Isabelle’s POV “Isabelle, nakikinig ka ba?” tanong sa akin ni Cassy. Napalunok lang ako at napatingin sa kanila. “O-oo naman,” utal kong sabi. “O sige nga ano yung huli kong sinabi?” napakamot na lang ako sa aking ulo dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang sinabi niya. “Tignan mo ito, kanina ka pa nakatulala. May problema ka ba?” tanong niya sa akin. “W-wala naman, iniisip ko lang kung nabunot ko ba yung hair blower ko sa kuwarto.” palusot kong sabi. “Anyway as I was saying si Sam, yung crush mo nung high school. Hindi ba iniwan ka noon kasi nag-migrate sila ng ibang bansa? Tapos umamin pa sa sa ‘yo. Ayon andito na.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Come on, hindi naman ibig sabihin na gusto namin ang isa’t isa noon ay gusto pa rin namin yung isa’t isa nga

