Thea's POV warning: ( SPG alert ) Habang naglalakad papunta sa pintuan ng kanyang unit ay diko maiwasang magtaka. ganun ba kagrabe ang away nila nong kausap nya kanina sa phone at nilagnat sya pag uwi? baka nabalian ng buto. haisst...sa dami ng tumatakbo sa isipan ko diko na namalayang nasa tapat na pala ako ng pintuan nito. bumundol na naman ang kaba sa aking dibdib. kinuskos ko ang dalawa kong palad dahil sa panginginig nito. ano ba!? asik ko sa aking isipan diko maiwasan ngatngatin ang mga kuko ko sa kamay sa sobrang nerbyos. nagtatalo kasi ang isipan ko kung tama bang nagpunta pa ako ngayon o hindi. baka kasi ako naman ang pagdiskitahan nya dahil nakipagbreak ako sa kanya.. marahas akong napabuntong hininga at umiling. 'eh di lalaban ako. tskk kahit lalaki pa sya diko sya uuronga

