Dentrix POV
Habang nakatingin ako kay anna ay hindi ko maiwasang titigan ang labi nya. Nakakaakit sya sobra, gustuhin ko man na halikan sya ay hindi ko magawa.
Etong babaeng malibog na ito mukhang nahuhulog na ako sayo. Natauhan lang ako ng maalala kong buhat kopa pala si anna.
"S-sorry" ani ko saka ko sya inilapag sa baba, saka ako sumandal sa puno at ganun din sya
"S-salamat kasi sinalo mo ako" sabi nya habang namumula ang kanyang pisngi
"Wag kang magpasalamat sakin, nakita ko kasi yung barbie na nakatatak sa panty mo kaya naakit ako at sinalo kita" ani ko na nagpapula lalo sa pisngi nya
"Malibog karin pala" nakayuko nyang sabi kaya natawa ako ng mahina
"Lahat naman ng tao malibog, mas malala ka nga lang" sabi ko saka ako tumawa kaya natawa narin sya.
Napatitig ulit tuloy ako sa mukha nya. Hindi sya mukhang malibog para lang syang isang inosenteng babae na masarap mahalin.
Fast forward
Simula kanina hindi na mawala sa isip ko si anna, si anna na maganda.
Habang naglalakad ako ay naabutan ko si sir na nakatayo sa gate.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi nya kaya napatango ako.
Pumunta kami sa parking lot, pagkarating don ay agad akong humarap kay sir.
"Sir ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko ng tingnan nya ako ng seryoso
"Gusto ko si anna" deretsong sabi nya na nagpatahimik sa akin
"Alam kong bawal, pero handa akong magresign maging akin lang sya" dugtong nya kaya natawa ako ng mahina
"Sir, kung nagbibiro kayo hindi nakakatuwa" sabi ko ng hawakan nya ako sa kwelyo ko
"Gusto ko sya. At handa akong gawin ang lahat para magustuhan nya rin ako" ani ni sir bago nya ako bitawan saka sya sumakay sa kotse nya.
Samantalang ako eto hindi makapaniwala sa sinabi nya.
"Mahal nya si anna? Tsk hindi pwede" sabi ko bago ako tumakbo palayo sa parking lot. Kailangan kong makita si anna
.......................
Anna Pov
Hayyst ang malas naman! Umulan pa. Wala pa naman akong payong, no choice anong oras na siguradong hinahanap na ako ni nanay.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad bahala na kung mabasa ang importante makauwi ako ng maaga..
Lakad lang ako ng lakad ng biglang kumulog ng malakas..arrggggggh takot ako sa kulog.
Sa sobrang takot ay napaluha nalang ako, ang weak ko. Nanginginig na yung katawan ko sa sobrang takot pati narin sa lamig ng may biglang kumalabit sakin.
"Ahhhhhh t-tulong" sigaw ko ng bigla nya akong kabigin kaya napayakap ako sa kanya.
"Kahit umuulan halatang umiiyak ka" sabi nya kaya lalong tumulo ang luha ko.
Hindi na dahil sa takot kundi dahil alam kong safe na ako dahil kasama kona ang lalakeng gusto ko.
"Wag ka ng umiyak hindi bagay sayo" mahinahon na sabi nya kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
"Wag ka ngang epal, nilalamig na kasi yung kabundukan ko kaya gusto kolang mag-init para mabawasan yung lamig na nararamdaman ko" umiiyak kong sabi kaya natawa sya.
"Haha oo na" sabi nya sabay ganti sa yakap ko. Sa mga oras na ito, nag-iinit na ang kayamanan ko..
Anna POV
Nandito na kami sa labas ng bahay namin. Tumingin muna ako kay dentrix bago kami pumasok sa loob.
"Wag kang mag-alala malibog kaming dalawa ni nanay" nakangisi kong sabi kaya napalunok sya
"Wag pa talaga akong mag-alala? Haha....kakaiba ka talaga" kamot ulo nyang sabi kaya binuksan kona yung pinto.
Pagkapasok namin ay agad akong nagtungo sa kusina upang magpainit ng tubig.
"Pasensiya na, maliit lang ang bahay namin" nakayuko kong sabi ng iangat iyon ni dentrix
"Maliit nga pero kahit saang sulok dito pwedeng gumawa ng bata" nakangisi nyang sabi kaya namula ang pisngi ko
"Hoy wag kang ano dyan! Baka magulat ka patungan kita tas boom baby na" natatawa kong sabi kaya natawa din sya
Nagtimpla ako ng kape saka ko inabot sa kanya.
"Nasaan papa mo?" Tanong ni dentrix kaya napalingon ako sa kanya
"Ah hindi ko alam hehe...sabi kasi ni mama naanakan lang daw sya ni papa tas ayun sumama sa iba" malungkot na sabi ko ng bigla akong yakapin ulit ni dentrix
Dug
Dug
"Wag mo ng tanungin kung bakit kita niyakap, dahil ang totoo nyan gusto kolang iparamdam sayo na kahit lumaki kang walang tatay, lumaki ka namang mabuting tao malibog nga lang" ani kaya tumulo ang luha ko
"Nakakainis kang maliit na ari ka!" Ani ko sabay ganti ng yakap sa kanya
"W-Wag mo masyadong higpitan yakap mo ramdam na ramdam ko dibdib mo" utal nyang sabi kaya natawa ako ng mahina
"Hayaan muna, bonus ko yan sayo dahil pinagaan mo ang loob ko" nakangiti kong sabi sabay sandal sa dibdib nya
"Haha oo na anna" ani nya
"Wahhhhhhhhhhhhh anna magkakaapo naba ako" sigaw ni nanay kaya napabitaw kami ni dentrix sa isat isa
"N-nay mali ang iniisip nyo" sabi ko sabay hawak sa magkabilang balikat ni mama
"Oo nga tita wala kaming ginagawang masama" sabi naman ni dentrix kaya natauhan si mama
"G-ganun ba? Mabuti kung ganun" sabi ni nanay
"Nay kung hindi ka dumating baka nga may mangyari na, epal ka kasi nay panira ka ng moment" inis kong sabi kaya natawa si dentrix
"Ganun ba yun nak. Edi sige aalis muna ako" sabi ni nay ng bigla syang pigilan ni dentrix
"W-wag tita" pigil nya kaya napangangang tumingin sa kanya si nanay
"Anong wag pogi? Tanong ni nay
"Wag po kayong umalis agad, eto po payong baka mabasa kayo ng ulan sa labas" kamot ulong sabi ni dentrix kaya napanganga nadin ako
"S-sige salamat pogi" sabi ni nanay sabay labas ng bahay
"Paano ba yan wala na si tita pwede naba?" Tanong ni dentrix kaya nakaramdam ako ng kaba
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sabay layo sa kanya
"Bakit? Akala koba gusto mong makita ari ko?" Sabi nya sabay kagat sa ibabang labi nya
"O-oo p-pero" utal kong sabi sabay pikit ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
"Hahahahahaha" rinig kong tawa nya kaya nasuntok ko sya sa dibdib nya
"Ano ba yan! Paasa ka" inis kong sabi sabay tingin sa kanya na tawa ng tawa
"Haha hindi ko ipapakita sayo to. Para lang ito sa future wife ko" ani ni dentrix kaya tinuhod ko ang ari nya
"Kung ganun, babasagin kona lang yang itlog mo" nakangisi kong sabi habang sya ayun namimilit sa sakit..