NORMAL na naglakad si Thisa, patungo sa elevator. Nasa third floor ang kuwarto kung saan naka confine si Daniel. Sakto na napindot ni Thisa ang elevator ng biglang magbukas ito. Hindi sumakay si Thisa, dahil marami ang sakay nito patungo sa ward sa taas. Muli siyang naghintay ng ibang elevator. Apat ang elevator sa hospital building, dalawa sa harapan niya at may dalawa pa likuran. Muli niyang pinindot ang button, para bumaba ang mga elevator na nasa taas. Hindi naman nagtagal at muling bumukas ang nasa likuran niya, kaya humarap siya doon para doon sumakay. Hinintay muna niyang makalabas ang mga sakay nito, bago siya pumasok sa loob. Tumayo lang siya sa gilid, saka kunwari ay binabasa niya ang mga naka sulat sa record book. Ayaw ni Thisa na makita ang mukha niya sa cctv, kahit naka mask p

