TWENTY

928 Words
Zoe's POV "Nay!" Gulat na bulaslas ko, pinanglakihan ako ng mata ni nanay "Alam ko mag-asawa na kayo, at hindi mawawala yan sa mag asawa. Pero anak naman, may kwarto ka naman pwede naman duon kayo gumawa ng apo ko" namula naman ako sa sinabi ni nanay Gawa agad? Hindi muna naghahalikan muna kami o kaya roleplay lang muna. "Pasalamat kayo ako lang nakakita" nailing na sabi ni Nanay "Salamat Nay" lumapit sa akin si nanay, at saka hinampas ako "Naka-pilosopo mo Zoe, kukurutin na kita sa singit bata ka" " hindi na kaya ako bata nay, may asawa na nga ako. At hindi na talaga ako bata, dahil pwede na ako gumawa ng bata" sabi ko pa Piningot ni nanay ang tenga ko "Ikaw Zoe, luluhod kana sa monggo at asin" napa peace sign naman ako, he-he... Yawq nga mapaluhod sa monggo at asin "Pagpasensyahan mo na ito Anak ko hijo ah? Nung pinagbuntis ko kasi yan may nainom ata ako, kaya ganyan ang utak" napanguso naman ako sa sinabi ni nanay kay Kiel "May magandang tanawin dito sa Cagayan Valley, at konting byahe niyo lang din makakapunta na kayo sa Tuguegarao duon ang Mall kung gusto niyo mag mall" tumango lang si Kiel Nagpaalam naman si Nanay na pupunta ng barangay dahil kapitan siya diba? Pumasok naman si Angel at Alice "tara Zoe, Mall tayo" anyaya ni Angel "Oo nga, konti lang kasi gamit ko nadala. At bibili ako ng pang swimming ko" si Alice naman Tumango naman ako, "magbibihis lang ako" at pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis Isang denim short at t-shirt ang sinuot ko at nag sandals na lang ako Ayoko kasi magpantalon Dahil sobrang init, allergy pa naman ako sa init. Nagpapantal ang balat ko kapag sobrang init talaga Palabas na sana ako pumasok si Kiel dito sa loob, tinignan niya ako ulo hanggang paa "Magpalit ka ng pantalon" "Ayoko, mainit" tanggi ko "Sa mall kayo pupunta,so Magpalit ka at pantalon ang suotin mo" umiling ako "Mainit lalo na kapag nasa Tuguegarao kana. At kahit malamig sa mall syempre lalabas pa din kami at maiinitan pa din ako. Allergy ako sa init" sabi ko "Kaya nga kahit mahirap kami naka aircon ang kwarto ko at ang sala dahil bawal ako sa mainit" sabi ko pa "Okay" sabi niya lang Tinignan niya naman ang wrist watch niya "make sure na nakauwi na kayo ng 5pm" at dinukot niya ang wallet niya at may binigay siya na black card "Buy all you want" kuminang naman mga mata ko "Talaga?" Tumango siya, hindi na ako nag pabebe "Salamat Kiel" lumapit ako sa kanya, at niyakap siya. "Sige, aalis na kami. May tree house sa paglabas ng bahay. Kung maboring ka punta ka lang dun, at duon ang mabilis ang signal" tumango lang siya Nagpaalam na muli ako at hinalikan muna siya sa pisngi bago ako lumabas ng kwarto. 30 minutes bago kami makarating dito sa Mall At hindi na kami nag aksaya ng oras, namili kami agad. Kasama din namin si Zia, at syempre libre ko siya. At binibilhan din siya ng dalawa. Napunta naman kami sa Men's Shop, si Angel kasi bibilhan daw si James ng gamit din. "Ano mas bagay na kulay. This Green or Blue" tanong niya habang hawak ang magkaibang kulay na polo-shirt "Blue/Green" sabay na sagot ng dalawa "Ikaw Zoe, magkaiba kasi ang sagot ng dalawa. Kaya ikaw na lang sasagot para okay na" tinignan ko naman "Blue? Kaso bagay din sa kanya ang Green eh" "Then bibilhin ko na lang ito dalawa, para okay na haha" at pumunta siya ng cashier Napatinggin naman ako sa istante ng mga neck tie Lumapit ako at tinignan "Hi ma'am, for your boyfriend or husband?" Tanung ng sales lady "Husband" sagot ko at tinuro ko yung royal blue ang kulay "kukuha ako ng isang Neck tie at ito" tumango naman siya at kumuha ng stock ng royal blue na neck tie "Sa cashier na lang ma'am" tumango ako at binayaran na "Tara sa swimwear shop naman tayo" anyaya ni Alice, tumango kami. Namimili sila ng swimsuit ako naman tinggin tinggin lang, kumapit sa akin si Zia "Ate gusto ko ito Peach na swimsuit oh" sabi nito Tinignan ko naman pati yung presyo, swimsuit lang 4k na? Nailing naman ako, kinuha ko naman ang wallet ko at tinignan ang pera ko. 8k na lang pala Nakakaipon kasi ako, dahil sa 3k na pabaon sa akin ni kiel sa twing papasok ako. Lahat kasi ng pinamili ko sa pera ko, hindi ko naman ginamit yung black card. Dahil nakakahiya naman, tinanggap ko yun card kanina pero hindi ko namam ginamit Yung gusto ko na bilhin pero mura lang, "sige, sabihin mo sa sales lady" tumango naman siya Binigay ko sa kanya ang pambayad "Salamat ate Zoe" at hinalikan pa ako ni Zia sa pisngi Binilhan ko din naman sila nanay, tatay at Zico. Nang pasalubong syempre. "Bago tayo umuwi, bili muna tayo ng mga pagkain" sabi ni Angel tumango naman ako Papasok na kami ng Yellow Cab para bumili ng pizza, na may nakabanggaan ako na lalaki Nakaitim siya na damit at naka bull-cap pa na itim "Sorry po sir" tumango lang ito, nakayuko lang siya nilagpasan ako. Napatinggin naman ako sa papalayo na bulto niya Parang familiar kasi siya... "Parang si kuya Zander siya ate" namutla naman ako sa sinabi ni Zia "pero posible na makita pa natin siya kasi Namatay siya diba sa kulungan" Tama si Zia, posible na si Zander siya dahil patay na si Zander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD