NAGMISTULANG CHRISTMAS TREE si Daniel, dahil sa dami nitong bitbit na shopping bag na pinaglagyan ng mga pinamili ni Thisa. Pag dating nila sa parking lot ay ibinaba muna ni Daniel ang kanyang mga dala, upang pagbuksan ng pinto ang dalaga. Inalalayan pa niyang sumakay si Thisa, saka isinara ang pinto ng kotse. Muli din niyang pinulot sa sahig ang mga shopping bag, upang ilagay ito sa trunk ng kotse. Inayos din niyang mabuti ang mga shopping bag, upang hindi marumihan ang mga mamahaling damit na pinamili ni Thisa. Nang masiguro niyang maayos na ang lahat ay saka niya isinara ang trunk. Pag dating naman nila sa Mansion ay si Daniel pa rin ang nagbuhat ng mga pinamili ni Thisa, at dinala sa loob ng kuwarto ng dalaga. Nakasunod lang siya kay Thisa, at nang buksan ng dalaga ang pinto ng kuwar

