Anna Pov
Halos maubos kona ang tinta ng ballpen ko kakasulat ng kung ano-ano dito sa notebook ko habang nagkaklase si sir domingo.
Kahit kailan talaga ang boring magturo ng hukluban na ito.
"Ms.alcantara stand up" biglang sabi ni sir kaya napatayo ako
"Y-yes sir" utal kong sabi ng bigla syang lumapit sakin
"Sa tingin mo gaano kalaki ang ----" hindi pa man sya natatapos sa itatanong nya ay nagsalita na ako
"Sir kung itatanong nyo sakin kung gaano kalaki ang ari ni dentrix pwes hindi kopa nakikita sa personal" mabilis na sabi ko kaya nagtawanan ang mga kaklase ko
Habang si sir domingo ay hindi maipinta ang itsura.
"Tsk, bastos talaga" rinig kong sabi ni dentrix kaya napatingin ako sa kanya.
"Hoy lalakeng dalawa ang ulo! Kung pinapakita moba naman kasi sakin edi sana hindi na nagtatanong si sir domingo!" Sigaw ko kaya nagtawanan na naman sila, magsasalita na sana ulit ako ng hilahin ako paupo ni meisha.
"Anna manahimik kana, tingnan mo si sir oh parang dragon na" nakangiwing sabi ni meisha kaya napa-peace sign nalang ako kay sir domingo.
"Hindi kona alam ang gagawin ko sayong bata ka!" Sigaw ni sir kaya tumahimik nalang ako..pagbigyan ang hukluban baka maistress.
Fast forward
Habang nag-aayos ako dito sa comfort room ay may naisip akong magandang idea. Dali-dali akong lumabas at tinungo ang comfort room ng mga boys.
Nang makarating ako don ay agad kong nakita si dentrix na papasok don kaya napangisi ako.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto saka ako sumilip sa loob. Kitang kita ko kung paano buksan ni dentrix yung zipper nya, tsk sayang zipper lang ang nakita ko.
Habang pinagmamasdan ko syang nakatalikod ay hindi ko maiwasang mag-imagine.
-------------------------
"B-baby wag kang marahas" malanding sabi ko ng isandal nya ako sa pader dito sa loob ng comfort room
"S-sabik na sabik ako sayo anna" ani ni dentrix na nagpakagat sa ibabang labi ko
"U-ugh dentrix sige gawin mo ang gusto mo" ani ko sabay sunggab nya sa labi ko.
Sa sobrang kagustuhan ng katawan ko ay nakipagsabayan ako sa halik nya, huhubarin na sana nya yung uniform ko ng --------------
"Arayyyyyy ano ba!" Sigaw ko ng may pumitik sa ilong ko
"Hoy babaeng malibog, pati ba naman dito pinagpapantasyahan mo ako" nakakunot noong sabi ni dentrix
"S-sorry" ani ko at akma na sanang lalakad ng hawakan nya yung balikat ko.
"Kung gusto mong makita alaga ko sabihin mo, hindi yung sisilipan mopa ako" walang emosyon nyang sabi sabay tapik sa noo ko.
"Bye libog girl" dugtong nya sabay alis sa harapan ko.. Arrrrrghhhhhh nakakahiya huhu.
Nandito ako ngayon sa mall para rumampa. Wala naman kasi akong pera pambili ng mga bagay na meron dito sa mall
Habang naglalakad ako ay pilit kong pinangangalandakan sa kanila ang dibdib ko, wala eh. Eto lang ang maipagmamalaki ko. Patuloy lang ako sa paglakad ng may makabunggo akong lalake.
"Aray! Mag-ingat ka naman!" Inis kong sabi sabay harap dun sa lalakeng nakabunggo ko
"D-dentrix" banggit ko sa pangalan nya
"Kung minamalas ka nga naman" rinig kong sabi nya kaya nanlaki ang mata ko
"Hoy lalakeng maliit ang junior ikaw nga tong panira ng araw ko!" Sigaw ko kaya napatingin na samin yung mga tao dito sa mall.
"Narinig nyo yun? Maliit daw junior ni pogi sayang ang hot pa naman nya" rinig kong sabi nung babae kaya napangisi ako
"Hoy babae! Hindi malaki ano ko! Gusto mo hawakan mopa eh!" Sigaw ni dentrix dun sa babae kaya napayuko ito. Nahiya siguro
"Sa kanya ipapahawak mo tas sakin hindi" mahina kong sabi na narinig pala nya
"Ayoko nga! Baka hindi lang paghawak ang gawin mo" sabi ni dentrix sabay hawak sa kamay ko
Dug
Dug
Dug
Teka anong nangyayari sa puso ko, nalilibugan nadin ba sya kagaya nung isip ko.
"Pahawak nalang ako ng kamay mo, tutal sinira muna ang araw ko kaya eto nalang ang kapalit" seryosong sabi ni dentrix habang hila-hila ako.
Napatingin ako sa mukha nya, etong lalakeng ito kunwari pa gusto lang naman talaga nyang hawakan ang kamay ko.
Akalain mo yun mas gwapo pala sya sa malapitan.. Pumasok kami sa mang inasal ni dentrix, wow ililibre nya kaya ako.
Pinaupo nya ako saka sya umorder pagkatapos ay bumalik na sya sakin.
"Hoy wala akong pera" ani ko
"Alam ko, hayaan mo ililibre kita" sabi nya kaya nanlaki ang mata ko, tumayo ako saka ko sya niyakap na ikinagulat nya.
"S-sorry natuwa lang ako" utal kong sabi, napansin kong namula yung pisngi nya.
"Okay lang, naramdaman ko naman yang dibdib mo" nakangising sabi ni dentrix kaya nahampas ko sya sa mukha nung pamaypay na hawak ko.
"Pasalamat ka talaga at nandito tayo, kundi dinakma kona yang ano mo" nakangisi ko rin na sabi kaya lalong namula ang pisngi ni dentrix
"M-manahimik kana nga ang d-daldal mo" utal nyang sabi kaya nanahimik nalang ako. Tutal nandito nadin naman yung inorder nya.