NAG LANDING ANG EROPLANO na sinasakyan ni Thisa sa John F. Kennedy International Airport. Agad na bumaba si Thisa at nagtungo sa Immigration, para pumila. Mabilis naman siyang naka labas dahil kompleto naman siya ng mga kailangan niyang papeles. Paglabas ni Thisa sa Airport ay agad naman siyang tumawag ng Taxi at sumakay, saka nagpahatid sa kanyang Condominium doon. Habang patungo ang Taxi sa lugar kung saan siya nakatira ay nakatanaw lang sa labas ng bintana si Thisa. Pinagmamasdan niya ang mga nagtataasan na building sa New York City. Matagal na siyang nakatira sa New York, ngunit ngayon lang niya napagmasdan mabuti ang mga nagtataasan na gusali sa New York City. 2 pm pa lang sa New York, kaya kitang-kita niya ang ganda ng buong paligid. Pagdating naman niya sa kanyang Condo Unit ay p

