Zoe's POV
"What the fvck are you doing?" Galit na tanong ni Kiel
Napatinggin naman ako sa basahan na hawak ko, at ipinakita sa kanya
"Ito nagpupunas ng hagdanan kung hindi mo nakikita" may pagkapilosopo na sagot niya
Nag Death glare naman siya sa akin
Kaya nag peace sign ako "Wala kasi na tutulong kay Manang Loleng kaya tinutulungan ko siya maglinis ng bahay" aniya ko "Alam mo na siya lang yun katulong saka ako, nung hindi mo pa nga lang ako asawa. Tapos ayaw mo pa ako patulungin kay manang Loleng, tsk!"
'Tsk' lang lumabas sa bibig niya at tuloy sa pag akyat at pumasok na sa kwarto namin
Oo kwarto namin
Nang matapos ako maglinis, ako na nag presinta na magluto ng tanghalian namin
Kare-kare at chicken curry na lang ang niluto ko,
Nang matapos ako tinawag ko na sila
"Wow! Ikaw nagluto nito hija?" Mangha na tanong ni Mama tumango naman ako "Opo"
"Ang sarap naman ng Menudo" puri ni James ng tikman niya
Nakasimangot na tinignan ko siya "Hindi yan Menudo, kare-kare yan"
"Ay! Akala ko naman Menudo, lasang Menudo kasi" inirapan ko lang si James
Masarap naman ako magluto eh, ang problema lang. Kapag nagluluto ako iba ang lasa
Tulad na lang ng kare-kare pero lasang Menudo
=__=
Talent ko na yan, kaya wag na kayo ano jan...
Special Skills ko yan kaya walang may pake!
Umupo si Kiel at tinikman yung niluto ko na Chicken Curry "Ano masarap ba?" Excite na tanong ko
Binaba niya yung kutsara at tinidor niya "the taste is so salty" sabay tayo "I have to go, i have lunch meeting" at umalis na.
Grabe hindi man lang nagsinungaling, ang prangka niya. Edi maalat na.. at saka may lunch na nga dito pupunta pa sa Lunch meeting, edi wag siya kumain. Napairap na lang ako
Magsasandok sana sila mga pagkain nila ng pigilan ko sila "wag na niyo na kainin niluto ko, maalat at lasang menudo naman yan" aniya ko "Wait na lang kayo ng bagong Ulam, si Manang Loleng na lang papalutuin ko para sigurado"
Kukunin ko nasa yung Kare-kare at Chicken Curry ng pigilan ako ni Clyde
"Just sit and eat your food" utos nito sa akin
Hindi ko alam pero napasunod niya ako, nilagyan niya yung plato ko ng kain at ulam
At tuloy na siya sa pagkain niya
Mygod! Ang bait talaga ni Clyde hihi... "Pero diba yung lasa nga--"
"It's okay, at least laman tiyan na din" napatanga lang yung iba
At maya maya kumain na din sila
Dahil wala na ako magawa ngayon hapon, nagpasya ako na tumambay muna dito sa garden
Nagulat ako biglang sumulpot si Alice sa harapan ko, seryoso ang mukha niya
"Remember Zoe si Ezekiel ang aakitin mo hindi si Clyde" sabi nito sa akin at umalis na
Napanganga naman ako habang nakatinggin sa papalayong bulgo niya saka napakamot sa ulo
May tumapik naman ng balikat ko si Angel "yeah! Tama si Alice, si Ezekiel ang kailangan maakit sayo hindi si Clyde, at saka baka magwala at mabaliw yan si Alice"
"Huh?"
"Alice is inlove to Clyde, at selosa yan sa mga babae na pinapansin ni Clyde kahit nga ako pinagseselosan yan." Sabi nito "Kaya wag mo hayaan masyado mapalapit ka kay Clyde, baka bugbugin ka ni Alice"
Naintindihan ko naman agad
"At wag na wag mo kakalimutan yung mission mo ah, 2 months and 1 week na lang natitira"
"Pero paano kung hindi ko siya maakit sa loob ng 2 months and 1 week?" Tanong ko, ngumiti siya sa akin
"Edi ibig sabihin, totoo ang pag--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si James t inakbayan si Angel
"Nandito ka lang pala bebe Angel ko" siniko ni Angel ang tiyan nito "Alisin mo nga yan braso mo sa balikat ko, dahil ang bigat" reklamo nito
At nag umpisa na naman sila sa aso't pusa nilang eksena
Nailing na lang ako
Bago ako pumasok sa loob, tumingin ako sa kanila sabay sabi ng
"Ganyan din nagkatuluyan lola't lolo ko"
At pumasok na ako sa loob...