TRIGGER WARNING!!! Isabelle’s POV Napagawak na lang ako sa aking ulo dahil sa stress na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit sa oras na ito. Gusto kong magalit kay mom, pero wala na rin namang saysay para magalit ako sa kaniya. Nakatingin ako ngayon sa cellphone ko. Iniisip ko na tawagan si Ian, pero nahihiya ako, ang laki ng pera na ito para sa utang ni mom. “Ano’ng gagawin mo, Isa?” tanong sa akin ni Cassy. Napahinga ako nang malalim at napakamot na lang sa aking ulo. Sa totoo lang wala rin akong alam, hindi ko rin alam ang gagawin ko sa oras na ito. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko o saan ako hahanap ng ganon kalaking halaga. “Hindi ko na alam.” walang emosyon kong sabi sa kaniya. Hindi ko na rin alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na iyon. Napatay

