Zoe's POV
Pasakay na sana ako ng kotse na may biglang humawak ng braso ko
Pagtinggin ko si Angel lang pala, at nasa likod niya sila Alice,James at Aaron.
"Sama kami sayo Zoe, gusto namin makita ang probinsya niyo" ani ni Alice, ngumiti naman ako at tumango
"Sa Van na lang tayo, para sa iisang kotse na lang tayo" kinuha ni James yung gamit ko nakalagay sa likod ng kotse at nilagay niya sa Van
At sumakay na kami
Nagulat naman kami nang sumakay si Clyde sa harapan, yung sa tabi ng Driver
"Sasama ka?" Tanong ni Aaron dito "Yeah!" Ayun lang sinabi niya at pumikit na siya
Ilang oras din kami bago makarating dito sa amin, Cagayan Valley
"Sa wakas nakarating din tayo" masaya na sabi ni James sabay akbay kay Angel
Nalaman ko na sila pala, at dati na din sila magkasintahan.
"Saan dito sa inyo Zoe?" Tanong ni Alice "Maglalakad pa tayo, pasensya na hindi na kasi kasya yung Van dun kaya hanggang dito na lang yung sasakyan" nagsitanguan lang sila, sinabihan ko din buksan nila mga flashlight ng phone nila dahil medyo madilim madadaanan namin
Gabi na din kasi kami nakarating ngayon
Pinarada ng Driver sa isang tabi yung Van at nilabas na yung gamit namin.
Bibitbitin ko na sana yung bag ko na may nauna kumuha nito, si Clyde.
"Ako na, ituro mo na yon daan sa inyo" tumango ako at nagsimula na kami maglakad papunta sa bahay
Nakarating kami sa tapat ng bahay namin "ito ang bahay namin, pasensya na kayo hindi kalakihan" sabi ko
"Ano kaba Zoe okay lang, at isa pa bisita lang kami" si Angel
"Oo nga, at maganda naman lalo na ang daming puno dito sariwa ang hangin" sabi naman ni James
"Sabihin mo masaya may puno para makaakyat ka, unggoy ka diba?" Asar ni Aaron kay James
Minura naman ito ni James
"Walang signal dito sa inyo?" Tumango ako "Mahina talaga dito, pero kung may importante ka tatawag. Dun ka sa may Tree House tumambay malakas signal dun" tinanguan naman ako ni Alice, yun tree house kasi na yon ginawa namin dhil mahina makakuha ng signal dito samin kailangan talaga umakyat ka sa mataas
"Ate?" Napalingon naman ako ng makilala ko ang boses na yung
Ang kapatid ko si Zia
"Ikaw nga ate" masayang sabi nito at niyakap ako "buti umuwi kana" sabi pa nito
Napatinggin naman siya sa mga kasama ko, "may mga kaibigan ka pala na kasama" sabi ni Zia at nagpakilala kila Angel
"Nice meeting you Zia" sabay lang nila na sabi
Siya yung bunso ko na kapatid si Zia Monteros 18 years old at yung lalaki naman na kapatid ko si Zico, 20 years old naman
Ako naman 22 years old at 23 na next week dahil birthday ko na next week
"Pasok kayo mga ate at kuya" anyaya sa kanila ni Zia at kumapit ito sa braso ko
Nakilala ng mga magulang ko sila Angel, at ngayon kumakain na kami ng hapunan
Gabi na din kasi actually nga late na ang hapunan namin dahil 11pm na kami nakarating dito dahil sa haba ng byahe
Pagtapos namin nagtulungan kami ni Zia magligpit ng mga pinagkainan namin.
"Angel and Alice dun na lang kayo sa kwarto ko tapos kayo mga lalaki dun na lang sa kwarto ng kapatid ko na lalaki" sabi ko sa kanila
"Saan naman ikaw matutulog Zoe? At pati yung kapatid mo na lalaki" tanong ni James
"Sa kwarto na lang ni Zia kaming tatlo, tutal ganun naman kami kapag may mga bisita" sagot ko
Nagsipahinga na din sila
"Alam mo ate ang gwapo ni kuya Clyde" tila kinikilig na sabi ni Zia habang nakayakap sa akin
Nakahiga kami sa kama si Zico naman tulog sa papag "Oo" sang ayon ko
Totoo naman eh, ang gwapo naman si Clyde
"Pero matulog kana" sabi ko dito, tumango ito at pumikit
Bigla naman pumasok sa isip ko si Kiel. Ano kaya ginagawa niya? Nasa babae niya na naman kaya siya?
Haist! Wag ko na nga lang isipin, sumasakit lang ang brain cells ko sa kakaisip. Tsk!
Pag-gising ko naligo na agad ako
Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko tawanan sa sala, ang aga naman ata nila magkwentuhan ng malalakas pa talaga.
Paglabas ko lalo kumunot noo ko ng makita ko si Sean kausap ni Aaron at nagkakape pa sila
"Good Morning Zoe" bati ni Sean, binati ko lang siya pabalik
Pagpasok ko sa kusina ko, nanglaki naman mga mata ko makita ko si Kiel
"A-ano ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya
Nginitian niya lang ako at bumaling na ng tinggin kay Aaron
"Gising kana pala anak" si Nanay at lumapit sa akin, nagulat naman ako ng hilain ako ni nanay sa kusina at nanglaki ang mga mata ko ng makita ko si Kiel dun katabi si tatay "May asawa kana pala anak" si nanay at pinagapang ang kamay sa tagiliran ko
"at hindi mo lang sinabi nakapag asawa kana sa Manila" nagtatampo na sabi sa akin pa ni Mama
Maya maya, napadaing ako ng kurutin ako sa tagiliran "Ikaw bata ka, bakit hindi mo sinabi na nag asawa kana. Edi sana nakapunta kami sa kasal niyo ng asawa mo" pagalit na sabi ni Mama
"Ouch naman nay"
"Anong ouch? Hindi ka man lang nagsabi kinasal kana? At hindi mo man lang kami inimbita?!" Kinurot muli ako nito sa tagiliran
Kung alam niyo lang mama kung paano ako kinasal sa kanya
Napakamot lang ako sa batok
"Tama ang nanay mo Anak, bakit hindi mo lang sinabi sa amin kinasal na kayo nito si Ezekiel" sabat naman ni Tatay na katabi si Kiel
Napanguso lang ako sa kanya
"K-kasi nay at tay ga--" hindi ko na natapos sasabihin ko ng sumabat si Kiel
"Gusto niya daw po kasi makasal sa akin agad-agad, kaya nakiusap siya sa akin na magpakasal agad kami kahit sa munisipyo lang" nanglaki naman mga mata ko sa sinabi niya
Nakita ko naman si Angel at Alice, bumubingisngis sa tabi.
Pinanglakihan ko ng mata si Kiel "Sinungaling ka!" Sigaw ko sa kanya
Biglang tumawa sila nanay at tatay "Grabe ka anak" nailing pero natawa na sabi ni tatay
"Iba ka talaga bata ka" sabi naman ni nanay
Namula naman dalawang pisngi ko sa hiya, dahil walang hiyang Kiel yan.
Siya nga yung nagpumilit na pakasalan ko, lintek na walang ganti...