Zoe's POV
"Ano yan nasa leeg mo anak?" Tanong ni Mama kay Kiel
Namula naman ako, ako kaya may gawa yan "Nothing, Because last night in my room--" bago niya pa matuloy sasabihin niya sinubuan ko siya ng tinapay sa bunganga niya
Sinamaan niya ako ng tinggin
Nag aagahan kasi kami ngayon at hindi ko naman alam na makikita pala nila yung nilagay ko sa leeg niya
"Pinigilan mo pa Zoe, obvious naman kung ano yung nasa leeg ni boss Ezekiel at syempre sino pa ba ang gagawa nung diba?" Mapang asar na sabi ni James "Alam na alam namin"
Pinangdilatan ko siya ng mata pero tinawanan niya lang ako "I need to go" paalam ni Clyde
"Ako din kailangan ko na din umalis pala, may emergency kasi sa Shop ko" paalam ni Alice at umalis na din
Ako naman ang sunod na tumayo "ano magpapaalam ka din? At sasabihin mo may importante kang lakad o kaya emergency?" Sabi sa aking ni James
Binatukan naman siya ni Aaron na katabi niya "Idiot! May pasok si Zoe"
"Ay oo nga pala, sorry naman" nakamot sa ulo nito na sabi "ate Zoe hindi ako makakasabay sayo, mamaya pa kasing hapon ang pasok ko" tinanguan ko lang si Cheska
Parehas kasi kami ng University na pinapasukan, na pagmamay-ari rin pala nila
At ang course niya is Gynecologist
"Sabay na ako sayo Zoe sa paglabas, uuwi muna ako sa Cebu kasi" si Angel at kinuha na ang maleta niya at lumabas
"Alis na ako Kiel, Mama papasok na po ako" nginitian ko lang si Kiel at nakipag beso ako kay Mama
Sasakay na sana ako sa back seat kasi ihahatid ako ni Dudong ang family driver nila Kiel
Nang may humawak sa braso ko "ako na maghahatid sayo" at hinila niya na ako sa tapat ng kotse niya na Ferrari at pinasakay na
Nandito na kami ngayon sa tapat ng University, bababa na sana ako may naalala ako
"Bye Hubby ko, ingat ka sa pagpasok mo sa opisina mo" at smack ng kiss sa kanya at nagmadali ako bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng campus
Grabe ang t***k ng puso ko, ewan ko pera naadik ata ako sa labi niya.
"Zoe!" Napangiti naman ako ng tawagin ako ni Denver agad naman ako lumapit sa kanya at niyakap "I miss you" sabi ko
Pinat niya naman ang ulo ko "Miss you too, tara sabay na tayo pumasok" at sabay na nga kami pumasok sa klase namin
Someone's POV
"Boss, bumaba po siya sa isang Ferrari na kotse at hindi namin nakita ang tao sa loob dahil tinted ang kotse" sabi ng isang tauhan ko
Binuga ko naman ang usok galing sa sigarilyo ko "Keep your eyes on her, sundan niyo lang siya at wag na wag niyo kakalimutan sabihin sa akin kung may kasintahan na siya" tumango ito at lumabas na ng opisina ko
Kinuha ko ang litrato sa drawer ko at tinignan ito
"Napakaganda mo talaga, Mahal ko" sabay halik ko sa litrato
Sa susunod hindi na litrato mo ang hahalikan ko, dahil ikaw na mismo ang hahalikan ko
At hindi ako papayag na maagaw ka ng iba sa akin, dahil akin ka simula ng isinilang kana sa mundo.
Akin kalang Zoe Rose F. Monteros
Angel's POV
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito lintek ka?!" Inis na tanong ko sa unggoy nasa harapan ko
Not literal monkey, it's just a monkey man
Paano ba naman kasi sumunod sakin dito sa Cebu ang damuho
At si James ito "Alam mo James, naaasar na ako sayo" at binigyan ko siya na nakakamatay na tinggin
Nginitian ako nito "Kasi naman myloves iniwan mo ako sa Manila mag-isa, dapat sinabi mo na pupunta ka pala dito para nasamahan kita sa pagdalaw ng puntod ng anak natin" sinamaan ko siya ng tinggin
And yes may anak kami nitong hinayupak na ito na unggoy
Pero namatay dahil sa sakit na Leukemia, namatay siya sa edad na dalawang taon
Pero hindi kami kasal noon ni James, dahil sekreto lang ang relasyon namin noon at nung nagkaroon kami ng anak.
Nalaman lang nila noon na kami ni James nang namatay na ang anak namin
At makalipas ang tatlong buwan nang mamatay ang anak ko, nagkakalabuan na kami ni James hanggang sa nauwi sa hiwalayan
Dahil 23 years old pa naman ako nuon nagkahiwalay kami, bumalik ako sa China para pamahalaan ang negosyo namin duon
Tatlong taon din ako noon sa China
At bumalik ako sa pilipinas dahil kailangan ako ni Ezekiel
At pagbalik ko ginulo na naman ni James ang buhay ko at gusto niya makipag balikan sa akin
At isang taon niya na ako, kinukulit. Pero hanggang ngayon takot pa din ako na balikan siya
Pero inaamin ko na mahal ko pa rin siya kahit ilang taon kaminagkahiwalay, siguro dala ko pa rin yun sakit dulot ng pagkamatay ng anak namin.
Siguro kung mas naalagaan ko ang anak namin masaya kami kasama ang anak namin na malaki na sana, pero wala na malabong malabo manyare.
Pero hirap pa rin ako balikan si James ,Kasi nandito pa din yung sakit sa puso ko
Napatinggin naman ako kay James na seryoso pala ang tinggin sa akin
"Hanggang kailan pa ba Angel ako maghihintay?" Tanong nito sa akin
"Hindi ko alam James" at tinalikuran ko siya, hinila nito ang braso ko at siniil ako ng halik
Isang halik na nananabik
Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, kaya tumungon ako sa mga halik niya sa akin
Hinila niya ako papunta sa kotse niya at pinapasok sa backseat pati na din siya
At nilock ang pinto, at hinalikan muli ako...