Isabelle’s POV Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na iyon. Dama ko ang tensyon sa pagitan nila. Dama ko ang galit na namumutawi sa mata ni Ninong Cholo. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa kanilang dalawa. Pero agad kong tinanggal ang kamay ni Ian sa balikat ko sabay lumapit kay Ninong. “Let’s go Ninong Cholo, baka mamaya magsapakan pa kayo dito.” Tinignan lang naman niya ako ng seryoso dahilan upang tumindig ang balahibo ko sa oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa tingin niya, pero nilakasan ko ang loob ko ang loob ko. Hinawakan ko ang braso ni Ninong para hatakin siya sa labas. “Isabelle!” sigaw ni Ian dahilan upang mapahinto kaming dalawa. Napatingin ako kay Ian na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. “See you again.” Doon ay mas lalo kong naramdaman ang g

