Chapter 6

1750 Words

HABOL-HABOL ni Pinky ang kanyang hininga nang marating ang mini-forest ng kanilang eskwelahan. Napaupo siya sa isang bench sa sobrang pagod. "Wooh! Grabe! Nakakapagod palang tumakbo. Bakit pa kasi ako tumakbo?" Wika niya sa sarili. Binuksan niya ang kanyang pink na tumbler at uminom ng tubig ngunit muntik na niyang naibuga ang kanyang iniinom nang may humawak sa kanyang balikat. "Waaah---" "Ako to, Kray." Napatigil si Pinky nang bumungad sa kanya ang pagod na pagod na si Fuschia. Mukhang tumakbo rin ito katulad niya. "Bakit ganyan ang itsura mo, Kray?" Kunot-noong tanong ni Pinky. "Hinabol kasi kita," sagot ni Fuschia habang sapo-sapo ang kanyang dibdib sa sobrang pagod. "Bakit mo naman ako hinabol?" "E kasi tumakbo ka." "Bakit ako tumakbo?" PAAAK! Sa sobrang inis ay binatukan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD