BUMANGON si Thisa mula sa malaking Sofa na tinulugan niya at mabilis na binuksan ang email na natanggap niya. Naka pikit pa ang isa niyang mata na tumingin sa screen ng kanyang cellphone, dahil antok na antok pa rin siya. Ilang oras lang kasi ang tulog nilang magkaibigan, dahil umaga na sila natapos sa kanilang pag-iinuman. Umayos din sa pagkakaupo si Kany, at binuksan ang kanyag email. Kinusot pa niya ang kanyang mata, upang maging malinaw ang kanyang paningin at mabasa ang nilalaman ng email na natanggap niya. Parehong nalaki ang mga mata ng magkaibigan, dahil ngayong gabi na sila pupunta sa kanilang Missiøn. Sa Maryland ang susunod nilang Missiøn at magkasama din silang magkaibigan na pupunta ng Maryland para buwagin ang isang malaking Laboratory ng mga gamot doon. Pinaniniwalaan na

