Isabelle’s POV “Hindi ko alam na ang dami mo pa lang gustong bilhin. Ang kailangan mo pala sugar daddy.” natatawang sabi niya sa akin. “Ang dami ko kasing mga need lagyan ng stock sa kuwarto ko. Buti sumama ka, salamat, at least meron akong tagabuhat,” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya habang patuloy lang na sumusunod sa akin sa paglalakad. “Kaya nga, pero ako ang binagbabayad mo nung mga binili mo.” “Hindi ba ang sabi mo sa akin payagan kitang samahan ako kapag ikaw ang nagbayad ng mga pinamili ko?” wika ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa kaniya habang pabiro kong itinaas ang kanang kilay ko. “Okay, sige na kahit buong lugar pa yung kunin natin para sa ‘yo.” napatawa naman ako sabay napailing-iling. Nakaramdam ako ng comfort nung nakasama ko siya. Hindi ko alam na ang s

