Isabelle’s POV Napahinga ako nang malalim at napaupo lang sa couch. Ang daming nangyari sa buong araw na ito. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magluto ng pagkain ko pero gusto ko na lang na matulog dito sa couch. Kaya hinahanap-hanap ko rin si Ian… kasi kapag andito siya iba talaga ang buhay ko. Siguro hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon kung andito lang siya nung time na nagkautang si mama ng hundred million. Ngayon dahil doon, kailangan kong harapin ang kapatid niya at alamin ang lahat ng plano nito. Napabangon ako sa aking pagkakahiga sa couch at napatingin sa salamin. “Isabelle, don’t think of losing. Hindi ka pwedeng magpatalo sa Cholo na iyon. Tandaan mo, nakaya mo na siya dati… makakaya mo ulit siya ngayon.” diin ko sa sarili ko. Kailangan kong tapangan at hindi basta

