Isabelle’s POV Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang sumunod na nangyari kagabi. Nakita ko na lang ang kuwarto ni ninong Cholo napatingin ako sa katawan ko at nakakapagtaka na may suot na akong puting t-shirt at boxer shorts. Nag-iba na rin ang bedsheet niya. Napatingin ako sa paligid para tignan kung asaan siya. Ang nakita ko lang ay yung check na nasa lamesa. Napahinga ako nang malalim at agad na kinuha iyon. Kitang-kita ko ang hundred million na nakasulat doon. “Ginawa ko talaga…” bulong ko sa sarili ko. To think na natatandaan ko ang lahat na nangyari kagabi. Napapikit na lang ako habang nakahawak sa aking braso. Habang iniisip ko yung mga sinasabi at ginagawa ko kagabi, parang wala ako sa sarili ko. Para akong nadadala sa ginagawa niya at hindi

