BIGLANG BUMUHOS ang malakas na ulan sa Bentong, at umapaw ang isang tulay na nagdudugtong patungong City. Minabuti nina Thisa at Danielna magpalipas na lang ng gabi sa isang Hotel na malapit sa lugar. Pagdating nila sa Hotel ay agad na nagpa-book ng dalawang Hotel Room sina Thisa at Daniel. Ngunit sa kasamaang palad ay iisang Room na lang ang bakante, dahil sa dami ng mga tao na na-stranded sa lugar. Aalis na lang sana ang dalawa, upang subukan ang ibang Hotel, nang may magtanong na ibang tao kung may bakanti pa doon. Fully booked na di unmano ang mga Hotel sa lugar, dahil sa masamang panahon. Agad na kinuha ni Daniel ang Presidential Suite, na siyang bakante para sa kanila ni Thisa. Ito na lamang kasi ang natitirang puwede nilang tulugan. Kung hindi nila ito kukunin ay wala silang maa

