"Hayaan mo na muna si Lib, Ate. Baka hindi lang talaga siya sanay na nakikita ako dito, kaya siya nagkakaganyan. Pasasaan ba't matututunan din niya akong tanggapin bilang Mommy niya. Oo, masakit sa 'kin bilang-ina na marinig ang lahat ng mga sinasabi niyang masasakit sa akin. Pero hindi ko naman siya masisi, dahil ako ang nagkulang sa kanya bilang ina. Hindi ko siya dapat iniwan noong maliit pa siya. Dapat ako mismo ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Ako dapat ang nagturo sa kanya ng mga bagay-bagay at sa lahat...." Umiiyak na wika ni Thisa. "Tatlong buwan pa lang siya noon una kong iwan si Lib. Mag kasama kami ni Daniel sa Malaysia, at ang anak namin ay naiwan dito, at ikaw Ate, ang nakasama niya sa kanyang paglaki. Kahit dumadalaw ako sa kanya dito, pero hindi rin ako nagtatagal. Ilang

