NAGISING si Thisa, dahil sa mariing paghalik ni Daniel sa kayang labi. Gusto pa niyang matulog, ngunit hindi na siya nakabalik sa pagtulog, dahil muling pumasok sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Daniel. Napangiti si Thisa, at lalong nagsumiksik sa katawan ng asawa. Ang tagal niyang pinangarap na muli silang magkasama ni Daniel. Ilang taon din silang hindi bati ni Daniel, dahil sa kakaselos ng asawa. Hindi naman masisi ni Thisa ang asawa, dahil may basehan naman ito sa kanyang pagseselos. Dahil iyon kay Bruce Meyers, ang ipinapakilala niyang Fiancee niya. Muling kumalas si Daniel sa kanilang pagyayakapan, saka ito mabilis na nagpunta sa kanyang ibabaw at pinaliguan na naman siya ng halik. Mula sa kanyang lips, buong mukha, leeg at dibdib. Walang kasawahan na hinalikan siya ng asawa

