NAGISING si Thisa, dahil sa pagtawag sa kanya ni Ate Mary Jane. Inaalog rin ng babae ang kanyang katawan, kaya wala siyang nagawa kundi ang gumising. "Tanghali na Thisa, bumangon kana dyan. Puputok na ang sungay ng kalabaw sa sugaan, natutulog ka pa rin dito. Mamaya maging antukin rin ang magiging anak mo, at mahirap utusan. Ang labas ay batugan." tuloy-tuloy na litanya ni Ate Mary Jane. "Hala, sige, bangon na at maligo. Naiinip na ang anak mo sa kakahintay sa 'yo sa Restaurant. Kakain daw kayo ng seafoods at maraming cake." dagdag pa niya, habang inaalalayan si Thisa sa pagbangon. "Ate, anong oras na?" malumanay na tanong ni Thisa. "Quarter to 12 na. Bilisan mo na ang kilos, para makaligo kana at ng maayo-..." hindi natuloy ni Ate Mary Jane ang kanyang sasabihin, dahil naalala niyan

