TAHIMIK NA UMUPO SI THISA sa back seat ng kotse. Hindi niya pinansin si Daniel at naka tutok lang siya sa kanyang cellphone. Ganon din si Daniel kay Thisa. Parang hindi sila magkakilala nito at kumilos lang siya ng normal katulad ng dati. Hanggang makalayo na ang kanilang kotse sa mansion at nakalabas na rin sa Village. Mabilis na pinatakbo ni Daniel ang kotse, at dinala ito sa isang lugar kung saan halos wala nang dumadaan na mga sasakyan. Sinigurado din niya na walang nakasunod sa kanilang dalawa ni Thisa, bago niya iniliko ang kotse sa isang maliit na daan patungo sa isang Palm Oil Farm. Itinigil niya ang sasakyan sa isang masukal na bahagi at mabilis na bumama ng kotse. Tahimik lang si Thisa sa loob ng kotse. Palihim lang niyang sinusulyapan si Daniel habang nagmamaneho ito. Hangga

