LADY HAWK‼️

3058 Words
WARNING‼️ This story is a product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is purely coincidental. THE WORLD'S MOST WANTED (SSPG!) is protected by copyright. It may not be reproduced, in whole or in part, in any form or by any means, without the written permission of the author. The sale of unauthorized copies of this story is prohibited by law and will be subject to prosecution. ******* FLASHBACK...... "D'niel, can you teach me how to speak t'galog?" Maarteng tanong ni Thisa kay Daniel. "Sure, Ma'am Thisa. What would you like to learn first?" Sagot naman ni Daniel sa dalagitang si Thisa. Katatapos lang ng 18th birthday nito, ngunit parang bata pa rin ito kumilos at magsalita. Saksakan pa ng kaartehan, pero ubod naman sa katigasan ng ulo. Sakit ito ng ulo ng ina niya, kaya lagi siyang napapagalitan. Magmula nang dumating si Daniel sa Malaysia at naglingkod sa Go Family ay hindi na siya tinantanan ng makulit na dalaga. Lagi itong lumalapit kay Daniel at kung anu-ano ang itinatanong niya rito at ipinapagawa. "How do you say "You're so beautiful" in t'galog?" Maarteng tanong ni Thisa. Umupo na rin siya sa tabi ni Daniel at kinuha pa ang isang bar*l niya sa ibabaw ng lames at ikinasa, saka sinisilip ang sight nito. . "Ang ganda mo." Sagot ni Daniel. Agad din niyang inagaw, mula sa kamay ni Thisa ang bar*l na hawak nito at inilagay sa loob ng drawer, saka sinusihan. Natatakot si Daniel na baka sompungin na naman ang dalaga at mapag tripan silang magkakasama na pagbabar*lin sa paa. Kapag ito pa naman ang may gustong gawin ay walang sinumang makakapigil sa kanya. "Really? Magandah ahkoh?" Masayang wika ni Thisa sa maarteng tinig. Tuwang-tuwa rin ito, dahil sa sinagot sa kanya ni Daniel. Nagpa-cute pa siya sa harapan ni Daniel, saka pakendeng-kendeng na umalis. Napailing na lamang si Daniel, dahil sa mga kalokohan ni Thisa. Hindi niya inaasahan na siya ang mapag tripan nito ngayon. Ang buong akala niya ay totoong magpapaturo ito ng tagalog, pero siya pala ang na-wow mali! Muling nilingon ni Daniel ang dalaga, upang malaman nito kung saan na naman ito magtutungo. Ngunit biglang nawala si Thisa sa dinaanan nitong silong ng Rambutan. Tumayo si Daniel, para hanapin ang makulit na dalaga at nakita niya itong umakyat sa puno ng Rambutan na nasa loob ng kanilang bakuran. Mabilis na tumakbo si Daniel, upang puntahan si Thisa. Nag-aalala siyang baka mahulog sa puno ang dalaga at mabalian ito ng buto. Siguradong masesermonan sila ng ina ni Lord Aaron, kung mapahamak ang pinakamamahal nitong pamangkin. Napasabunot din ng buhok si Daniel, dahil sa kalokohan ng dalagang amo. Kung hindi laman san ito pinsan ng kanyang Lord Aaron ay baka napalo na niya ito sa puw*t, dahil sa katigasan ng ulo nito. Kung kailan pa naman na sinasaway ito ay doon naman nagpupumilit gawin ang ipinagbabawal nilang gawin ng dalaga. "Ma'am Thisa, come down here!" Pagtawag ni Daniel sa dalaga, ngunit hindi siya pinansin ni Thisa. Lalo pang umakyat ito sa pinaka dulo, upang makuha ang isang kumpol na bunga ng Rambutan. Naglambitin pa ito sa isang sanga, upang maabot nito ang mga hinog na bunga ng Rambutan. Kinakabahan naman ng husto si Daniel, dahil sa nakikita niyang ginagawa ni Thisa. Hanggang sa bigla na lang siyang tawagin ng dalaga. "D'niel, come up here! Help me, I got bitten on my belly." Pagtawag ni Thisa sa binata. Nagsimula na rin itong umiyak, dahil sa sakit ng kagat ng pulang langgam sa kanyang tiyan at iba pang parte ng kanyang katawan. Nataranta naman si Daniel, dahil nag-alala siya na baka mahulog si Thisa, mula sa sanga ng Rambutan. Siguradong mananagot siya sa kanyang Lord Aaron, kapag napahamak ang nag iisang Princesa ng mga Go. Mag pinsan sina Thisa at Aaron Go. Mag pinsan din ang ina ni Thisa at ang ama ni Aaron. Iilan na lang din ang nabubuhay sa kanilang pamilya, kaya ganon sila ka-closed lahat. Si Thisa ay halos lumaki na sa bahay nila Aaron Go, dahil alaga ito ng ina ni Aaron. Lumaki si Thisa na parang Filipino din, dahil ito sa ina ni Aaron Go. Mabilis na umakyat ng puno ng Rambutan si Daniel at sinalo niya si Thisa mula sa sanga na kinaroroonan nito. May hawak pa itong isang kumpol na bunga ng Rambutan. Kahit napakaraming langgam ang hawak nitong bunga ay hindi pa rin ito binitawan ni Thisa. Namumula na rin ang maputi at makinis na balat nito, dahil sa kagat ng langgam. Ang ikli pa naman ng suot nitong shorts at crop-top, kaya nakikita na rin ni Daniel ang bra ng dalaga. Mabilis na niyakap ni Daniel si Thisa, upang hindi ito mahulog. Patuloy naman na umiyak ang dalaga, dahil sa dami ng kagat nito ng langgam na pula sa iba't-ibang parte ng katawan nito. Pati sa mukha at leeg nito ay may langgam. Hanggang pati si Daniel ay Kinagat na rin ng langgam, dahil sa daming kumapit sa katawan ni Thisa. Mabilis na nagsilapitan ang mga kasamahan ni Daniel, upang tulungan silang makababa. Ang isa ay may buhat na Ladder, upang may matungtungan si Thisa, para hindi ito mahulog. Tumatakbo rin na napasugod doon ang Tiyahin, at galit na galit itong hinila si Thisa sa loob ng bahay. Galit na galit ang kanyang Tita, dahil sa nangyari sa kanya sa puno ng Rambutan. Ipinag utos rin nito na putulin ang puno ng Rambutan, para wala nang a-akyatan si Thisa. Lahat din ng mga matataas na puno sa bakuran ay ipinatanggal ng ginang, dahil sa takot na baka muling umakyat ang mahal nitong pamangkin. "Ano ba kasi ang nakain mong bata ka, at inakyat mo ang Rambutan? Dalaga kana Thisa, you're already 18, pero isip bata ka pa rin." Sermon ng ginang kay Thisa. Iyak ng iyak naman si Thisa, dahil sa hapdi ng mga kinagatan ng langgam sa kanyang katawan. Ginagamot naman siya ng mga kasambahay nila, upang hindi mamaga ang mga kinagatan. May ipinainom din sa kanyang tabletas, upang hindi siya lagnatin. Dahil sa pagka-pasaway ni Thisa, kaya napagpasyahan ng buong pamilya na ipadala na lang nila ito sa training. Nasa tamang edad na rin ito, para makasali sa Octagon. Isa itong Organization na pinapamunuan ni Aaron Go. Mula ng mamatay ang ama ni Aaron Go ay inilipat na sa lalaki ang pamamahala rito. Lahat din ng membro ng kanilang pamilya ay required na maging member rito. Bawal din tanggihan ang kanilang tungkulin, dahil ito ang patakaran na sinusunod nila mula pa sa kanilang ninuno. PRESENT DAY..... "Come back to us alive, Lady Hawk. I know you're skilled, but the battle you're facing is dangerous. Be careful. May god guide you in your mission." Bilin ng isang mataas na opisyal ng Mexico kay Lady Hawk. Ito ang kumuha ng service ni Lady Hawk, para iligtas ang anak ng isang kilalang Businessman sa kamay ng mga Rebelde na dumukot rito. Isang kilala at mayamang businessman ang nagbayad ng malaki, para sa sevice ni Lady Hawk, upang iligtas ang nag-iisa nitong anak sa kamay ng mga r*belde. Kasama rin siya sa loob ng Military Plane at katabi pa nito si Lady Hawk. Patungo ang Military Plane sa isang kabundukan ng Mexico, upang dalhin si Lady Hawk sa location ng kanilang target. Malayo sa kabihasnan ang lugar kung saan dinala ang biktima. "Be careful, Lady Hawk. I trust you, and I know you will succeed in this mission and bring my daughter back safely to me." Sabi ni Mr. Rodriguez. "Thank you, Mr. Rodriguez. Please just pray for my safety. I will do everything in my ability to get your daughter from her abductor safely, sir." Sagot ni Lady Hawk. Inayos na rin niya ang kanyang Parachute, at tumayo sa may pinto ng eroplano. Naka suot si Lady Hawk ng overall black at may mask din siya, upang hindi siya makilala ng sino man. Naka suot siya ng black leather gloves, para hindi makita ang kanyang kamay at hindi makapag iwan ng finger print sa kahit saan. Ang suot niyang tactical boots ay may mga nakatagong armas na siya lamang ang nakakaalam kung paano ito gamitin. Ang suot niyang belt ay ginagamit din niya sa kalaban na parang latigo at kapag isinakal niya ito sa leeg ng tao ay mabilis na mawawalan ng hininga ang kanyang kalaban. At ang suot naman niyang jacket ay hindi tinatablan ng b*la at kahit anong uri ng metal na ginagamit sa geyera. Mayroon din siyang secret kn*fe na nakatago sa ilalim nang manggas ng suot niyang jacket. Napapaikutan din ang kanyang katawan ng mga bar*l at bala, kasama na ang mga gr*nad@ at iba pang gamit sa pakikipaglaban. Mabigat ang dala ni Lady Hawk, ngunit sa kakaiba niyang lakas ay kaya niyang buhatin ang lahat ng iyon. "Radio in immediately, Lady Hawk, if you need backup." Habilin sa kanya ng general na kasama nila. Isa itong Military General sa bansang Mexico. "Yes, sir." Maikling sagot ni Lady Hawk, saka niya hinila at inikot ang lock ng pinto ng eroplano, upang bumukas ito. Dahan-dahan naman na bumukas ang pintuan ng sinasakyan nilang Military Plane. Inilagay muna ni Lady Hawk ang kanyang goggles para makapag mulat siya ng mata sa ere. May inilagay din siyang maliit na oxygen sa kanyang ilong at tinakpan ito ng mask, saka niya isinuot ang kanyang helmet. Ni-lock din niya ang opening ng suot niyang helmet, upang hindi tumaas ang harang nito. Nasa 15,000 ft ang taas nila, kaya kailangang kompleto siya sa diving gear, upang hindi siya mapaano, habang nasa ere siya. Nag sign of the cross pa siya, bago siya tumalon, pababa sa location ng kanyang target. "Godspeed, Lady Hawk." narinig ni Lady Hawk, na wika ng General, bago siya tumalon. Napangiti na lamang si Lady Hawk, dahil sa narinig. Sanay na sanay na si Lady Hawk sa ganitong Mission. Hindi lang ito ang una niyang pagtalon mula sa aircraft. Dahil matagal na niya itong ginagawa para maka pasok siya sa lungga ng mga kalaban na hindi siya nakikita ng mga bantay sa paligid. Para siyang hawk na lumilipad, matapos siyang tumalon at mabilis na bumulusok pababa. Nasa isang lugar siya ngayon sa Mexico, upang iligtas ang anak ng isang mayamang tao sa bansang Mexico. Bago siya tuluyang makarating sa lupa ay hinila naman niya ang button, upang lumabas ang kanyang Parachute at mag slowdown ang kanyang pagbagsak sa lupa. Muling tumaas si Lady Hawk, dahil sa pagtaas ng kanyang parachute. Hanggang saunti-unti rin siyang bumababa sa malapit sa hideout ng mga rebelding dumukot sa dalaga na anak ng isang mayamang negosyante sa Mexico. Matapos na makababa si Lady Hawk sa lupa ay mabilis din niyang hinila ang kanyang parachute, upang muli itong ibalik sa dati nitong ayos. Kakailanganin pa kasi niya ito mamaya, kaya muli niya itong iniligpit. Matapos niyang maayos ang parachute ay patakbo naman siyang lumapit sa isang bahay sa hindi kalayuan. Mabilis ang kanyang takbo, ngunit wala naman maririnig na yapak, kaya hindi siya namalayan ng mga bantay sa paligid na nakalapit na sa kanilang hideout. Inilabas ni Lady Hawk ang kanyang Military kn*fe at dahan-dahan niyang nilapitan ang isang lalaki na nakatayo sa may malapit sa puno. Nagtago muna si Lady Hawk sa likod ng puno at kumuha ng magandang teyempo. Nang masiguro niyang walang nakakakita sa lalaki ay inilang hakbang lang niya ito at biglang hinwakan ang bibig ng lalaki mula sa likuran nito, kasabay naman ng ginawa niyang pag gilit sa leeg ng lalaki. "HHHHGK!" Tanging maririnig sa lalaki, hanggang sa unti-unti na itong bumagsak sa lupa, Agad din na hinila ito ni Lady Hawk, patungo sa madilim na bahagi at doon itinago. Muling lumabas si Lady Hawk, upang gapangin ulit ang ibang mga bantay. At sunod-sunod na nga ang ginawa niyang paglaslas ng mga leeg ng mga bantay sa paligid, saka niya hihilahin ang mga ito sa madilim na bahagi. Matapos na masiguro ni Lady Hawk na wala nang mga bantay sa paligid ay doon pa lang pumasok si Lady Hawk sa bakuran ng bahay. Parang ipo-ipo ang bilis ni Lady Hawk na pumasok sa loob ng bakuran at mabilis din siyang nagtago sa gilid ng pader, upang hindi siya makita ng mga kalaban. Sinilip din ni Lady Hawk ang loob ng bahay mula sa maliit na butas sa pader, upang malaman niya kung may tao ba sa loob nito o wala. Nakahanda ang mahabang bar*l ni Lady Hawk at nakatut*k ito sa kanyang harapan, upang madali sa kanya na kalab*tin ito oras na mayroong kalaban na humarang sa kanyang daan. Habang papalapit si Lady Hawk ay may nakita siyang isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan, kaya muli siyang nagtago . Hinugot niya ang kanyang Military kn*fe at mabilis niya itong ibinato sa lalaki. Nagpa ikot-ikot pa ang Military kn*fe, bago ito nakarating sa gawi ng lalaking nakatayo at tumar*k ito sa may batok ng lalaki. Kitang-kita ni Lady Hawk ang unti-unting pagluhod ng lalaki, hanggang tuluyan na itong bumagsak sa lupa. Muling kumilos si Lady Hawk at umakyat na ito sa isang pader, upang doon siya dumaan patungo sa pinaka loob ng luma at sira-sirang bahay. Inakyat niya ang mga pader na wala nang bubong at bintana, saka mabilis siyang tumakbo sa taas ng pader. Hanggang sa muli siyang napatigil at nagtago sa madilim na bahagi, dahil may sumigaw na isang kalaban. Nakita nito ang kasama niya na wala nang buhay at may nakatar*k pang patal*m sa may batok nito, kaya nagtawag ito ng mga kasama. "Compañeros, el enemigo ha entrado! Prepárense todos!" Sigaw ng lalaki, gamit ang salitang Spanish. Tinatawag niya ang kanyang mga kasamahan at sinasabing may kalaban sa paligid. Biglang naglabasan ang mga kasama nito at hinanap nila ang kanilang mga kalaban. Ngunit sa pagtataka ng mga ito ay wala naman silang makitang tao sa paligid, ngunit unti-unti silang na u-ubos na magkakasama. Bigla na lang bumabagsak ang mga lalaki na nakatayo, habang mahigpit ang hawak nila sa kanilang mga bar*l. Hanggang sa iilan na lang sila, kaya takot na takot silang pumasok sa loob ng lumang bahay, upang magtago sa loob nito at masabihan na rin ang kanilang pinuno. "Jefe, ¡el enemigo ha entrado! Muchos de nuestros compañeros están muertos, pero no podemos encontrar dónde están nuestros enemigos." Pahayag ng lalaki sa kanilang boss, gamit ang salitang espanyol. Bakas din sa mukha nito ang matinding takot, dahil nakita niya kung gaano kabilis ang kanilang kalaban. Hindi rin nito alam kung ilan ang kanilang kalaban, dahil mabilis siyang nagtago kanina, upang hindi siya mahagip ng bala ng kalaban nila. May Silencer ang gamit nitong bar*l, kaya hindi niya malaman kung saan ito nagtatago. Ngunit kitang-kita niya kung paano isa-isang bumagsak ang kanyang mga kasama na sab*g ang mga ulo. "Prepárense todos, no dejen que el enemigo entre aquí." Utos din nito sa mga tauhan niya. Kinuha din ng pinuno ang kanyang armas at naghanda para sa pagsalubong sa kanilang kalaban. Kanya-kanya sila ng tago sa loob, upang paghandaan ang pag pasok ng kanilang kalaban. Ngunit bigla na lang silang nagulat, dahil sa isang bagay na umuusok sa harapan nila at hindi rin nila alam kung saan ito nanggagaling. Unti-unting napahiyaw ang mga lalaki at bumagsak sa sahig na sumisigaw sa sobrang hapdi ng kanilang mga mata. Inubo rin sila ng inubo, dahil sa tapang ng tear gas na nalanghap nila. Lumabas si Lady Hawk, mula sa kanyang pinagtataguan at mabilis niyang nilapitan ang mga lalaking namimilipit sa sakit ng kanilang mga mata. Hindi na rin makapagmulat ng mata ang mga ito, dahil sa hapdi. Dumaan pa si Lady Hawk sa pagitan ng mga lalaking nakahiga sa sahig, habang namimilipit sa sakit ng kanilang mga mata at walang tigil sa kakaubo. Hinanap din ni Lady Hawk kung saan nakatago ang dalaga na kailangan niyang iligtas. Pumasok siya sa isang madilim na hallway at doon niya nakita ang dalaga sa loob ng isang kuwarto na naka gapos ang kamay at paa. May plaster ang bibig na nakahiga sa papag. Kahit madilim ang paligid ay nakakakita si Lady Hawk, dahil sa suot nitong night vision glasses. 2 in1 ang suot niya, kaya pwede din ito sa liwanag. Isang imbention ito ng kanilang organization at sila pa lang ang gumagamit nito. Mabilis na hin*wa ni Lady Hawk ang mga lubid na ginamit na pangtali sa kamay at paa ng dalaga at tinanggal din niya ang plaster sa bibig nito. "Estella Rodriguez, come with me. I'll get you back to your family. I promise I won't let anything happen to you. I'm your friend." Sambit ni Lady Hawk sa dalaga. Inilahad din niya ang kanyang palad, upang may makapitan ang dalaga na takot na takot sa kanya. Tumayo na rin ang dalaga at humawak sa kamay ni Lady Hawk. Kahit natatakot siya sa ayos ng kanyang taga pagligtas ay tinanggap pa rin niya ang kamay ng babaeng gustong magligtas sa kanya. Napawi lang ang kanyang takot, dahil sa boses ng babae na napakalamyos at tila ang bait na tao nito. Agad na nilagyan ni Lady Hawk ng gas mask ang dalaga, upang hindi nito malanghap ang tear gas sa dadaanan nila palabas ng lumang bahay. Muling sinulyapan ni Lady Hawk ang kanyang wrist watch upang malaman niya kung ilang minuto pa ang natitira sa kanya, upang makalabas ng buhay sa lugar na iyon. "Five minutes! We have to get out of here, this place is going to blow! They're targeting this building, we need to move now!" Pagmamadali ni Lady Hawk sa dalagang nailigtas niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ng dalaga at mabilis silang tumakbo palabas. Kailangan nilang makalayo sa lugar, bago ito pasabugin ng mga Military Plane na sinakyan niya kanina. Tumakbo sila pabalik sa kung saan siya nag landing kanina at doon din sila maghihintay ng susundo sa kanila. Hindi pa nakakalayo sina Lady Hawk at Ms. Rodriguez sa lugar ay bigla na lang itong sumab*g, kaya mabilis niyang hinila ang dalaga, patungo sa likod ng malaking bato at doon sila nagtago na dalawa. Lady Hawk is renowned as a skilled warrior, hired for dangerous missions. She specializes in taking down criminals who evade the law, traveling to all corners of the world to carry out her assignments, entrusted to her by high-ranking officials. However, Lady Hawk's identity remains a secret, and no one knows her true self.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD