chapter 29 the clingy boyfriend

2392 Words
Thea 's POV "Saan ka nga pala nagpunta kanina?" seryosong tanong nito "sa opisina ni Sir Jameson". alanganin kong tugon. ayoko kasing magsinungaling sa kanya lalo na't wala naman akong ginagawang masama. gulat naman itong napatingin sakin na tila galit na naman. nag tutunugan pa ang mga daliri ng kumuyom ang mga kamao nito. bigla tuloy akong kinabahan "nakatulog kasi ako sa sofa ng opisina nya pagkatapos kong kumain." paliwanag ko pa dito. mas lalo naman akong kinabahan ng mag gagalawan na naman ang mga panga nito at anytime pwede ng sumabog. bakit ba napaka mainitin ng ulo nito? "i told you before Thea diba?" inis nitong turan at tumalikod. nakatitig lang ako sa likuran nitong malapad at makinis dahil sa wala pa itong damit. laking pasalamat ko naman at naisipan pa nitong takpan ang baba nito. "kung makapagreact ka akala mo may nangyari samin nong tao, magkaibigan lang kami nong tao eh" himutok ko at humiga patalikod. napangiwi at napaaray pa ako ng maramdaman ako ang sakit sa aking gitna kaya tumulo ang luha ko dahil sa sakit at inis. naramdaman ko namang lumapit ito at niyakap nya ako sa aking likuran at hinalikan ang aking pisngi. "shh tahan na sweety, sorry na okay, nagseselos lang ako, dapat kasi hindi kana umalis sa Penthouse nong time na pinapapunta kita doon or dito ka nalang sana dumiritso kanina. bakit doon pa sa opisina ng Silva na yun, diba sabi ko sayo'ng ayokong nakikipag usap ka dun?" paliwanag nito at isinubsob ang mukha nito sa aking leeg. "bakit ka ba nagseselos doon eh kaibigan ko lang yon, mabait lang yong tao sakin at hindi naman yon katulad ng ibang lalaki na mapagsamantala" naiiyak kong saad "sweety naman, huwag mo na syang ipagtanggol lalaki din yon, at di mo maaalis sa isip ko na may gagawin syang hindi maganda or baka mainlove sya sayo. ayokong mawala ka sakin sweetheart" madamdamin nitong saad sa akin at hinalikan ang aking leeg at isinubsob muli ang mukha nito doon "hindi naman ako mawawala sayo, ano kaba? ikaw lang kaya ang mahal ko unless ikaw ang maghanap ng iba. talagang iiwanan kita" pagbabanta ko naman dito. nagulat naman ito at tiningnan ang mukha ko "why should i do that?, ikaw lang mamahalin ko sweetheart okay, tandaan mo yan" sabi nito at pinatihaya nya ako sabay hinalikan nya ako sa labi. hindi ako magsasawa sa mga halik nito lalo na at hatid nitoy kakaibang kasiyahan. mahal na mahal ko ang lalaking ito. muli na namang nag init ang pakiramdam ko kaya gumanti na rin ako sa mga halik nito hangang sa naging mapusok na naman ito na nauwi sa isa namang mainit na tagpo. naulit na naman at hindi nagpaawat ang kumag. "sa Penthouse ka na matulog sweetheart" sabi nito at nagbibihis "ayoko, dito lang ako" sabi ko at nagtakip ng kumot "doon kana para maalagaan kita, kita mo nga nahihirapan kang gumalaw, o baka gusto mo dito nalang din ako uuwi" nanlaki naman ang mata ko sa gulat. ayoko nga. ano kami mag asawa at nagsasama na? "oo na, papayag na ako. pero ngayon lang ah" sabi ko kaya natuwa naman ito. binihisan na din nya ako at binuhat papuntang kusina para sabayan itong kumain kahit tapos na akong kumain sa labas. hirap akong makatayo at makalakad kaya todo alalay ito sakin. dapat lang. kasalanan naman nya. ang loko kasi akala ko isa lang, humirit pa ng dalawa kaya tuloy parang lantang gulay na ang katawan ko at parang hinihiwa ang p********e ko. Binuhat nya ako pa bridal at isinakay sa sasakyan nito pagkatapos naming kumain. shit! ganito pala ang ma-virginan. nakasimangot tuloy ako ng magkatabi na kami sa higaan nito pagkatapos nya akong ibabad sa maligamgam na tubig sa bath tub. medyo gumaan na rin naman ang pakiramdam ko at nabawasan na ang sakit dahil pinainom nya ako ng gamot kaya lang lagot ako sa Magulang ko. wala na ang puri ko. "Thank you nga pala sa pag aalaga mo sakin sweetheart" napangiti ako nang maalala ko yung time na pangalan ko pa rin ang tinatawag nito kahit mataas na ang lagnat nito "wala yun, kahit sino pwedeng gawin yon lalo na at kailangan mo ng kalinga nong time na yon" "pero the best ka parin mag alaga." sabi nito habang nakahiga ako sa braso nito at hinahaplos ang buhok ko "teka lang ..bakit nga pala doon ka sa guest room natulog nong may lagnat ka?" sabi ko dito nang tingnan ko ang mukha nito. napangiti naman ito at tinakpan ang mukha. tskk nagblush ang lolo "namiss ko kasi ang amoy mo kaya doon ako natulog. hindi ko kasi pinapapalitan yung sapin at punda doon mula ng umalis ka. doon ako natutulog kapag nandito ako sa Penthouse" sabi nito at pumikit. bigla naman akong natawa sa kalokohan nito pero lihim akong kinikilig. "bakit? saan kaba umuuwi kapag wala ka dito?" usisa ko dito. baka may inuuwian na itong iba. pinisil naman nito ang ilong ko at niyakap ako ng mahigpit "sa Opisina. may kwarto ako doon. umuuwi lang ako dito kapag namiss na kita ng sobra, makita lang kita sa parking masaya na ako nong time na yon" napamaang nalang ako sa nalaman. ibig sabihin lihim nya pala akong pinag mamasdan. tinitingnan nya ako ng hindi ko alam? "ikaw ba yong nagsalita sa Walkie ta-" "yes, lasing ako non, kakauwi ko lang galing sa apartment mo. hinintay kita doon yon pala straight ka. bakit ka na naman nakikipag usap sa kanila?" tinampal ko ang dibdib nito "haistt, part ng trabaho ko ang kausapin ang mga kasamahan ko. no malice yon" "anong sabi ko?" nakataas ang kilay nitong tanong. napaismid naman ako. "eh ayokong maging Assistant mo" "at bakit? ayaw mo non lagi tayong magkasama?" "yon na nga eh, lagi tayong magkasama, ayokong ma isyu" "tsk ano ngayon sweetheart, parehas tayong single. hindi mo lang talaga ako love" nakasimangot nitong saad kaya ako naman ang pumisil sa ilong nito at hinalikan ito sa labi "okay promise last na to, pagbigyan mo muna ako sa parking okay" umiling nalng ito at tumahimik na bilang pagsuko. first time kong humiga kasama sya sa iisang kama at dito pa talaga sa higaan nito. masaya ako na kasama sya at mas lalo ko namang naramdaman ang pagmamahal at pag aasikaso nito sakin. wala akong pinagsisihan na sa kanya ko ibinigay ang virginity ko dahil ibinigay ko naman ito sa taong pinakamamahal ko. "gusto kong isumpa yang ano mo" inis kong turan dito. natawa naman ito at hinalikan ang noo ko "bakit naman?" sabi nito. bakit ang sarap pakingaan ang tawa nito? nakakaakit. "eh kasi ang sakit eh" "sa una lang naman yan, at tsaka nag enjoy ka naman. kung sakaling maliit lang to malamang hindi ka mag eenjoy" pang aasar nito. kinurot ko naman ito sa dibdib kaya lalo itong natawa. ang sarap sa feeling na okay na kami at malamang mahal din nya ako. "sweetheart bakit sinabi mong you just cared for me dahil kay Tatay?" tanong ko dito habang hinihimas ang dibdib nito "yon naman kasi talaga ang promise ko sa kanila dahil mahalaga ka sakin, unang kita ko palang sayo nahulog na ang loob ko sayo kaya nga sinundan kita sa bahay nyo diba?" napangiti naman ako sa nalaman. akala ko ginagawa nya lang lahat ng yon dahil nahihiya sya kay Tatay at hindi nya talaga ako mahal. "mahal mo ba talaga ako?" pagkokompirma ko sa kanya. hindi kasi ako makapaniwala na nangyari ito. dati inisip ko na hindi katulad nya ang mamahalin ko pero dumaan ang mga araw unti unting nahulog ang loob ko sa kanya. "mahal na mahal kita" masuyong saad nito tsaka hinalikan ang noo ko. napangiti nalang ako at niyakap rin ito ng mahigpit "paano ako makakapasok nito bukas? tingnan mo leeg ko ang daming kiss mark at tsaka hindi ako makalakad" reklamo ko dito at sumimangot. tumawa na naman ito "don't worry, excuse ka na. don't you remember that your boss is here beside you?" sabi nito. kaya napatingin ako sa mukha nito. kumindat naman ito at ngumiti kaya napailing nalang ako at ngumiti na rin. pag gising ko kinabukasan. ang una kong hinanap ay si Louie pero wala sya sa tabi ko. yes, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na Louie o sweetheart dahil baka magtatampo na naman ang isang iyon. medyo gumaan na ang pakiramdam ko pero nakakaramdam pa rin ako ng sakit. tumayo kaagad ako at lumabas ng kwarto na hindi na nag ayos ng sarili. iika ika pa rin akong maglakad dahil sa masakit parin ng kaunti ang hita at ng gitna ng hita ko. Nadatnan ko naman itong nagluluto at naka apron pa sa kusina. bakit ang gwapo nya lalong tingnan sa ayos nya ngayon? napansin nya ang pagpasok ko kaya napalingon ito "Goodmorning sweetheart, " nakangiting bati nito ng makalapit sakin at humalik sa labi ko. "goodmorning" nakangiwi kong bati "i already cooked our breakfast. come let's eat" sabi nito at inalalayan akong makaupo "masakit pa rin sweety?" bulong nito sa tenga ko. "ano pang ini expect mo. hirit ka kaya ng hirit. ako tuloy ang nahihirapan" nakasimangot kong saad. napangisi ito at pinisil nito ang ilong ko at hinalikan ang pisngi ko "sorry, nakakahigil ka eh" namilog ang mata ko sa sinabi nya "nakakatakot ka palang manggigil," sabi ko at tinulak ito. ang lakas naman ng tawa nito sa tinuran ko. masaya kaming nagsalo sa hinanda nitong almusal at may kasamang kulitan na naman. "sweetheart pupunta lang ko sa Kompanya saglit, babalik din ako kaagad. may kailangan lang akong Pipirmahan at important meeting na dadaluhan" sabi nito "oo naman, dito nalang muna ako" sabi ko at ngumiti dito "thank you sweetheart, promise, uuwi kaagad ako, anong gusto mong pasalubong?" tanong nito sakin kaya natawa ako "ano ako bata? umuwi ka nalang ng safe pagkatapos ng mga dapat mong asikasuhin" sabi ko at hinalikan ito sa labi. ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis. tumitig ito sa mata ko. hindi ko malaman kung ano ang iniisip nito dahil sa halo halo nitong emosyon na parang natutuwa at masaya na ewan. "i will" sabi nitong nakangiti at hinalikan ang noo ko at tungki ng ilong pababa sa aking labi. Maghapon lang akong nakahiga at natutulog. alas kwatro na ng hapon ng ako ay magising at wala pa si Louie kaya i decided to cook for our dinner. Nagluto ako ng Afritadang manok. kahit papaano kasi may alam din naman ako sa pagluluto. magagamit ko na ang natutunan ko kay Nanay. Kasalukuyan kong tinitikman ang niluluto ko ng may biglang yumakap ng mahigpit sa aking likuran at hinahalik-halikan ang aking leeg kaya nagulat ako. muntikan pang mapaso ang dila ko. ngunit ng malanghap ko ang amoy nito ay napangiti nalang ako. parang tumalon ang puso ko sa saya. "na miss kita sweetheart, sorry ngayon lang ako dumating. i tried my best na tapusin ng maaga pero heto inabot na ako ng hapon. niyaya nga nila ako ni Louise na mag bar tumanggi ako" paliwanag nito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ko. si Louise na naman.. napapakagat nalang ako sa labi dahil sa bumangon na naman ang kakaibang kiliti hatid ng mainit nitong halik at hininga sa aking leeg "okay lang sweetheart, naiintindihan ko naman. gusto mo bang kumain na ng hapunan. nagluto ako ng masarap" tumawa naman ito ng mahina "mukhang masarap nga pero wala ng mas masarap pa sayo" bulong nito sa aking tenga kaya nag init ang pisngi ko sa kahalayan ng bibig nito. "umayos ka nga, ikaw huh, ang pervert mo" "sayo lang naman ako nakakaramdam ng ganito. masama ba?" pinatay ko ang kalan at hinarap ito "hindi naman kaya lang ang halay ng bibig mo" sabi ko at ikinawit ang kamay ko sa leeg nito. napapalunok naman ito sa ginawa ko "sweetheart baka pwede na ulit" hirit nito "hindi pwede, masakit pa eh," sabi ko at sinimangutan ito "kainis naman, hindi ba talaga pwede?" malungkot nitong saad "no po, sa susunod nalang" napapadyak nalang ito na parang bata. tsskk ang cute nya. parang bata na hindi napagbigyan sa gusto. "mamayang gabi bago tayo matulog, pwede?" hirit pa nito "anong bago matulog eh uuwi na ako sa apartment mamaya" nanlaki naman ang mata nito na parang di makapaniwala. tinaasan ko naman ito ng kilay at dinilatan ng mata. "sweetheart naman, dito ka na matulog para may kayakap ako. promise hindi ako hihirit" pakikiusap pa nito "hindi pwede sweetheart. papasok na ako bukas at nasa apartment ang uniform ko" "eh di kukunin ko it!s not a problem" sabi pa nito "no sweetheart, hindi magandang tingnan na magkasama na tayo sa iisang bubong. magboyfriend pa lang tayo" nagmamaktol naman ito at nalungkot "sige huwag ka makinig hindi na ako pupunta dito" bigla namang nagbago ang mukha nito. bilis magbago ng emosyon ah, tskk "sorry na, sweety, kain na tayo para may oras pa tayong makapagbonding bago ka uuwi" bulong nito tsaka pinatakan ng halik ang labi ko. napangiti nalang ako sa kakulitan nito. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa Veranda upang magpahangin. sarap pagmasdan ang mga bituin dahil maaliwalas ang kalangitan. kayakap ko pa ang mahal ko habang nakatanaw kami sa nagkikislapang mga ilaw sa siyudad. sa tuktok kami ng building kaya tila langgam nalang ang mga sasakyang dumaraan sa kalsada. Nang mag alas nwebe ng gabi ay nagdecide na akong umuwi. hinatid nya ako sa Apartment. gusto sana nitong maglakad lang kami para matagal kaya lang hindi ako pumayag. baka kasi may makakita sa amin. Hindi naman ito umuwi kaagad at inabot pa yata ito ng hating gabi at hinintay lang akong makatulog. ayaw raw kasi muna nyang umuwi dahil mamimiss nya ako. napaka clingy nya talaga pero nakakakilig ang sweetness nya. kalalaking tao akala mo mawawala kapag nalingat lang sya. Hindi ko naman alam kong anong oras na ito umuwi kagabi basta nagising nalang ako kinabukasan ng mag alarm ang phone ko at wala na ito sa tabi ko. Medyo hindi na ganun ka halata ang kissmark ko sa leeg at natatakpan naman ito ng scarf ko. hindi na rin masakit ang gitna ng hita ko kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. mapanuksong tingin naman ni Mam Jovy at OIC Suarez ang ipinukol sakin kaya namula ang pisngi ko sa hiya. alam kaya nila na may nangyari samin bakit ganyan sila makatingin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD