Zoe's POV
"Salamat James" pasasalamat ko dito
Higit kalahating oras niya na din ako binabantayan, dito sa cottage ni Kiel
"Ano kaba okay lang yon at isa pa karapatan namin na protektahan ka dahil asawa kana ni Ezekiel" napangiti na lang ako sa sinabi niya
Agad ako napatayo ng makita ko si Kiel na pumasok, at lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Buti naman bumalik kana" yakap ko pa sa kanya ng mahigpit
Ewan ko pero gusto ko na yakapin siya agad, namiss ko kasi siya. Kahit ilang oras lang kami hindi nagkita, feeling ko nga parang hindi ako mabubuhay ng wala siya.
"Are you okay?" Tanong nito, tumango ako "okay naman ako, kahit medyo kumikirot itong braso at balikat ko" sabi ko
Tumingin naman siya kay James "makakaalis kana" tumango si James at lumabas na ng cottage
"Saan kaba pumunta at ngayon ka lang?"
"Manila" nanglaki naman mga mata ko sa sagot niya "Sa Manila?!" Tumango ito
"Helicopter na ang ginamit namin para mabilis ang byahe"
"Ahhh..."
Hinaplos niya naman ang balikat ko may tama "take rest, para mabilis mawala yan daplis sa balikat mo" tumango ulit ako sa kanya
"Kiss mo na lang para mawala ang sakit talaga, Kisspirin ang tawag sa gamot na yun" nag chuckled naman siya at nailing
Kaya may kung ano natunaw sa puso ko, nung nag chuckled siya. First time ko lang siya nakita nang ganun, at nakakainlove.
Ginawa niya naman "okay na?" Tumango naman ako
"I miss you Kiel" kusa na lumabas sa bibig ko at hinalikan siya
Smack kiss lang naman...
He smiled bitterly to me...
At pinat ang ulo ko "magpahinga kana" sumunod naman ako sa sinabi niya at nagpahinga na
Pangatlong araw na namin dito sa Resort nila
At nadagdagan kami ng tatlo
Si Mama at Cheska
Nagkakilala na din ang Mama ni Kiel at ang magulang ko.
Wala nang daddy si Kiel dahil namatay na daw ito 12 years na ang nakalipas.
At may isa pa pala silang kasama Justin ang pangalan
Justin panget, lintek yon.
Best Friend ko si Justin Gomez simula ng bata ako, sila ang pinakamayaman sa lugar namin.
At nagulat ako na kaibigan siya nila Kiel at isa din Mafia pero hindi boss..
Kilalang-kilala ko na si Justin simula nuon bata pa kami, paano siya hindi maligo sa isang linggo.
Dahil sa isang linggo tatlong araw lang siya naliligo
Brand ng brief or boxer niya
At kung paano siya magpalit palit ng babae niya, at inaanak din siya ni nanay.
"Best friend ito Barbercue ako nag ihaw yan" nakangiti na sabi ni Justin at abot ng barbercue
Inirapan ko naman siya "ayoko! Hindi tayo bati, pagkatapos mo hindi magparamdam ng limang taon. Hmp!"
Ngumuso naman ito "Hindi naman ako multo para magparamdam Rose ehh.." hindi Zoe ang tawag niya sa akin
Rose dahil ang kagandahan ko daw parang bulaklak kaya yung second name ang tawag niya sa akin...
"Ano tawag mo kay Zoe, Gomez?" Madilim ang mukha na tanong ni Kiel na kanina ko pa katabi
"Rose" nakangiti na sagot nito "Because her beauty like a beautiful Roses" napairap naman lalo ako kay Justin
Kinindatan pa ako ng loko
"Do you want to die Gomez?" Madiin na tanong ni Justin
Umiling naman si Justin kay Kiel
"Naku! Mag-iihaw pa pala ako" at patakbo bumalik si Justin kila tatay na nag iihaw
Tinanggal ko ang balabal sa balikat ko, "ibalik mo yan balabal mo" inis na utos ni Kiel
"Saglit lang naman" naka two piece kasi ako at si Kiel ang nagpasuot ng balabal sa akin "Umiinit na kasi, palagyan ng sunblock yung likod ko. Please" he sighed
At kinuha yung sunblock sa gamit ko
Dumapa naman ako sa Beach Chair, naramdaman ko naman na tinakpan ni Kiel yung puwitan ko...
"Cover your ass, it's for my eyes only" narinig ko lang yung sinabi niya Na cover daw...
At naramdaman ko na ang lamig ng sunblock sa likod ko..
Nilagyan ako ni Kiel ng sunblock pero may kasamang hilot na..
"Padiin naman Kiel, ang sarap" sabi ko
Sinunod niya naman ang utos ko
Angel's POV
Nakangiti ako habang nakatinggin kay Kiel at Zoe
Ang sweet nilang tignan...
"Hindi ka nagkamali Angel sa pagpili kay Zoe" nakangiti na sabi ni Alice
Tumango naman ako
"Pero may parte sa puso at isip ko na nagsisisi ako" takang tumingin ito sa akin
"Why?"
"Look Alice, inutusan lang natin si Zoe. Malay mo hulog na sa kanya si Ezekiel pero si Zoe wala naman feelings na nararamdaman. Dahil sinunod niya lang ang utos natin" malungkot na sabi ko
"Dahil feeling mo pinaglalaruan natin si Ezekiel" tumango ako
"Parang ganun Alice, kaya gusto ko bago mahulog ng tuluyan si Ezekiel kay Zoe" huminga muna ako ng malalim bago magsalita
"Gusto ko ipatigil na kay Zoe ang inuutos natin"
----