Thea's POV
"Anak kumusta kana dyan, nakakakain kaba sa tamang oras? huwag kang magpapaulan huh" heto na naman ang nanay kong over protective. napapangiti nalang ako sa pagiging concern nito. namiss kona sya, sila. matagal na kasi akong hindi nakakauwi dahil mahal ang pamasahe at kasya lang pangastos at pampadala sa kanila ang sinasahod ko.
"okay lang po ako nay, kayo po dyan kumusta na?"
"okay lang kami anak, huwag mo kaming alalahanin. ikaw ang iniisip ko dahil ang layo mo. kumusta ang tinutuluyan mo ngayon?"
"okay naman po. 8 kami sa isang kwarto, may common na CR, labahan at kusina para sa mga bed spacers sa second floor. ganun din sa first floor. medyo malaki itong building na inuupahan ko kasi may dalawang palapag at maraming kwarto"
"naku anak, sama sama ba ang lalaki at babae dyan?" nababahala nitong tanong
"sa baba po ang mga lalaki nay, dito naman po kaming babae sa taas"
"anak, mag ingat ka dyan ah, lalo na at may kasama kang mga lalaki sa inuupahan mo. kumusta naman ang trabaho mo" psshh. naalala ko na naman ang nangyari kagabi at kaninang umaga.
"maayos naman po nay, malapit lang po dito sa tinutuluyan" half truth, half lies.
"mabuti naman, mabait ba ang employer mo anak?" mabait ba? napapangiti nalang ako ng mapait, gusto kong umiyak para mailabas ko ang sama ng loob ko. ilang araw pa lang ako sa bago kung trabaho nagkaproblema na kaagad.
"ganun ba, sana magtagal kana dyan anak, para hindi kana palipat lipat ng tirahan at trabaho" bigla akong nalungkot. magtatagal nga ba ako? sa nangyari kagabi at kanina mukhang hindi lang parusa ang mangyyari. galit na galit ang boss ko, sa dinami dami pa ng parkers n nai-encounter ko araw araw yung may ari at kaibigan nya pa talaga ang nagawan ko ng kasalanan.
kanina pa tapos ang tawag ko kay nanay pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
inaalala ko ang decision ng boss ko. sana hindi ako matanggal.
kapag naaalala ko ang mukha nya na galit na galit na animo'y kakainin na ako ng buhay ay natatakot pa rin ako. sobrang gwapo nya pa naman kaso mukhang masungit. ang hot nya at ang mga labi nya ah sh*t. tumigil ka thea! sinabihan kang stupid diba? ang sakit ah, sya pa lang nagsabi sakin ng ganun. i'm not stupid, i'm just doing my job.
hindi ko naman sinasadya yun eh. malay ko ba na may VIP cards sya. wala naman kasi silang sinabi sakin. ang sinabi lang nila ay magbigay ng cards sa bawat parkers at kailangan walang makakatakas kung hindi babayaran ko ang cards na nawala plus memo pa. sinusunod ko lang naman ang policy.
mabuti pa yung friend nya.
sh*t ang pogi ni Sir Vlad tapos ang bait pa. kabaliktaran naman ang friend nya. parang demonyo kung makaasta. hmp!.. mayaman nga sya pangit naman ang ugali.
straight duty kanina pero hindi parin ako makatulog. napagpasyahan kong pumunta sa tindahan kailangan kung makatulog dahil mamayang 2pm baka papapasukin ako. malay mo magbago ang isip ng boss ko.
kinuha ko ang wallet ko at bumaba.
"hi thea" napataas ang kilay ko sa nagsalita sa tabi ko. nang lingunin ko ito ay ang kapwa ko border pala. ang alam ko technician ito sa admin, sila ang namamahala sa mga CCTV camera's at pagaayos ng mga boom barriers kung may problema. ito ang mahirap may kasama kaming lalaki. tinanguan ko lang ito at tumalikod na. akmang aalis na ako ng magsalita ito.
"saan ka pupunta?"
"bakit?"
"wala lang..ahm. sasamahan sana kita"
"no need, sa tindahan lang ako"
"ahh ganun ba, may pasok kaba mamaya sabay sana tayo"
"hindi ko pa alam eh" agad kung sagot
"ahh sige aabangan nalang kita dito mamaya kung sakaling meron kang pasok" napataas na naman ang kilay ko. allergic talaga ako sa mga lalaki. yung iba kasi kunwari mabait may binabalak pala. pero mukhang mabait naman sya.
"alam mo huwag mo na akong hintayin. baka mamaya ma late ka pa eh. sige na may bibilhin pa ako"
"sige ingat" hindi ko na ito sinagot at dumiritso na sa tindahan. bumili ako ng gatas isang sachet para makatulog na ako.
pagbalik ko ay nandun pa rin sya pero may mga kasama na sya. nginitian nila ako kaya nginitian ko rin sila at umakyat na ako agad.
tiningnan ko ang phone. may text ang visor ko at pinapapasok pa ako ngayon dahil kulang sila sa attendant. buti nalang, baka wala pa ang memo ko at sana wala na lang.
Nang tumunog ang alarm ko ay agad na akong ng asikaso at bumili ng pagkain para sa tanghalian ko.
Kinuha ko sa hanger ang uniform ko at nagbihis na ako. sinunod ko naman ang stocking ko. okay lang namang wala kaya lang naiilang ako na walang stocking. nag doll shoes lang ako dahil nasa locker ko ang pangpasok ko na shoes. mahirap maglakad na may takong kaya iniwan ko nalang ito. 40 minutes nalang ang natitira sa oras ko
Nang matapos ay bumaba na ako. nagulat ako ng makita ko ang kaborders ko sa baba. kilala ko naman sila pero hindi lang talaga ako mahilig makipagkaibigan sa mga lalaki. lalagpasan ko na sana sila ng magsalita ang nakausap ko kanina.
"Thea sabay na tayo, doon din naman ang pinapasukan ko" napabuntong hininga ako. hindi kasi ako sanay na may sumasabay saking lalaki. tumango nalang ako baka sabihin nila na bastos ako.
"bakit ikaw lang Mark, sabay din kami parehas lang tayo ng pinapasukan eh" saad naman ng isa pero hindi ko na sila pinapansing nag uusap at iniwan nalang. hinabol naman nila ako ng mapansing malayo na ako. Mark pala ang name nya
"ilang oras lang itinulog mo Thea ah, kakauwi mo lang kaninang umaga diba?" tanong sakin ni CJ
"ah oo, nag straight ako kagabi wala yung kpalitan ko eh" kapag straight duty kasi hindi mo pwedeng sirain ang sked. kailangan sundin ang nakalagay na oras sa sked kahit straight kapa.
"baka yumaman ka nyan. mataas pa naman ang rate ng graveyard shift." napangiti ako kay Troy.
"yaman kaagad? baka nga ilang araw lang sasahurin ko eh. baka kasi may memo ako" nagulat sila sa narinig
"ha? bakit naman?" sabi ni Sev.
"muntik na kasing mabagsakan ng boom ang boss natin. hindi ko kasi alam na may VIP card sya. may ganun pala" sabi ko at tumawid na kami sa kalsada papasok sa parking
"kasalanan ng visor at security yan. dapat sinabi sayo ang mga sasakyan na may VIP cards. may stickers naman yan sa harap kaya madali lang tandaan. ang madalas lang naman ditong pumupunta ay yung parents nya, mga kapatid nya at yung friend nya" paliwanag ni Mark na katabi ko. napansin ko ako lang pala ang babae dito.
"dapat matandaan ko ang mga sasakyan na yan pala. mga girlfriend nya wala bang mga sticker?" natawa sila sa tanong ko.
"girlfriend? ang alam ko walang girlfriend yun, at tsaka hindi nagbibigay ng free parking sa iba yun" sabi ni CJ at tumatawa.
"eh may babae syang kasama kagabi, para ngang linta kung makalingkis eh, tapos halos kita na ang kaluluwa sa damit nya" sabi ko na nakataas ang gilid ng labi. wala daw girlfriend eh sino yun?
" ahh bago yun ah, baka fling lang yun alam mo na kailangan din maglinis tubo para hindi ma stock up" sabi ni Troy na ikinatawa nila. ano daw? napakunot noo ako sa sinabi nya pero binatukan sya ni Mark
"suntukin ko yang bunganga mo" banta ni Mark
"ano yung linis tubo? kailangan ba ni Sir ng plumber?" inosente kong tanong. hindi ko kasi ma gets. nagtawanan naman sila sa tanong ko. laughtrip talaga sila wala namang nakakatawa.
"hindi na kailangan ni sir ng plumbers kahit sya kaya nyang linisin sarili nya. mag eenjoy pa sya" natatawang sabi ni Sev.
"tumigil na kayo ah! makakatikim na talaga kayo. babae yang kausap nyo" galit na sabi ni mark. anong ikinagagalit nya eh maglilinis lang naman ng tubo?
"kailangan na talagang maglinis ng tubo ni sir baka sa tagal nyang hindi naglinis kinakalawang na yun, malamang s**o s**o na ang lalaba- ahhh tangina naman mark, sakit nun ah" nagulat ako ng sikmuraan ni mark si troy. biruan lang naman kaso napalakas yata
"teka bakit nagagalit ka kay Troy, lilinisan lang naman ang tubo ni sir ah," sabi ko kay Mark. napabunghalit ang mga mokong sa tawa sa tinuran ko. diko talaga sila maintindihan. masama naman ang tingin ni mark sa mga kasamahan nya.
"Oo nga dapat nga may idea na din si Thea kung paano maglinis ng tubo. yun pa naman ang gusto ng mga lalaki yung marunong mag---" hindi na natapos ni Sev ang sasabihin ng aambahan na ito ng suntok ni Mark. naguguluhan talaga ako sa kanila.
"ang gulo nyo!. paglilinis lang ng tubo pinagtatawanan nyo. bahala nga kayo dyan" sabi ko sa kanila at iniwan na sila na nagtatawanan pa rin. pumasok ako sa admin at nagtime in at naglog in sa logbook.
nakita naman ako sir Anthony. ang isa sa OIC ng security. may angking kapugian din ito dahil mabait at palangiti. malinis at bagay sa kanya ang polo nya na white
"Thea, nandyan kana pala, sinabihan ko na ang visor mo ang tungkol sa VIP cards, magpaturo ka nalang ah" sabi nito at ngumiti. lumitaw tuloy ang pantay pantay nitong mapuputing ngipin
"okay po sir, salamat po" sabi ko at lumabas na. nakasalubong ko naman ang mga mokong na tumawa ng makita ako. tinaasan ko lang sila ng kilay at pumunta na sa locker ko.
naabutan ko si Mam Jovy sa locker na nagbibihis. alanganin akong lumapit dito. masungit kasi ito.
"Goodmorning po Mam" bati ko dito. lumingon naman ito at tumango lang sakin.
inilapag ko nalang sa mahabang lamesa ang bag ko at hindi na umimik. ang locker room namin ay medyo malaki. dito kami kumakain at nagpapahinga. may lamesa rin para sa visor. dito na rin kami nagmemeeting. may CR namang sarili at doon kami magbibihis.
kinuha ko ang pouch ko na lagayan ng make up set ko. nagdatingan narin ang mga kasamahan ko.
nasa 10 kami ngayon na papalit sa pang umaga.
binati ako ng iba. yung iba naman ay hindi at may kasamang irap pa. ok lang kahit saang larangan ng trabaho hindi maiiwasang may ganong ugali. hindi ko nalang din pinapansin ito.
Naglagay ako ng foundation at lip gloss. natural na kasing mapula ang labi ko kaya hindi na kailangan ng lipstick. ganun din ang kilay ko ay hindi na kailanganng lagyan eyebrow pencil.
nang matapos na ako ay iniligpit ko na ito at kinuha ang shoes ko sa locker at ipinasok ang bag ko sa loob at sinara ito.
"ganyan lang ang make up mo Ms. Garcia?" nakataas na kilay na tanong ni ng visor ko ng lingunin ko ito. nagtaka naman ako. my other co-attendant smirked at tumaas ang kilay.
"opo mam" lumapit naman sakin si Jana at bumulong
"kapalan mo kasi girl, ayaw ni mam ng manipis". nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"kibago bago mo pa lang, ang dami mo ng violation. pati ako nadamay sa katangahan mo, bakit pa kasi tumangap ang admin ng ganitong Attendant" napakuyom ako ng kamao. gusto ko ng sagutin ito pero inaalala ko na lang ang trabaho ko. ayukong patulan ito.
"Mam jovy kaya nga turuan mo, it's your responsibility to train her about the rules and regulation and also the policy. mas lalo na sa VIP cards dahil mga bigboss ang may hawak nun. tayong lahat ang mananagot kapag may pumalpak na attendant" nanlaki ang mata ko ng sumulpot si Sir Anthony sa pinto. tumingin ito sakin at ngumiti.
"yes sir" pilit na ngiti ni Mam Jovy kay Sir. lumabas na ang huli pagkatapos pagsabihan si Mam Jovy. marahas naman itong bumuntong hininga at matalim akong tiningnan. hindi ko na rin inintindi ang bulong bulungan at kinuha ko ulit ang make up ko.
naglagay ako ng make up na babagay sa mukha ko at ang matte lipstick ko. may tatlong shades ako ng lipstick pero mas pinili ko ang Ruby red. kinuha ko pa ito sa avon dahil sa mga past kong trabaho, kailangan din ng pangmatagalan na make up.
kung hindi lang talaga masamang pumatol ginawa kona.
"wow girl ganda mo pa lalo sa make up mo" nakangiting saad ni Liz. ngumiti lang ako
"liz i-train mo yan. ilibot mo sa lahat ng parking area para alam nya ang patakaran dito." galit na saad ni Mam. badtrip na yan. napagalitan eh.
"opo mam. thea, yung name tag mo wagmo kalimutan" sabi ni liz sakin kaya tinanguan ko ito at ngumiti.sya ang breaktime reliever namin. lahat ng parking booth nito ay pinupuntahan to assist sa mga magbebreaktime.
malamang straight ang kapalitan ko dahil hindi ako pupunta sa booth ko.
Nang matapos ang shift namin ay nagtime out nakami.
Binigyan lang ako ng warning pero ang guard na nakaassign nung time ng incident na yon at ang visor ko ay suspended ng 3 days. napapabuntong hininga nalang ako. kung tinuro lang sana nila ng maaga eh di sana walang incidenteng magaganap.