Isabelle’s POV Napahinga na lang ako at napailing-iling dahil sa sinabi niya. Is he serious talagang iyon ang sasabihin niya sa akin. Napalunok naman ako at nagsimula ng kumain. Hindi ko alam kung ano ba ang reason bakit meron pa siyang pa dinner eh ibibigay lang naman niya ang pera sa akin. “So how was the food?” tanong niya sa akin. “It was prepared by the great chefs that I know. Since alam ko na ikaw rin naman ang pupunta dito. Might as well na paghandaan ko na ito. Ilang taon din na hindi tayo nagkita.” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ganon lang ba kadali sa kaniya na bitawan ang mga salitang iyon? Na parang hindi siya nag-iwan ng bagay na mapag-o-overthink sa akin? Ganon lang ba kadali sa kaniya na kalimutan lahat. “Let’s get to the point, ninong Cholo. Alam mo kung baki

