PANIMULA
~
Warning : R-18 ahead. Read at your own risk.
PANAY ang linga ko sa paligid ng magarbong hotel and restaurant na hinintuan ng kotse niya, tabi ang motor ko sa parking lot dahil hinahanap ko ang lalaking buong puso kong minahal at mukhang tama ang hinala ko na magkikita sila ngayon ng babaeng balak niyang ipalit sakin, siguro'y mas tamang sabihin na balak niyang balikan.
2 years... After 2 years of serious relationship with him, basta ko na lang mababalitaan na niloloko na pala ko ng nobyo ko.
Ano ba ko para sa kanya? Laro lang? Pampalipas oras? Panakip-butas?
Nanggaling na ko sa clinic na pagmamay-ari niya kanina para komprontahin siya sa nalaman ko tungkol sa pakikipagkita niya sa ex niya.
Paano ba naman, magloloko na lang ang gagong yun hindi pa talaga ginalingan!
Buti na lang at nakita sila ng kaibigan ko kung hindi ay baka hanggang ngayon, wala parin akong kamalay malay na nagkikita pala sila ulit ng babaeng kinakainggitan ko dahil na rin sa mga naririnig na maganda tungkol dito.
Ipapark ko na sana kanina ang motor kong yamaha mio fazzio sa gilid ng clinic niya nang mapansin ko siyang sakay ng kotse niya, nakangiti, may kausap sa cellphone at basta na lang nagmaneho papunta sa kung saan.
Nagkahinala na ko kung sinong pupuntahan niya kaya agad ko siyang sinundan hanggang sa ipark niya ang kotse niya sa gilid ng Hotel & Restaurant na ito.
Hindi ko na siya nasundan pa kung saan siya pumunta dahil nang makalayo siya ng kaunti ay tyaka ko palang na-park ang motor ko sa tabi ng kotse niya, kaya nanatili na lang akong nakatunganga dito.
Iniisip kung aalis na ba ko dahil malamang ay magtatagal pa siya dito sa restaurant na ito o baka sa hotel pa siya dumiretso kasama ang babaeng yun.
'Malamang makikipagkita yun sa ex niya dito, mismo!' Pinipigilan kong maiyak dahil gusto ko siyang makausap upang makumpirma mismo sa kanya ang mga nalaman ko.
Hindi naman ako nasisita ng guard dahil may parking space talaga dito para sa restaurant. Hindi rin ako kita sa pwesto ko dahil medyo malayo ng onti ang open parking space sa restaurant at mukhang di na ko gaanong hagip ng tingin ng security guard.
Napatingin ako sa pintuan ng restaurant nang may mahagip ako na pamilyar na damit.
Nanlaki ang mata ko at hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.
Nakatalikod sakin ang ex niya kaya di ko makita kung ano ang itsura. Nasa entrance sila ng restaurant, hindi ko marinig ang usapan nila pero ganun na lang ang sakit na naramdaman ko nang inakbayan siya ng boyfriend ko at sabay na silang naglakad, aambang papasok sa restaurant.
Akmang susunod ako sa kanila nang biglang may lalaking matangkad ang humarang sa dadaanan ko.
Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya ng tingalain ko siya, ngunit natigilan ako ng makita ang madilim niyang anyo.
Madilim ang kanyang mukha at parang gusto niya kong patayin sa tingin na ipinupukol niya sakin, ganun na lang ang takot na nadarama ko nang bigla niya kong hinawakan sa braso at kahit anong pilit kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso ko ay mas lalo lang itong humihigpit.
Hindi ko maikakailang may itsura siya, mukhang mayaman at mas matangkad sakin kaya kailangan ko pang tumingala dahil parang hanggang balikat niya lang ata ko, para lang magpantay ang tingin namin.
Nakaitim siyang american suit na nakikita ko lang sa mga nagoopisina , umiigting ang panga habang nakatitig ng direkta sa mata ko.
Mukhang marami siyang gustong sabihin sakin sa mga tingin niya pero piniling tumahimik.
Natauhan ako sa pagtitig sa kanya nang mas humigpit ang hawak niya sakin.
"Aray ko naman, kuya!" Sinubukan kong iwasiwas ang kamay ko ngunit talagang napakadiin ng hawak niya sakin. "Bitawan mo nga ko! May pupuntahan pa ko!"
"Sino naman ang pupuntahan mo dito sa makati at talagang malapit pa sa mga hotel na ito nang ganitong oras? Yung doctor ba o yung kalandian mong modelo?!" Ramdam kong mas dumidiin pa ang gapos niya sa saking braso may kaunting gigil.
"I always let it slide, Illeah! I turn a blind eye on your cheating issues because I sincerely hope that you will not fool me! I trusted you because I f*cking love you and you said you would never break your promise, but what the f*ck! You just keep on breaking my trust! I'm so stupid for still believing even if you're always caught red-handed."
Kunot ang noong tinitigan ko siya, nalilito parin sa mga sinasabi niya at napapangiwi sa sakit ng braso kong ayaw niyang bitawan.. "Wala kong kilalang modelo at gusto ko lang makausap yung doctor na sinasabi mo. Kung saan man ako pupunta, sino kaba para pakialaman ang buhay ko?"
Tila mas lalong dumilim ang tingin niya sa narinig. "Who am I? Really? You were gonna ask me that stupid question even though it's obvious? Ikakasal ka sakin! Karapatan kong malaman kung totoong niloloko mo ba ko dahil ayokong magpakasal sa babaeng hindi ko kayang pagkatiwalaan!"
May kirot sakin ang mga sinabi niya dahil halos pareho kami nang pinagdadaanan ngayon pero talagang hindi ko siya maintindihan.
Baka naman kamukha ko yung babaeng sinasabi niya at napagkamalan niyang ako yun?
"Hindi talaga kita kila-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tila mas lumalapit pa siya sakin. Natigilan rin ako nang mag sink in sakin ang pangalan na binanggit niya.
Illeah, huh? Why does it sound so familiar to me.
Natigilan ako nang may namuong luha sa galit niyang mga mata."Hanggang kailan mo ba ko gagaguhin, Illeah? " He humorlessly laughed, hurt is so evident in his voice that I had to swallowed the words I wanted to say. "Why do you keep on doing this to me? Talagang malapit pa sa hotel na pagmamayari ko."
Napailing na lamang ako at hindi kayang sabihin na hindi ako ang babaeng tinutukoy niya.
I couldn't find a right words to say that he's mistaking me for someone else.
Doon ay narealize ko kung sino ba ang kakilala ko rin na may 'Illeah' rin na pangalan.
Sa pagkakaalala ko ex-girlfriend ni Miguel, Illeah rin ang pangalan.
Talaga bang parehas pa talaga sila nang pangalan nang babae na pinagkamalan niyang ako at yung ex ng boyfriend ko?
Kapangalan ng Illeah na tinutukoy niya yung ex ni Miguel.
Hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat ng ito at kung totoo man na iisa lang sila, Ang tanga niya lang para magloko pa. Wala siyang pinagkaiba sa boyfriend kong si Miguel.
Doon ko napagtantong niloloko nila kaming pareho! Ang kakapal nila!
Napabuntong hininga na lamang ako nang biglaan niya kong hinatak at niyakap ng mahigpit. "Please... don't leave me. I'll be a good fiancee to you. I will treat you better."
Mas humigpit pa ang kanyang mga yakap sakin at hindi ko alam kung bakit may pait sakin ang mga sinasabi niya kahit alam kong hindi yun para sakin. "Alam kong wala ka nang pakialam sakin hindi tulad ng mga bata pa tayo. I will forget and forgive everything that you did just choose me." puno ng pagsumamo ang kanyang baritonong boses at hindi ko maintindihan kung bakit naapektuhan ako sa mga sinasabi niya.
Ngayong yakap niya ko sa kanyang mga bisig, doon ko narealize na lasing na lasing na siya dahil na rin sa malakas na amoy nang alak na nagmumula sa kanya.
Nagtatalo yun ngayon sa pangamoy ko dahil hindi ko makakaila na nangingibabaw rin sa kanya ang panlalaki niyang pabango.
Ano bang ginagawa ko?
Mukhang wala siya sa katinuan ngayon, kita mo nga at pinagkamalan pa kong fiance niya.
Dapat kanina ko pa siya pinigilan at sinabi kung ano ang totoo dahil mukhang wala na siya sa sarili niya dahil sa sobrang kalasingan!
Tinignan ko yung direksyon nila Miguel pero dahil nakapasok na sila sa loob ng restaurant ay hindi ko alam kung saan sila nagpunta sa loob o kung doon nga ba talaga sila dumiretso.
Hindi ko mapigilan na magover think kakaisip kung ano kaya ang posible na ginagawa nila ngayon.
Kumakain lang ba sila nang normal na pagkain sa restaurant sa baba o nagmumukbangan ng isat isa sa hotel sa taas ng building na ito?
Kung kaya ng mga kasintahan namin na magloko, bakit hindi ko rin gamitin ang opportunity na ito para makapaghiganti?
Napapikit ako sa init nang yakap niya at nakaisip na maghiganti para saming dalawa kahit pa alam kong mali yun.
Kung kaya nila Miguel na gawin yun, kakayanin ko rin.
I just need to convince him or seduce him, hindi ko alam basta maghihiganti ako and I will make sure it will happen tonight!
Doon ay unti unting umangat ang braso ko para yakapin siya pabalik.
Magpapaangkin ako sa lalaking ito ngayong gabi at walang makakapigil sakin na maghiganti para sa puso naming parehong nasaktan. Kung kaya ng mga katawan at puso nila na magtaksil, magtataksil rin kami ngayong gabi...
"I'm sorry...Gusto ko lang kumain sa labas kaya ko nandito. Pwede kang sumama sakin kung gusto mo. Pasok na ba tayo sa loob ng h-hotel niyo?"
Unti unti niya kong nilayo sa kanya, hawak sa magkabilang braso at tinitigan sa mukha.
Napalunok ako at kinabahan kung makikita na ba niyang hindi ako si illeah pero wala kong makitang pagdududa sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung anong pangalan niya kaya pinili ko na lang na wag siyang tawagin ng kahit ano.
Nginitian ko siya ng may lambing na agad niyang binalik sakin ng may maliit na ngiti sa labi.
May takas na luha na nasa pisngi niya kaya agad kong inabot ito ng mga kamay ko at marahang pinunasan.
Hinawakan ko ang kamay niya at agad ko siyang hinila papasok sa kaparehong restaurant na pinasukan nila Miguel at nang babae niya.
Hindi ko sure kung eto nga ba yung hotel na sinasabi niya, ayoko rin kasi maniwala na may hotel siyang pagmamay ari.
Yayamanin yarn?
Though, mukha naman talaga siyang anak mayaman.
Pagkapasok doon ay hindi na ko tumingin pa kung saan saan, ayokong pero naunang maglakad sakin ang lalaking kahawak kamay ko at ako naman ang hinila niya palagpas sa restaurant at dumiretso kami papasok sa elevator.
Hawak parin ang kamay ko ay tahimik kaming pareho habang paakyat ito. Alam kong lasing siya pero pansin ko na nasa katinuan parin siya ng mga oras na yun. Kung may mangyayari man samin, hindi ko naman siya mapapagsamantalahan sa lagay na ito, kasi mukhang gusto naman niya rin ata.
Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ko dito ngayon pero nandito na ko at wala kong planong umatras.
Naguluhan pa ko nang hindi manlang kami dumiretso sa front desk o anuman at basta na lang kaming pumasok dito sa elevator at nagtuloy tuloy paakyat sa P floor na pinindot niya taas lang ng 59th floor.
Mukha siyang mayaman naman kaya may tiwala kong hindi kami masasaway ng kung sinuman dito sa hotel na ito.
Natigilan pa ko nang pinindot niya ang pinakadulo kanina .May penthouse ba dito at doon kami papunta ngayon?
Gusto kong magtanong pero baka mabuko pa niya ko kaya pinili ko na lang ulit na manahimik.
Nang makahinto kami sa P floor na iyon ay sinalubong kami nang tahimik na lobby.
Napatingin ako sa paligid at kahit saan ako lumingon sa lobby ay talagang sumisigaw ang karangyaan.
May nilabas siyang susi at binuksan ang nagiisang room sa palapag na yun.
"Come in, Love." May lambing sa tono niya na hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya ulit.
Hindi ko alam kung bakit ako nanghihinayang. Siguro dahil alam kong hindi naman siya sakin at hindi ako ang babaeng dapat kasama niya.
Nababaliw na nga ata ko at naisipan kong gawin ito.
Pinauna niya kong pumasok sa room na yun at hindi pa nabubuksan ang ilaw, tanging mga dim lights sa gilid nang tila penthouse hotel room ang ilaw namin sa malaking kwartong ito.
Pagpasok niya rin ay doon ko narinig ang pagsarado ng pinto at paglock niya dito. "Tatawag ako sa baba para sa pagkain natin, katulad nang dati. May gusto kabang-"
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil agad ko siyang tinalunan upang mahalikan sa marahas na paraan. Hindi naman siya tumutol sa halik ko, bagkus ay pinagpatuloy niya pa lalo ito sa parehong intesidad, bahagya niya pa kong sinalo mula sa pagtalon ko sa kanya, ngayon ay hawak hawak niya ko sa magkabilaan kong hita at ipinulupot ito sa bewang niya.
Ngayon gabi ay akin lang siya. Kung nakuha ni Illeah ang boyfriend ko. Hindi pwedeng sila lang ang magiging masaya sa gabing ito.
Magiging akin rin ang fiancee niya ngayong gabi.
_____________________________________________________________
END OF PANIMULA.
_____________________________________________________________
Enjoy Reading!
#VOTE #Vote #comment #SubstitutingTheRunawayBride
~
Sandz C.