Naglakad-lakad ako palabas ng kanto at dadaan nalang ako mamaya sa palawan para kunin ang padala ni Madam. Masaya ako at nagpapasalamat dahil may Madam ako na kay bait at napakagandang ugali. Ang bait talaga ni Madam sakin halos lahat ibigay na niya at hindi niya ako pinapahirapan sa trabaho dahil alam niya na mabilis akong atakehin ng asthma ko at alam din niya na pagtumatakbo ako e hindi ako makahinga. Okay lang naman na katamtaman na takbo pero pag super takbo na talaga yun hinahabol kona hininga ko. "Uyy, alam niyo ba naghahanap si Ma'am Stella at Sir Sterling ng magtatrabaho sa maynila." "Oo nga, pero bawal ako e!" "Ako nga rin may anak pako na inaalagaan." Rinig na rinig kung usapan nila Aling Delia at Tita Edna. Nakita ko ang nakapaskil na karatula at totoo nga naghahanap sila ng katulong sa bahay nila paano kung? Eh Maynila yun baka hindi ako payagan ni Nanay na lumuwas dun e ang layo-layo nun mula dito sa Isabela mga 12Hours ata byahe nun sa bus. Nakuha kona ang pinadala ni Madam at 5K eto napakalaki kaya masaya ako sa binigay niya malaking tulong nato sakin para mabilis ako makahanap ng trabaho. "Nay..." Bumuntong hininga ako. Andito kami sa bintana at gusto kung magpaalam kay Nanay kung papayagan ba niya akong magtrabaho sa Maynila. "Oh anak? Kain na tayo?" "May-- sasabihin sana ako." Nagdadalawang isip kopa. "Ano iyon?" "Kasi may job offfer--" "Kung gusto mo okay lang, basta wag lang yung ikakasama mo." Pero mas nasorpresa pa siya nang dugtungan ko ang sinabi ko. "Sa Maynila, naghahanap sila ng katulong sa bahay--" "Alam mo naman na may asthma ka?" "Hindi naman daw all arround, may kalalagyan kami kagaya ko e-appoint ako sa kusina o kaya ss iba ganun." Pagsinungaling kopa. "Anak, ang layo-layo nang Maynila." Natatakot pang tugon ni Nanay. "Malay natin dun ako kikita ng malaki at hindi na tayo palaging gutom." Sagot kopa. "Tapos makapag-aral na si Sean, tapos mabibigay ko ang kagustuhan niya at mapapa-ayos kona ang bahay at makapag-bayad ako ng utang." Paliwanag kopa. Narinig kopang napabuntong hininga si Nanay at parang tutulo na ang luha niya at parang naawa narin ako sa kanya. "Kakayanin natin to." At niyakap ko siya nang napaka-higpit at dun na siya naiyak. "Aystt! Tara nanga kain na tayo!" Pagpahid pa niya sa mga luha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD