SA ISANG STREET CAR RACING sa isang lugar sa New York, nagpunta si Thisa. Madaling araw nila ito ginagawa, para wala nang mga sasakyan sa mga kalsada. Malaki ang pustahan nila sa bawat magkakarerang mga sasakyan, kaya maraming pumupunta rito na manunuod at makikipusta. Dahan-dahan na pumasok sa linya ang kotse ni Thisa, saka iparada sa tapat ng isang yellow Ferrari. Bumaba si Thisa, dala ang isang sobreng may lamang pera. Gusto niyang maglaro ngayong gabi, upang malibang siya sa kanyang mga pinagdadaanang problema. Sa ganitong paraan ay makalimutan niya ang mga dinadala niyang problema. "Thisa Ang, the queen of the racers. How are you? You've been off the road for a long time. Where in the world have you been?" napalingon si Thisa, dahil sa boses ng babaeng nagsalita. Kahit hindi niya

