CHAPTER 1.2

1327 Words
“DO YOU HAVE a boyfriend now, Pria?” Muntik nang maitirik ni Pria ang mga mata sa ere nang tanungin na naman siya ng host na si Coffee sa show nito kung saan siya guest ng mga sandaling iyon. Isang araw pa lamang siya sa Pilipinas ngunit may mangilan-ngilan pa siyang kailangang tapusing commitments. Pagkatapos no’n ay pwede na siyang makapag-relax. Sa buong taon niya yata bilang Miss Universe, hindi bababa sa sampung host na ng mga talkshow ang nagtanong sa kanya kung mayroon na ba siyang boyfriend. Unlike her first two months as Miss U, maluwang na ang sched niya ngayon kaya naman hindi na siya gaanong tipid sa interview. “As of now, this crown is my sole boyfriend,” nakangiti niyang sagot sabay hawak sa koronang nakapatong sa ulo niya. “I am enjoying the moment for now. Love can wait naman, `di ba?” “Pero ang balita ko, may mga nanliligaw raw sa `yo. Wala ka man lang bang nagugustuhan ni isa sa kanila?” pangungulit pa rin ng host. She faked another smile. Pagkatapos ay umiling. “As of now, no one can meet my standards.” Napa-“Oooh” ang audience. Did she say anything wrong? Wala naman. Totoo namang wala pang pumapasa sa standards niya. Salamat sa pinsan niyang si Stacey na lagi siyang pinapaalalahanan at sinasabihan kung sinu-sino ang mga artistang dapat niyang iwasan. Her cousin was an escort before it became a superstar. Kilalang-kilala nito kung sinu-sinong mga lalaking modelo at artista ang nagbabayad at binabayaran para sa s*x. Kaya naman kahit napakarami na ang pumipila para mapansin niya—lalo na nang manalo siya bilang Miss Universe halos pitong buwan na ang nakakalipas—ay wala siyang nagugustuhan sa mga ito. Ang akala niya ay titigilan na ni Coffee ang kakatanong ng may kinalaman sa love life niya. Pero desidido ang beshie na maghalungkat ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya. “There are rumors spreading that you’re a lesbian because of your closeness with Miss International first runner-up Suzanne Hernandez. Gaano ito ka-legit o ka-fake?” diretsahang tanong nito sa kanya. Napahagalpak siya ng tawa. “I really don’t know where did that come from! Suzy is my childhood friend and aside from my cousin Stacey, she is the only woman I trust so much.” Napatangu-tango naman ito at tila nakumbinsi sa sagot niya. Hindi naman kasi siya nagsisinungaling. Ni sa panaginip ay never niyang maiisip ang ganoong bagay. She was a big supporter of LGBT community but she never wished to become a part of it. Kung nasa Pilipinas lang siguro ngayon ang kaibigan niya ay sigurado siyang magpapa-press conference pa ito para pabulaanan ang mga walang sense na haka-haka. “Okay... So ano nga bang standard ng isang Pria Quibael pagdating sa lalaki?” Saglit siyang nag-isip. “Well, I want a man with a name as clear as water. Iyon bang perfect catch. Handsome, professional, and of course... sexy.” She slightly giggled with the last word. “I want a man with an established name na walang bahid ng kahit anong dumi. I don’t want a womanizer. I want someone who could sweep me off my feet. I am Miss Universe. After all, I can’t just date someone na mami-meet ko lang sa kung saan.” Napa-“woah” ang audience. Napanganga naman sa kanya si Coffee. Iyon lang kasi ang unang pagkakataon na sinagot niya ang ganoong klase ng tanong. Usually, “no comment” type of woman siya pagdating sa mga interview. The talk lasted for ten more minutes before they finally had a commercial break. Pria stormed out of the studio and went back to her dressing room. Tapos na ang interview niya at may kailangan pa siyang puntahang event. Iilan na lang naman ang natitira niyang commitments. Hindi naman siya puwedeng mapagod dahil siya ang reigning Miss Universe at ilang buwan na lamang ay ipapasa niya na ang korona ng Miss Universe-Philippines sa susunod na mananalo. At sa loob ng ilan pang buwan ay ipapasa niya na rin ang korona ng Miss Universe. She was walking out of the floor with her assistants when her phone rang. Mabilis iyong iniabot sa kanya ng PA niyang si Gold. “Hello, Stace?” bungad niya sa pinsan niyang si Stacey mula sa kabilang linya. “Why did you call all of a sudden?” “Pri!” halos tumitili nang bungad sa kanya nito. Bahagya niya pang inilayo ang phone sa tenga niya ngunit ibinalik niya rin naman iyon agad. “Can you please calm down? What’s the matter?” “Huwag mong ila-loudspeak, okay?” paniniguro nito bago huminga nang malalim. “Pri. I have a problem. We have a problem. Someone called Hades earlier. Kapatid daw ni Hades.” Napahinto siya sa paglalakad. “Oh, eh he has a sister naman talaga, `di ba?” “Lalaki ang tumawag. His name is Zeus daw. Anak ni Sid Hawkins. Pri, anak ni Sid Hawkins!” “OMG. `Yong kamamatay lang na dating manager ni Hades?” Natutop niya pa ang bibig nang mapansing medyo lumalakas ang boses niya. May mga mangilan-ngilang tao tuloy sa hallway ang napalingon sa kanya. “Kapatid ni Hades? How could that be possible?” tanong niya sa mas mahinang boses. “I don’t know. He’ll be here daw tomorrow,” naguguluhang tugon ng pinsan niya. “Can you come here tomorrow? I need your support, girl. I’m losing my sanity here.” “Sure, Stace. Stay strong. Pakikamusta na lang ako sa pamangkin kong nasa tiyan mo ha? `Bye.” Napabuntong-hininga siya nang matapos na ang call conversation nila. Stacey was her closest cousin. Para niya na itong kapatid dahil sa closeness nila. Ilang buwan pa lamang itong kasal kay Hades Vaughn na sikat na Hollywood singer at manganganak pa lang ito next month pero meron na kaagad itong problema. Bukas na bukas sa publiko ang buhay ng asawa ng pinsan niya. After finding a happily ever after with Stacey, Hades choosed to stay here in the Philippines. Gusto na nitong mag-settle kasama ang pinsan niya at ang magiging anak ng dalawa. Mas pinili na ng lalaki na maging local singer na lamang at huwag nang bumalik sa America. Paano na lang ang mga ito kapag kumalat sa public na mayroong hindi magandang tsismis tungkol sa buhay ng Hollywood singer? Napakaganda na ng career nila ngayon. Mahal na mahal niya na parang sariling kapatid si Stacey kaya isa siya sa mga pinakaapektado sa ibinalita nito. Alam niyang nasasaktan ito nang husto ngayon para sa asawa nito. She must do something. Pupuntahan niya ito bukas sa Batangas para kamustahin ito. Hindi ito puwedeng ma-stress. Poor Stacey. Kaya hindi talaga siya one hundred percent happy for Stacey. At some point, naiinis siya na nag-asawa ito. Hindi tulad niya. Alam niyang maganda siya. Matalino. Achiever. Hindi niya kailangan ng ibang tao para iangat pa ang sarili niya because she alone was enough already. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang mag-asawa. Ayaw niya ng sakit ng ulo. Ayaw niyang ma-commit. Kaya naman kahit ang magka-boyfriend ay hindi niya rin gustong maranasan. For her, it was just a plain distraction. Makakapaghintay naman ang mga iyon kung sakalimang tapos na siya o nagsawa na sa buhay niya ngayon. She was living her life to the fullest. Wala naman siyang nakikitang kakulangan sa kanya. She remembered someone who said to her face that she was too proud and picky. Pero kung ganoon man ang tingin ng ilan sa kanya, it was none of her business. Eh sa mas prefer niya talaga ang maging single. Isa pa, sino namang lalaki ang pwede niyang makilala sa industriyang iyon na walang ibang side chick o kaya naman ay hindi papalit-palit ng babae? For Pete’s sake. Mas gugustuhin niya na lang tumandang dalaga kaysa makipagrelasyon sa mga lalaki ngayon. I am beautiful. I need no man. I am Miss Universe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD