Episode 8

2028 Words
Bago pa sila makarating sa mansyon nila Nathan ay may tumawag sa phone nito, na agad naman nitong sinagot. Saglit lang ang pakikipag-usap ni Nathan sa phone at tumingin agad ito sa kanya at inihinto ang sasakyan. "You, get out of the car! maglakad ka na lang umuwi may pupuntahan ako," saad nito sa kanya na marahan niya namang tinanguan at bumaba ng sasakyan. Pagkababa niya ng sasakyan ay agad naman ito umalis. Napabuntong hinga na lamang siya habang tinitingnan ang papalayong sasakyan ni Nathan. Nagsimulang maglakad si Micah, hanggang sa marating niya ang village. Pumunta muna siya sa simbahan at nakipag usap sa Diyos. Ito ang lagi niyang ginagawa pag nakakaramdam siya ng lungkot. Pagkatapos niyang makipag-usap sa Diyos, pumunta muna siya sa likod ng simbahan. Tiningnan niya ang puno ng kalachuchi at hinaplos doon ang pangalan nilang nakaukit. Kumuha siya ng bato at isinulat ulit ang pangalan ni Nathan. Napapangiti siya nang bahagya ng matapos na niyang ukitin ang pangalan ulit ni Nathan. Pagkauwi niya ng mansyon, dumiretso na siya agad sa kanyang kuwarto at nagbihis. Pumunta siya sa kusina naabutan niya na nandoon ang tita Olga ni Nathan, babalik sana siya sa kanyang kuwarto pero nakita siya nito. "Hey! Come here," tawag nito sa kanya. "Hugasan mo ang mga karneng yan at ilagay mo sa freezer," utos nito sa kanya na marahan niya namang tinanguan. Tiningnan muna siya nito na nakataas ang kilay bago ito umalis ng kusina. Pagkatapos niyang hugasan ang mga karne at nailagay sa freezer, kumain na siya ng hapunan at bumalik sa kanyang kuwarto. Inihanda niya ang presentation niya para bukas sa eskuwelahan, iyun sana ang gagawin nila ni Titus kanina kaso nakatulog siya. Mag aalas diyes na siya natapos at niligpit na niya ang mga gamit niya nang marinig ang ingay sa labas. Lumabas siya at tiningnan ito, si Nathan na kasama ang mga kaibigan na lasing na lasing. Kasama din nito si Harris at Monica na nakapulupot ang kamay kay Nathan. Bago pumasok si Nathan ay nakita niyang hinalikan muna ito ni Monica. Pagkapasok ni Nathan ay agad naman siyang lumapit dito at inalalayan ito. Hindi na rin kasi tuwid ang lakad nito. Pagkapasok nito sa loob ng bahay ay naupo agad ito sa sofa sa sala na nakapikit ang mga mata. Mabilis naman kinuha ni Micah ang suot nitong sapatos, pero nagulat siya ng bigla siya nitong itulak kaya napaupo siya sa sahig. "You leave!" sigaw nito sa kanya at sumenyas pa sa kamay na umalis siya. "Leave in front of me! Sa tuwing nakikita ko ang mukha mo, nakikita ko ang mukha ng iyong nanay na isang kriminal na tumatawa habang pinapatay niya si Mom. Did you understand? And I'm crazy about to think about it. Paulit-ulit kong nakikita si Mommy na umiiyak at humihingi nang tulong, but I don't have to do anything. Wala akong kuwentang anak at dahil yun sa nanay mo, leave..!" Sigaw ulit nito sa kanya, sunod-sunod naman pumatak ang mga luha niya sa harap nito at agad pinunasan ito. Nagmamadali siyang tumayo at tumalikod dito para bumalik sa kanyang kuwarto, pero napahinto pa siya saglit ng makita niya si Olga na nasa hagdanan at masamang tumingin sa kanya. Pumasok siya sa kanyang kuwarto at humagolgol ng iyak. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para malaman, kung sino nga ba ang pumatay sa ina ni Nathan. Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog sa kakaiyak. Nagising siya sa umaga, na namamaga ang kanyang mga mata ng tingnan niya sa salamin. Kaya naisipan niyang hindi muna papasok, dahil ayaw niyang makita siya ni Titus at mag alala ito. Pumunta siya sa kusina para mag-almusal, nakasalubong naman niya si Olga. "Hoy, kung hindi ka papasok at wala kang gagawin, pakibunot ang mga halamang damo sa hardin," utos nito sa kanya na tinanguan niya na lang. Nag timpla muna siya ng kape at naupo sa dirty kitchen na nakayuko. Nilapitan naman siya agad ni Manang Gina at Ate lenlen, sinabayan siya nitong mag almusal. Hinahaplos nito ang likod niya bago siya tinabihan sa upuan. "Ok lang yun Mikay, isipin mo na lang na may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari sayo to," saad ni Manang Gina. "Hayaan mo Mikay, baka balang araw magbabago din si Senyorito Nathan at maisip niya na wala kang kasalanan," ani naman ni Lenlen. Nginitian niya lang ang mga ito at tumango. "Hoy tama na yung chismisan niyo mga marites, Ikaw simulan muna daw magbunot ng halamang damo sa hardin sabi ni Ma'am Olga," taas kilay na sabi ni Ailyn. "Nakikita mo naman na nag aalmusal pa kami, diba Ailyn? Baka ikaw ang marites, dahil sip-sip ka lagi kang may binabalita kay ma'am Olga," singhal ni Lenlen. "Anong pakialam mo, hoy lenlen mag isip ka sa mga binibitawan mong salita ha, baka gusto mong palayasin ka dito ni Ma'am Olga." "Hindi ako natatakot, kung ang isang katulad mo lang naman na isang marites ang makakasama ko dito, mabuti pa umalis." "Tama na yan, tama na yan! Ikaw Ailyn, umalis ka muna dito, nakikita mo naman nag aalmusal pa kami at tingnan mo ang orasan, wala pang alas-otso kaya oras pa namin para mag almusal," singhal ni Manang Gina kay Ailyn. "Humanda kayo isusumbong ko kayo kay ma'am Olga," saad nito at inis na umalis. "Manang Gina, Ate lenlen, salamat sa pagtatanggol niyo ha," nakayukong saad ni Micah. "Wala yun Micah, sige na mag-almusal na tayo," ngiting saad ni Lenlen. Nalaman niya sa mga ito na maaga umalis si Nathan. Pagkatapos niyang mag almusal, pumunta na siya sa hardin para simulan na ang pagbubunot ng halamang damo. Kalahating oras na siya sa pagbubunot ng dumating si Nathan, nagulat pa siya dahil may kasama itong napakagandang babae. Naisipan niyang pumunta sa kusina para alamin kung sino ang babaeng kasama ni Nathan. Nakita niyang nakaupo ito sa sala na katabi si Nathan at masayang nag ku-kuwentuhan. Maya-maya narinig niya ang pag sigaw ni Nathan. "Manang Gina, pakidalhan kami ng maiinom dito." "Opo senyorito, nagtitimpla pa po ako," sagot naman ni Manang habang hinahalo ang kapeng tinimpla. "Manang ako na ang magdadala sa kanila," saad ni Mikay na ikinahinto ni Manang. "Sigurado ka Mikay? Ok lang naman kahit ako na, pumunta ka na lang sa kuwarto mo at magpahinga ka." "Ok lang manang, ako na maghahatid sa kanila hindi ako pagod," saad niya at kinuha ang tray. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa sala, na tinitigan naman siya ni Nathan habang kausap ang babaeng katabi. Nilapag niya ang kape sa harapan ng mga ito. Tiningnan naman siya ng babae at nginitian. "Thank you, sino ka pala?" tanong nito sa kanya habang humihigop ito sa kape. Tinitingnan siya nitong mabuti mula paa hanggang ulo. "Ah! Isa sa katulong namin Lianne," sabat ni Olga habang pababa ng hagdan. "Really? She's so pretty para maging katulong," saad nito. "But you are pretty more than her," ani ni Nathan habang nakatingin kay Micah. Yumuko naman si Micah na umalis sa harapan ng mga ito at bumalik sa kusina pabagsak niyang inilagay ang tray sa lamesa. "Mikay ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni manang Gina. "Opo ok lang ako manang, babalik na ako sa hardin para tapusin ang ginagawa ko," naluluhang paalam niya dito. Bumalik siya sa hardin at winalisan ang mga damong nabunot niya, pagkatapos ay nagwalis siya sa harap ng gate. Pasimple naman siyang sinisilip ni Nathan sa bintana. Habang nagwawalis si Micah ng dumaan si Titus sakay ng sasakyan nito. "Micah!" tawag nito sa kanya habang nasa loob ito ng sasakyan. Nilingon ito ni Micah at nakangiting lumapit kay Titus. Napatayo naman agad sa kinauupuan si Nathan ng makita si Micah na kausap si Titus. "Nathan, what? Any problem?" takang tanong ni Lianne. "Tingnan mo ito what do you think this case?" tanong ni Lianne at hinawakan siya sa kamay para maupo ulit at pinakita ang isang papel. Isang attorney din si Lianne, sa kompanya nila Nathan. Kaya naupo na lang ulit si Nathan habang hindi maalis ang mga mata niya sa labas ng gate kung nasaan sila Titus at Micah. "Micah, bakit namamaga ang mga mata mo? Sinasaktan ka ba ng lalaking yun?" inis na tanong ni Titus. "Hindi, hindi Titus.. Nalulungkot lang kasi ako kagabi kasi namimiss ko si Nanay at kayo ni Tita Edzlyn," ngiting sagot niya dito. Naawa naman si Titus sa sinabi ni Micah. "Halika sumakay ka, bibisitahin natin ang nanay mo at mamasyal tayo tapos umuwi tayo sa bahay, namimiss ka na rin nila manang elsa at Ate Merced," saad ni Titus at pinagbuksan siya ng pinto. Tiningnan muna ni Micah si Nathan, nakikita niyang masaya naman itong kausap ang katabing babae. "Okay pero magbibihis muna ako," paalam niya pero mabilis siyang hinawakan sa braso ni Titus. "Wag na Mikay, okay na yang suot mo, kahit ano namang suot mo, napakaganda mo parin," ngiting saad ni Titus at iginiya siya maupo sa sasakyan. Napakuyom naman ni Nathan ang kamao niya ng makitang hinawakan ni Titus ang braso ni Micah. At napabagsak niya ang mga papeles ng makita pa niyang masaya si Micah na sumakay sa sasakyan ni Titus. Gusto niya itong pigilan kaso marami pa siyang mga kaso na tiningnan. Dadalhin sana ni Titus si Micah sa nanay niya pero pinigilan niya ito. "Titus, pumunta na lang tayo sa bahay niyo, ayoko kasing makita ako ni Nanay na namamaga ang mga mata, sa susunod na araw na lang tayo bibisita sa kanya," saad niya dito na tinanguan naman ni Titus. Umuwi siya sa bahay nito, paglabas pa lang niya sa sasakyan sinalubong na siya agad ni Merced at niyakap. "Mikay, miss na miss na kita," naiiyak na saad ni Merced at hinawakan siya sa kamay papasok sa loob ng bahay. "Manang Elsa!" tawag niya kay manang na abala sa kusina, nang makita siya mabilis naman itong lumapit sa kanya at yumakap. "Iha, kamusta ka doon? Oh.. Bakit namamaga ang mga mata mo?" nalulungkot na tanong ni Manang Elsa. "Wala ito manang, namimiss ko kasi kayo," ngiting saad niya. "Bolera ka talaga, tamang-tama nag bake ulit ako ng carrot cake na paborito mo, malapit na maluto magpahinga ka muna at babalikan ko lang yung niluto ko," paalam ni Manang Elsa sa kanya at bumalik sa kusina. "Manang Elsa, Ate Merced, bilisan niyo diyan, dahil mag sing along tayo mamaya para pasayahin si Mikay," saad ni Titus. "Talaga senyorito?! Sige-sige saglit lang ha Mikay, tatapusin ko lang ginagawa ko para makapag sing along ako, matagal ko nang hindi nailabas ang talento ko sa pagkanta," natatawang saad ni Merced at umalis. "Mikay, gusto mo bang magpahinga muna sa kuwarto mo? Tatawagin ka na lang namin mamaya pag tapos na sila manang." "Nasaan pala sila Tita Edzlyn at tito Tyron?" "Wala sila Mom at Dad ngayon, may business meeting sa ibang bansa, sayang nga eh, namimiss kana rin nun ni mom," tugon ni Titus. "Sayang naman hindi ko pala ngayon makikita sila tita ngayon, sige Titus aakyat muna ako sa taas, namimiss ko din ang kuwarto ko dito," ngiting saad niya na tinanguan naman ni Titus. Masayang nagmamadali siyang umakyat ng hagdan na ikinatuwa naman ni Titus habang tinitingnan si Micah na sabik na sabik pumasok ulit sa kuwarto nito. Pumasok si Micah sa kuwarto niya at masayang ibinagsak ang katawan sa kama niya. Wala namang nabago sa kuwarto niya dahil ganoon parin ang ayos nito. Nandito parin sa loob ang mga naiwan niyang ibang gamit. Hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulog siya ng mahimbing. Sinilip siya ni Titus, hinayaan lang siya nitong makapag pahinga, dahil namimiss niya rin si Micah makasama sa isang bahay. Habang si Nathan ay hindi maalis-alis sa isip niya si Micah na masayang pumasok sa sasakyan ni Titus. "Nathan are you okay? Bakit kanina ka pa wala sa sarili?" tanong ni Lianne habang nakahawak ito sa hita niya. Nakabalik na sila sa office niya at doon tinapos ang meeting nila. "No, Im okay Lianne, puwede ka ng mauna umuwi," saad niya dito. Pero lumapit ito sa kanya at hinahaplos ang dibdib niya at hinalikan siya sa labi. Napapikit na lang si Nathan, habang laman ng isip niya si Micah at kung ano ang ginagawa nito kasama si Titus.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD