NAGISING si Thisa kinabukasan dahil sa pagkatok ng mga kasambahay sa kanyang kuwarto. Nagtataka siyang bumangon dahil hindi ginagawa ng mga kasambahay niya na katukin siya sa kanyang kuwarto. Lagi niyang sinasabi sa mga ito na ayaw niyang may manggagambala sa kanyang pagtulog. Nagtataka siyang bumangon at mabilis na binuksan ang pinto, para alamin kung bakit siya kinakatok ng mga kasambahay. Tanghali na rin yun, pero ayaw pa niyang bumangon dahil antok na antok pa ang pakiramdam niya. Naglakad siya patungo sa pinto, habang humihikab. Parang ayaw din magmulat ng kanyang mga mata, ngunit napilitan na siyang bumangon at bukasan ang pinto. "Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa inyo na ayaw kong kinakatok niyo ang pinto ng kuwarto ko, kapag natutulog ako." inis na inis na saad ni Thisa sa mga kas

