Thea's POV "Dahil day off mo ngayon, dito ka muna para pag uwi ko makikita kita kaagad at mayakap. alam mo namang mayakap lang kita nawawala na ng pagod ko" malambing nitong saad. habang magkatabi kami sa sofa at nanonod ng TV. "bakit saan ka pupunta sweetheart?" tanong ko dito "may kailangan lang akong i-meet na client tapos uuwi na ako kaagad. malapit lang naman ang meeting place namin" saad nito at niyakap ako ng mahigpit kaya tumango nalang ako. haisst kahit weekend nagtatrabaho. akala ko makakasama ko ito buong araw. "huwag kana magtampo sweetheart" pagsusumamo nito "okay lang, naiintindihan naman kita" nakangiti kong saad. kahit sa loob loob ko malungkot ako. Monthsary namin ngayon at gusto ko sana magkasama kami buong araw. pero dahil importante ang negosyo nya kaya kailangan

