Isabelle’s POV Kasalukuyan akong nasa harapan ng salamin ng banyo niya rito. Maayos kong pinupunasan ang aking buhok habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung bakit meron siyang ganito kalaking banyo dito sa office niya. Siguro ay habit niya talagang magdala ng babae dito at dito na lang siya naabutan ng lib*g niya. Pero mas lalong hindi ako makapaniwala na hinayaan ko siyang gawin dito ang bagay na ito lalo na’t anytime pwedeng merong pumasok sa loob ng office niya. Napahinga na lang ako nang malalim sabay pinukol ang sarili kong mukha sa tuwalya na hawak-hawak ko. “Kung hindi ka rin naman kasi tanga. Alam mo naman na pwede mong pigilan pero kumagat ka rin sa mga gusto niya,” bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili

