Iniwan ko sila para naman makapag-usap sila nang maayos. Pakiramdam ko ay sagabal ako sa kanila. Matapos ‘kong mag-toilet ay nakita ko si Jes paglabas ko ng cubicle.
"Nandiyan ka pala." malamang toilet 'to kahit sino puwedeng pumasok. Ano ka ba naman, Yuki?
"Oo. Puwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Jes.
"Oo naman. Tara. Do’n na lang tayo mag-usap para makaupo tayo nang maayos." pinigilan niya ko. Napa-isip ako kung bakit dito pa sa banyo? Bakit hindi puwede ro’n?
"Yuki..." panimula niya pero napahinto rin.
"O." tipid kong sagot habang inaayos ang bangs ko na kagugupit ko lang. Gano’n daw kasi kapag broken hearted. Nagpapagupit. Syempre echos lang. Napagtripan kasi ni Baks ang buhok ko. At dahil mabilis namang tumubo kaya pumayag ako.
"I don't know how to say it. I don't know how to start..." uhm… ate nagsisimula ka na nga at sinasabi mo na.
"Bakit? Ano ba’ng sasabihin mo?" wala talaga akong idea sa sasabihin niya at kaunting delay pa ay iiwan ko siya rito.
"M-mahal mo ba si Yujin?" ano ba namang klaseng tanong ‘yan? Syempre oo.
"H-hindi. B-bakit?" maang ko. Alangan namang umamin ako sa girlfriend niya?
"Are you sure?" makulit ka rin e ‘no? Sabing oo nga.
"Hindi nga. Bakit ba?" nakakainis talagang pabitin pa. Ibibitin ko na ‘to sa inidoro ng patiwarik e.
"He loves you." I know.
"Huh?" maang ko na napanganga pa ng labi para makatotohanan.
Tyet, Yuki. Plastik mo.
Syempre para naman mukhang hindi ko alam. Like hello. Magkasama kami last time. Basang-basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan. Wait. Kanta ‘yon e. I mean nabasa kami ng ulan at nagpatuyo ng damit sa bahay. Bakit ba?
"Hindi ko alam kung tama ba’ng umamin ako sa ‘yo." my gosh. Tibo ka ‘teh? Crush mo ‘ko? Love mo ‘ko?
"What do you mean?" paglilinaw ko.
"He loves you at walang kami. I'm not his girlfriend and he's not my boyfriend either." hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Parang lalabas ang puso ko sa lakas ng pagtambol dahil sa nalaman ko.
"Huh?" puro huh na lang ba ang lalabas sa bibig ko? Ayaw kasing linawin.
"Okay. Hindi kami at walang kami. Ikaw ang mahal niya. Ikaw lang." napatakip ang bibig ko sa gulat.
"Ayaw niyang ipaalam ko sa 'yo but I can see na nahihirapan ka na. At ayaw kong maging dahilan nang paghihirap niyo. He told me everything. At nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa mga nagawa niya sayo. Naghiganti siya na hindi man lang inaalam ang tunay na dahilan. Mahal ka niya at ayaw niyang masaktan ka." hindi ko alam pero bigla na lang bumagsak ang tubig sa gilid ng mga mata ko.
Though alam ko na ang lahat ng ‘yan dahil nag-usap na kami pero masakit pa ring malaman na nahihirapan at nasasaktan siya. Hinaplos ni Jes ang likod ko at pinatahan sa paghikbi. Nagagalit pala ako kay Jes nang walang dahilan. Hindi pala sila ni Yujin. Pero kahit na. Hindi pa rin puwedeng maging kami. Lumabas kami ni Jes na parang walang nangyari. Ilang minuto rin kaming nawala at halatang nag-enjoy naman si bakla.
"O? Bumalik pa kayo?" sabi niya habang hinaplos ang kamay ni Yujin.
"Aba at kaya ayaw mo kaming bumalik para ma-solo mo si Yujin?" sagot ni Jes. Umirap naman si bakla at nakataas pa rin ang kilay na uminom ng kape.
"Of course. Sana nga hindi na kayo bumalik. Bakit ba ang tagal niyo?" usisa nito.
"Sumakit ang tiyan ko." saad ni Jes habang hinihimas ang sariling tiyan.
"Oo nga. Tinulungan ko siya. Wala kasing tissue sa cubicle niya." alam kong hindi maniniwala si bakla dahil alam niyang irita ako kay Jes.
"Hmm... I smell something fishy... Totoo? Tinulungan mo? Si Jes?" itinukod pa ang siko sa mesa at ang palad sa mukha niya sabay taas ng kilay.
"Kamay mo lang ang fishy, Baks. Malapit kasi sa ilong." kitang-kita ko na lumabas ang dimples ni Yujin nang tumawa. Na-miss ko ang mga iyon. Ang tawa niya. Ang dimples niya. Ang mga titig niya.
Nang matapos namin ubusin ang mga kape namin ay sabay-sabay ulit kaming umakyat sa floor namin. Hindi na ‘ko gaanong naiilang kay Jes. Nakakangitian ko na rin siya at nakakausap nang maayos. Siguro’y dahil nakuha na niya ang tiwala ko.
Gano’n naman ako. Madaling magtiwala as long as nakikita kong sincere ang tao. But not Yujin's feelings. Ayaw kong pagkatiwalaan ang nararamdaman niya. Baka kasi fake lang at masaktan lang ako. Baka isa na namang joke.
"Yuki, puwede bang favor? May makulit kasing client. Ayaw niya akong kausapin. Sabi niya ikaw raw ang gusto niyang makausap. Nakausap ka na raw niya noon." bungad ni Taleo sa ‘kin. After ko magka-call kanina pagbalik namin ay sumakit ang tiyan ko. Masama yata ang loob ng baklang 'to sa inilibre niyang kape.
"Huh? Sino raw 'yan? Bakit daw?" napaisip kong tanong kay Taleo. Sa pagkakatanda ko’y wala naman akong inaasahang client na maghahanap sa ‘kin. After namin maayos ang problema pagkatapos ng lockdown ay na-resolved na ang lahat ng cases ko.
"Ewan ko. Hindi nagpakilala tapos ang kulit. Paulit-ulit. Nagni-nihonggo pa nga kahit na sabi kong English lang ang allowed sa atin na language kahit naiintindihan ko siya." shunga talaga ng bestfriend ko. Pa’nong hindi allowed? Nasa japanese queue kami.
"Baks, may lagnat ka ba o may sakit? Puwede tayong magnihonggo." sabi ko habang idinadampi ang likod ng palad ko sa noo niya.
Aminin niyo tiningnan niyo pa kung alin ang likod ng palad ‘no? Ako rin e.
"Basta kausapin mo na. Baka magpakamatay pa ‘yan kapag hindi ka nakausap." over naman? Papakamatay talaga? Nakalilito na talaga ‘tong si Baks.
"Akin na nga. Transfer mo na. Hindi ba talaga nag e-English?" paninigurado ko.
"Medyo lang." showing his fingers on how little the client speaks English.
"Okay. Go." pagkarinig ko ng transfer tone ay agad akong nagsalita. Pero wala namang nag-respond.
"Arufonso kōkū ni o denwa itadaki arigatōgozaimasu. Yuki. Dono yō ni otetsudai dekimasu ka?" (Thank you for calling Alfonso Airlines. Yuki speaking. How may I help you?) sabi ko.
Inulit ko pa pero wala talaga. Nang ikatlong spiel ko ay naghanda na ‘kong mag-drop ng call. Itinapat ko ang daliri ko drop call button. Iyan kasi ang protocol ng company. Hanggang tatlong spiel lang. Kapag dead air o walang sumagot ay drop call na. Nagulat at kinabahan ako nang may nagsalita.
"Kon'nichiwa..." (Hi.) sabi niya. Pamilyar ang boses na parang hindi. Tinanong ko siya kung puwedeng English kami mag-usap. Pumayag naman siya pero nahuli ko siya nang magkamali siya ng sagot.
"Sir, before I proceed I would like to remind you that this call may be monitored or recorded for quality and security purposes." bigla siyang umubo at pagkatapos ay nagtagalog. Akala ko’y ako ang kausap niya pero hindi pala.
"Oo, sumagot na." pamilyar talaga siya.
"Sir? Are you speaking with me or to someone else? Do you speak and understand tagalog?" biglang nanahimik ang line. Pagkatapos ay hang up tone na ang kasunod.
"Buwisit!" bulalas ko. Pati ba naman ang nagtatrabaho ng matino ay pinagloloko niyo! Napalingon si Baks sa akin nang padabog kong ibaba ang mouse na hawak ko. Katatapos ko lang kasi i-note ang nangyari.
"Okay ka lang, Baks?" tanong niya. Mukha ba ‘kong okay?
"May mga lokong prank callers na walang magawa." humagalpak nang tawa si bakla. Nagawa pa ‘kong pagtawanan. Sabagay hindi lang naman ‘yon once nangyari. May caller nga na parang nakikipag-s*x on call. Umuungol habang nag-iinquire tungkol sa flight niya. Napa-log out ako nang wala sa oras.
"Nako, Baks. Hindi ka pa nasanay. Tingin ko ay isa sa mga admirer mo ‘yan. Kilala ka e. Specific name pa talaga ang ibinigay." natawang sabi ni Baks.
Masaya ka niyan, Baks? Ha? Nasa’n nga pala si Yujin? Bakit ko nga ba siya hinahanap? Pakialam ko sa kanya. Pero pamilyar talaga ang boses kanina. Parang boses ni... Yujin! Siya nga yata 'yon. Tawa naman nang tawa si Baks nang mapansing parang alam ko na kung sino ang caller na ‘yon. Kainis. Napag-laruan yata ako.
“Anong tinatawa mo, Baks?” bigla namang sumulpot sina Yujin at Jes na mukhang sayang-saya. E di wow! Nang mapalingon sila sa akin ay natatawa pa rin. May dumi ba ‘ko sa mukha?
“Baks, adik ka?” hindi pa rin matigil sa katatawa si Baks.
“Huwag kang magagalit, Baks.” huh? Bakit naman ako magagalit. At inuuna pa ang tawa kaysa kwento? Pasalamat siya walang masyadong calls ngayon. Kaya siguro nagkalat ang prank callers.
“Ano ba kasi ‘yon?” iritable na ‘ko katatawa nila nina Yujin, Jes at Taleo. Mga gago. Nagsama-sama pa silang tatlo.
“It’s prank!” sigaw nila. Mga abnormal! At inulit pa ni Yujin ang sinabi niya kanina. In fairness. Ang sweet ng boses niya sa phone.
Wait. Na-prank ka na nga, sweet-sweet pa nasa isip mo, Yuki.
“Mga baliw!” napatakip ako ng bibig nang magsi-tinginan ang mga tao sa floor. Mabuti't weekend ngayon. Hindi gaanong ma-tao sa floor namin. Lalo pa at wala ang mga boss. Hala sige tawa pa. Sumakit sana ang mga tiyan niyo. Pag-tripan ba 'ko.
Matalim na titig ang ipinukol ko kay Yujin. Natakot yata sa 'kin at tumigil na sa katatawa. Pero mali ako. Matapos tumigil ay tinitigan ako at kumindat sabay labas ng dimples. Ibang klase, Kuya. Trip mo? Pasalamat ka nasa mood ako ngayon dahil nakita kita.
Joke lang 'yon. Pero totoo. Ang harot mo talaga, Yuki. Landi e.