Isabelle’s POV Nakatingin ako sa mga bills na nasa harapan ko. Napaka-daming utang na kailangan kong bayaran. Isa pa yung mga utang ni mom. Hindi ko alam kung bakit ba kami nalubog sa utang. Hindi naman ganito si mom noon, pero hindi ko alam kung bakit na lang siya natutong magsugal. “Saan ka na naman galing?” wika niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya, kita ko ang gulo-gulo niyang buhok at parang kakagaling lang sa labas para magsugal. “Mom, nagsugal ka na naman?” wika ko sa kaniya. Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito si mom. Nung nawalan siya ng trabaho last year dahil sa maling ginawa niya sa trabaho, hindi na siya sumubok ulit at naging ganito na lang siya. I understand her na meron siyang problema, pero kailangan bang

