“I HOPE YOU WERE NOT OFFENDED earlier.”
Maagap na napalingon si Pria sa pinagmulan ng pamilyar na tinig. Napangiti siya nang makita si Zeus na nakasunod sa kanya habang naglalakad sa buhanginan. Napag-isip-isip niyang maglakad doon kahit pa alam niyang maaaring may makakilala sa kanya.
In all fairness, maganda ang resort na nabili ni Hades. Mukhang maganda rin ang marketing strategy ng asawa ni Stacey dahil maraming turista ang dumarayo roon kahit tapos na ang summer season.
“Kanina? No. I don’t mind at all,” kaswal na sagot niya.
Binagalan niya ang paglalakad. Gusto niyang makasabay sa kanya si Zeus. Gusto niya ring naaamoy ang pabango nitong humahalo sa musculine scent ng binata. Sa katunayan ay iba ang dating niyon sa kanya.
Tiningnan niya ang lalaki. Ngunit mali yata ang ginawa niya dahil nang magtama ang mga mata nila ay tila nag-iba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay tumatagos sa loob ng sistema niya ang mga mata nito. Nang mahuli niya pang pasimple nitong sinulyapan ang dibdib niya ay nahigit niya ang hininga.
Inilihis niyang muli ang mga mata. How come he was so cool and was hot at the same time?
Yes, she must be honest. This man beside her was hot. He had a very nice body structure. And he had this charm that could easily make her look at him. Magsisinungaling siya kung hindi niya sasabihing na-attract siya agad sa lalaki.
Isa pa, he was perfect. Or atleast his physical appearance. Sa tangkad nitong nasa six feet siguro, sa body structure nito, sa guwapo nitong mukha, at sa karisma nito ay wala siyang anumang masasabi.
“Am I bothering you?”
She smiled. Her beauty queen smile should be displayed all the time. “Nope. In fact, mas okay na may kasama. Though nagtataka lang ako. Bakit nandito ka at hindi nakikipag-bond kay Hades.”
“That dork is busy with his wife,” natatawa nitong tugon. “He even pushed me to find you here because they have an important business to do. Okay na rin naman. At least I’m not that bored. I want to work all day kahit pa nasa Pilipinas ako. But I guess, Hades was right. I should give myself a break sometimes because look what happened to our dad.”
Kumunot ang noo niya? “Busy? Business?” Sa totoo lang ay wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito.
Ang alam niya kasi ay hindi muna aalis sa tabi ni Stacey si Hades at magpapahinga naman ang pinsan niya. Hindi niya na rin masyadong naintindihan pa ang mga huling sinabi nito.
“You know. Making love. Doing something steamy under their sheet,” kaswal na tugon ni Zeus na nakapagpalaki naman sa mga mata niya.
Hindi niya alam kung bakit pero parang may kumiliti sa sulok ng p********e niya nang banggitin ni Zeus ang bahaging “Making love.” Pinilit niya lang itago sa sarili ang mahalay na pag-iisip. “Is that safe? `Di ba buntis si Stace?” worried niyang tanong.
Narinig niya ang banayad na tawa ni Zeus. “As far as I know, it is fine as long as they’re doing it gently.”
Medyo kumalma naman ang sistema niya sa narinig. Fine. Okay naman pala. Sino ba siya para i-question ang gusto ng mga ito. Mag-asawa naman ang mga ito. Wala namang masama.
“Alright. I guess alam naman nila ang ginagawa nila. Who am I to question them eh wala nga akong alam sa ganyan,” aniya.
Huli na nang ma-realize ni Pria na nakakahiya ang mga nasabi niya. Natutop niya ang bibig. Bakit naman niya nagawang mag-spill out ng gano’ng saloobin sa isang lalaki?
Napaiwas siya ng tingin. Ibinaling niya iyon sa papalubog na araw.
“I don’t want you to feel uncomfortable but it seems you’re a bit bitter when it comes to romance. Or about s*x,” Zeus replied. “Are you still a virgin?”
Napahinto siya sa paglalakad sa buhanginan at napatingin sa lalaki. Maging ito ay napatigil din at nakapamulsang humarap sa kanya. Hindi niya nakikita ang sarili pero alam niyang namumula na siya nang mga sandaling iyon. Kahit maingay ang mga hampas ng alon ay tila namimingi siya dahil sa huli nitong itinanong sa kanya.
“You don’t have to answer if you’re not comfortable with it,” nakangiting pahabol ng lalaki. “But I still prefer to know it in any possible way.”
The confidence.
Nagpatuloy ito sa paglalakad kaya napilitan siyang maglakad din para masundan ito. Mula sa distance niya ay kitang-kita niya kung gaano ito ka-sexy kahit na nakatalikod. He was very firm. And, his buttocks were nice too.
“Oh god, Pria. Here you go again,” bulong niya bago muling naglakad nang mabilis hanggang sa masabayan niya na ito.
“I’m still a virgin,” she answered all of a sudden. “And I think there’s nothing wrong with that.”
Pinilit niyang ipakita at iparinig sa lalaki kung gaano siya ka-confident sa sagot na iyon. Tama lang naman kasi ang sinabi niya. Alam niyang hindi na uso ngayon ang mga virgin na napakainosente sa s*x ngunit ano namang magagawa niya?
“Yep. Nothing’s wrong with that. Kung iyon ang gusto mo. No one must question you why.”
Lihim siyang nanghinayang sa sagot nito. Ang akala niya ay uusisain nito kung bakit siya gano’n. Kung bakit hindi siya interested sa mga ganoong bagay. Ewan niya ba pero parang nangangati ang lalamunan niyang ikuwento rito ang perspective niya sa love and s*x.
“But, if ever na makikipag-s*x ako sa isang tao, dapat masiguro kong masa-satisfy niya ako. s*x was quite overrated. I don’t know what’s in people’s mind when they glorify s*x. Just a mere physical contact.”
Hindi niya kung saan siya kumuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob para sabihin iyon. She wasn’t comfortable when it comes to s*x-related conversation but there she was, telling a man she barely know about her requirement.
“I’m sorry if I may sound douchebag for asking this. Pero are you sure na straight kang babae?” usisa ni Zeus. “Baka naman kaya wala kang alam sa ganiyang bagay ay dahil iba ang gusto mo?”
She stared at him in great disbelief. “No, I am not a lesbian,” she sweared. “I am a woman. One hundred percent.”
“Then try to explore that side of being a woman. That sensual side.”
Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang hampasin sa binti ng malakas na alon. Na-out of balance siya at nang akmang sasaluhin na ng kausap ay muling humampas ang alon. Tuloy, dalawa silang bumagsak sa buhanginan at muling hinampas ng isa pang malakas na alon. In an instant, mukha na silang mga basang sisiw.
Pareho silang tumatawa hanggang sa makabangon sila at makalayo nang kaunti sa parteng naaabot ng alon. He looked so handsome with his wet hair down. At nang humupa ang tawanang iyon ay hindi sinasadyang dumapo ang mga mata niya sa katawan ng lalaki. With his thin wet shirt, bakat na bakat at kitang-kita ang katawan nito.
It looked so luscious. It was so sinful to stare at his hard chest and firm abs but she couldn’t help but enjoy the view. And, no. It wasn’t the first time she saw something like that. But it was definitely the first time that it stucked in her eyes and in her mind. Pakiramdam niya ay malaking pagkakamali kung hindi niya pagsasawain ang mga mata na titigan ang katawan nito.
“Are you okay?” tanong ng lalaki na nakapagpabalik sa kanya sa huwisyo.
Kasabay ng tanong nito ay ang paghawak nito sa kanyang braso na nagpakislot sa kanya. Hindi niya alam pero tila napaso siya nang magdampi ang mga balat nila. Sanay siyang inaakbayan, hinahawakan ang kamay at inaalalayan ang braso. But his touch seemed to be really different.
“I-I’m fine,” kiming sagot niya. She cleared her throat. “Excuse me, I have to go back to the villa. Mukha na akong basang sisiw.”
“Let me take you there.”
“No need!” maagap niyang sagot. “Enjoy your moment here.”
Sa halip na sundin ay sinundan pa rin siya ng lalaki. Matapos lang ang ilang hakbang ay napatili na lamang siya nang bigla siya nitong pangkuin at buhatin na parang isang prinsesa.
“Oh my gosh, what are you doing?” gulat niyang tanong kahit pa obvious naman kung anong ginagawa ni Zeus. He was taking her back to the villa.
“I said, I’ll take you there,” walang kaabog-abog na sagot ng lalaki.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Nakadikit balikat niya sa matigas nitong katawan. Naaamoy niya ang mabangong hininga ng binata. She could feel the heat of his warm body embracing her system. Ang mga kamay nitong nakahawak sa binti at tagiliran niya. Lahat ay nararamdaman niya. And she hated her body for reacting that way. Sa mga sandaling iyon ay hinihiling niya na sana ay hindi na lang siya nag-aaral ng BS Psychology. Sana hindi niya na lang alam kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. It was... lust.
Her dopamine, a neurotransmitter who is in-charge of her current situation must be busy. Pero paano niya ipapaliwanag iyon sa sarili niya? She knew what was exactly happening to her right now pero hindi niya magawang tanggapin na gano’n nga ang situation niya.
No. She was just overreacting. Hindi naman niya iyon dapat ikabahala. Normal lang naman sa isang tao ang makaramdam nang ganoon sa opposite s*x. That’s the nature of human. There’s nothing wrong with that. Ang masama lang siguro ay kung paulit-ulit niyang babahiran ng malisya ang mga bagay-bagay.
No, no. Beauty queen ka. Hindi ka pang-cheap na one night stand, pangungumbinsi niya sa sarili.
Well, hindi naman isang nobody si Zeus. Kaya ka nga nagkakaganyan, the other side of her mind teased. And who says he need one night stand by the way? Baka naman ikaw lang nakakaisip ng ganyang idea?
Tiningnan siya ni Zeus at nginitian. Saglit siyang na-distract nang madako ang mga mata niya sa mga labi nito. Damn. He was created perfectly. Literally perfect.
“You’re Miss Universe, Pria. Hindi ka nila pwedeng makitang mag-isang naglalakad sa buhanginan na parang isang sisiw. Now, hide your face. Sumiksik ka na lang sa leeg ko so you can avoid people’s attention,” he ordered in an authoritive yet calm voice.
Sinunod niya ang sinabi nito. Nagsumiksik siya sa leeg ng binata para itago ang mukha. But she apparently made the wrong decision.
Mas lalong nag-iinit ang pakiramdam niya nang malanghap ang muscular scent ng lalaki. The smell of the seawater didn’t compromise his manly scent. Kung hahalikan niya ba iyon, ano kaya ang lasa ng balat nito?
Makailang beses niyang pinigil ang sariling gawin ang ibinubulong ng isip niya. But she eventually failed. She still took a sweet peck on his neck.
“Hey... Are you kissing me there?” mahinang tanong ni Zeus habang naglalakad. “Is that intentional?”
Natilihan siya. “O-Of course not! It was by accident. Gumagalaw kasi tayo.”
“I thought you were. I’m willing to teach you how to do that properly.”
“What?” bulalas niya kahit narinig niya naman ang sinabi nito.
“Or I can kiss you right here, right now.” Kinindatan pa siya ni Zeus.
Gusto niyang um-oo ngunit pinairal niya pa rin ang matalinong bahagi ng pagiging babae niya. “Just take me back to the villa. I’m not buying any of your crap.”
He just smiled at her and didn’t say anything else. Hindi niya alam kung tumalab ba rito ang palusot niya. Ang alam niya lang nang mga sandaling iyon, nararamdaman niya ang nag-iinit na pakiramdam sa pagitan ng mga hita niya. To make it simple, she was already wet down there.
Hindi niya inalis ang pagkakatingin dito. She could really smell him. And she loved his scent. Hindi niya alam kung paano niya iyon ipapaliwanag. She knew it was a bad fantasy, pero gaano kaya ito kabango kung wala na itong saplot?
Napaigtad siya nang maramdaman ang kamay ni Zeus na bumubuhat sa kanya. Ramdam niyang malapit na iyon sa dibdib niya. And she silently wished he would touch her right there.
Oh god, Pria.
“Don’t wear something so sexy next time,” he whispered in a very, very low voice. “You’re so seductive, Queen Pria. You don’t want end up in my bed, do you?”
Naumid ang dila niya sa tanong na iyon.