Chapter 05: Follow me, Isabelle

1503 Words
Isabelle’s POV Hindi ko sinunod ang utos ni ninong Cholo. Pumasok lang ako sa loob ng room ko at doon ko pinigilan ang sarili ko na gawin ang bagay na alam kong mali. He’s tempting me at ang isa kong kailangang gawin ay pigilan ang temptation ko. Ninong ko pa rin siya, what we did was wrong at hindi na dapat maulit pa. Ilang oras din ang lumipas na nakakulong ako sa kuwarto ko. Pinipigilan ang sarili ko na katukin si Ninong kahit na malapit lang ang kuwarto namin sa isa’t isa. Para iwasan ang pag-iisip ng ibang bagya naisipan ko na lag na mamili ng damit na susuotin ko. “Too short.” nagulat ako nang biglang may nagsalita sa pintuan. Doon ko nakita si Ninong Cholo na nakasuot ng black long sleeves na naka-roll ang manggas hanggang sa kaniyang siko at naka-unbotton ang dalawang butones dahilan para ma-expose ang dibdib niya. Nakasuot naman siya ng black na slacks pambaba at ang suot ang rimmed glasses niya. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. T*ngina paano ba kasi ako nagkaroon ng ganito ka hot na ninong? Napakahirap hindi titigan, kahit ganiyan ang suot iba pa rin yung temptation. “Magpalit ka, ano ka sl*t?” seryoso niyang sabi sa akin. Napatingin naman ako sa salamin at tinignan ang suot kong maiksing palda at croptop. “Ninong okay naman ito, party naman ang pupuntahan namin.” Seryoso siyang naglakad papalapit sa akin. Napalunok ako at napaatras dahil medjo kinabahan ako sa mga titig niya. Kitang-kita ko ang galit na may halong pagnanasa sa mata niya. “Are you trying to seduce me?” seryoso niyang sabi. Napalunok naman ako dahil doon. Seducing? Him? Hell no! Bawal na ba ako magsuot ng damit na gusto ko? Na kaya ko sinusuot ang damit na ito kasi dito ako nakakakuha ng confidence? “No ninong, ikaw lang ang nag-iisip niyan.” Tinignan niya ako simula sa paa ko paakyat sa mukha ko. He smirked and bit his under lip. “Then if I become wild, wala akong sisihin na iba?” wika niya. Plano niyang lumapit pero agad kong inangat ang kamay ko upang pigilan siya. Nahawakan ko naman ang matigas na dibdib niya dahilan upang mapalunok ako sa oras na iyon. “Ninong, remember hindi ako kumatok sa pintuan mo. Ikaw ang pumunta sa kuwarto ko kasi nakita mong nakabukas.” Bigla namang bumagsak ang emosyon niya at naging seryoso. “Then change, before I lose myself,” matipid niyang sabi sabay naglakad palabas ng kuwarto ko. Napapikit na lang ako at napahinga nang malalim. Muntik na iyon, buti hindi agad ako bumigay kahit na ganon ang itsura niya. Napatingin naman ako muli sa sarili ko at doon ko nakita ang sinasabi niya. Hindi na ako nag-atubili pa at kinuha na ang ibang dress ko na decent tignan sa paningin. Still daring but compared to what I wore earlier, mas desirable siya at hindi mapang-akit sa paningin ng iba. Bumaba ako sa living room at doon ko nakita si Ninong Cholo na nakasandal sa table counter at nagve-vape. Yung itsura niya talaga doon, kitang-kita mong babaero na f*ck boy, yung mga astang alam niya na meron siyang mauuwing babae mamaya. Kahit na 40 years old na siya, iba pa rin talaga ang kamandag niya. Hindi ko pwedeng itanggi iyon dahil sa paningin ko, parang nasa late 20’s or early 30’s lang siya. “Okay na po ba?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin, diretsong-diretso alam mong hindi lalagpas ang tingin niya dahil naka-lock in mismo siya sa mata ko. “Decent enough,” mahinahon niyang sabi sabay hipak sa vape niya at ibinuga ang usok. “Isabelle, omg!” narinig kong sigaw nila Cassy. Dali-dali silang pumasok sa loob ng bahay namin at niyakap ako. “Finally, party-party na rin–ay hello po,” bigla niyang sabi kay Ninong Cholo. “Hello,” seryoso at nakakatakot na sabi ni ninong. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang meron sa lalaking ito, pero sobrang nakakatakot ang tingin niya kila Cassy na para bang merong nagawa sila Cassy. “Is that your ninong Cholo?” tanong ni Cassy. “Gwapo siya pero nakakatakot yung tingin niya.” Napatawa naman ako upang i-lighten up ang mood. “Haha ano ba kayo, ganito lang si ninong, gawa ng malabo ang paningin kaya ganiyan siya makatingin. Pero mabait ito si Ninong Cholo.” wika ko sabay lapit kay Ninong at tapik ng balikat niya upang senyasan siya na ibahin ang tingin niya. “Ahh, okay… thank you po ulit sa paghatid sa amin sa pupuntahan namin.” Napatingin naman ako kay ninong at kita ko na napahinga siya nang malalim at binigyan sila ng maliit na ngiti. “Go outside girls, kukunin ko lang ang susi ng sasakyan,” mahinahon niyang sabi. Napangiti naman sila Cassy at agad na lumabas at iniwan kaming dalawa. Napatingin naman ako kay ninong at kita ko ang seryosong tingin niya sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya sa pamamagitan ng paghawak sa aking bewang. “Ninong anjan yung mga kaibigan ko–” tinulak ko siya pero sobrang lakas niya dahil nahigpitan niya ang paghawak sa bewang ko. “Remember what I said, Isa. No boys, okay?” seryoso iyon pero dama mo na parang may pagbabanta. Napalunok na lang ako at napatango-tango. “Y–yes po,” utal na sabi ko. “Good, if you disobey bibigyan ka ni ninong ng punishment. Remember what they said? ‘Ang batang makulit, pinapalo sa puwet.’” napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Dahil iba ang dating sa akin nung sinabi niyang iyon at alam ko na iba ang meaning sa kaniya noon. Dahan-dahan niya akong binitawan sabay hipak muli sa kaniyang vape at napatingala sabay buga ng usok na akala mo isa siyang dragon. “Remember what I said, Isa.” sabay lakad niya palabas ng bahay. Napapikit na lang ako at napahinga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi dapat ako magpalaban sa tukso, I need to think straight at gawin ang alam kong tama. Naglakad na rin ako palabas kung saan nakatayo si ninong sa may passenger side ng sasakyan. Agad naman niya akong pinagbuksan sabay sinenyasan na pumasok sa loob. Napalunok na lang ako at naglakad papasok sa loob. Sinarado niya ang pintuan ng makapasok na ako sabay naglakad papunta sa driver seat. In-start niya ang sasakyan para makaalis na kami. “Grabe, ang gentleman ng ninong mo, Isabelle.” wika ni Cassy. Napangiti naman ako sa kaniya ng may awkward na nararamdaman dahil hindi ko alam kung a-agree ba ako sa gentleman dahil kung gentleman talaga siya bakit naman ang wild niya? “Meron po ba kayong anak, tito?” natatawang tanong ni Cassy. Napatingin naman si ninong Cholo sa rear mirror at ngumiti sabay umiling-iling. “Single ako,” tipid na sabi niya. “Hala sayang. Pero sana meron lalaking kasing edad natin na katulad ng ninong Cholo mo ‘no, grabe for sure bagay kayo Isabelle. Like man of your dreams mp na nga si ninong Cholo mo, isipin mo siya lagi yung features sa lalaking ideal type mo. Paano pa kung makita ka ng same features kagaya ng Ninong Cholo mo, plus gentleman, good-looking, kaedad mo, sh*t pasok na sa banga,” wika ni Kelzy. Napatawa naman ako sabay napatingin sa kanila. “Grabe if ever I found a guy na ganon, kasal na talaga agad!” pagsabay ko sa biruan nila. “Ehem!” malakas na pag-ubo ni Ninong Cholo. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagpipigil niya ng galit. Sa kung paano niya hawakan ng mahigpit ang manibela at paano umiigting ang panga niya sa oras na ito. Nawala ang tawa ko at napaupo ng maayos. “Let’s go girls, baka gabihin pa kayo.” Seryosong sabi ni ninong Cholo. Masaya namang sumagot sila Cassy habang ako ay nakakaramdam ng kaba. Tinignan niya ako ng diretso sa mata ko, kita ko ang galit na may halong pagnasasa sa mga matang iyon. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at ibinaling ang sarili ko sa labas ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang mood niya. Wala namang sinabi sila Cassy na masama. Hindi ba siya masaya na siya yung ideal type ko? Na ang hinahanap ko sa lalaki yung katulad niyang matipuno, gwapo, gentleman sa labas pero…wild sa loob. Bigla namang tumunog ang cellphone ko, agad ko itong chineck at nagulat ako na nag-text si ninong Cholo sa akin. So you’re thinking about another man now? Napatingin ako sa gawi niya, hawak ng isang kamay niya ang manibela habang sa kabila naman ang cellphone niya. Napalunok ako at dahan-dahan na binaba ang cellphone ko. Bakit ba ako kinakabahan sa sinasabi niya? Wala naman akong dapat ipakaba hindi ba? Tama lang naman na magkaroon ako ng lalaking iibigin, hindi ba? Bakit siya nagagalit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD