WALANG IMIKAN sina Daniel at Thisa, hanggang makarating sila ng Mansion. Hindi na rin hinintay ni Thisa na pagbuksan siya ng pinto ni Daniel, dahil siya na ang kusang lumabas at patakbong pumasok sa loob ng malaking bahay ng mga Go. Hating-gabi na rin iyon, kaya wala na siyang nakitang tao sa living area. Mabilis siyang umakyat sa taas at pumasok sa sariling silid. Halos sa Mansion ng mga Go na siya lumaki. Kahit nasa malapit lang ang sarili nilang Mansion ay mas gusto talaga niya sa bahay ng Tita niya, dahil nasusunod niya lahat ang gusto niya rito. Wala kasing anak na babae ang Tita niya, kaya siya ang ginawang anak na babae. Pabor din sa Mommy niya ang pagtira niya sa bahay ng mga Go, dahil nakapag trabaho ng mahusay ang ina. Ito na kasi ang nag manage lahat ng mga negosyo nila, magmu

