FLASHBACK... "Hanapin niyo si Thisa! Huwag kayong babalik hangga't hindi siya nakikita. Kung kinakailangang suyurin niyo ang buong Thailand, gawin niyo!" Utos ni Mrs. Go sa mga tauhan, kasama si Daniel. Karamihan sa mga tauhan nila ay mga Filipino, kaya tiwala silang mga tapat sa kanilang pamilya ang mga ito. Sumama din si Aaron Go, at ang kuya ni Thisa na si Richard Ang. Parehong nakakatakot ang dalawang lalaki. Sila ang simbulo ng katatagan at katapangan ng OCTAGON Organization na itinatag pa ng lolo ni Aaron Go. Ang lolo ni Aaron Go at Lola ni Thisa ay magkapatid. Kaya mag pinsan sina Aaron, at Thisa, ngunit dahil inalagaan at pinalaki nang mommy ni Aaron si Thisa, kaya para na silang mag kapatid nito. Labing-dalawa ang mga lalaking nagtungo sa Thailand, upang hanapin si Thisa. May

